Cember's POV
Ewan ko na kung bakit tuwing kasama o kaharap ko si Kaizar, eh naiilang ako. Yung parang ang awkward.
"Masaya ka na ba na bumalik na ang crush mo?" Lumingon ako para tignan kung sino yung nag sabi nun. Si Peter.
Nandito ako ngayon sa may bandang soccer field. Nakaupo sa damuhan, malapit sa soccer field.
Umupo siya sa tabi ko.
"Ano bang pinag-sasabi mo dyan?"
"Halata naman ata na masaya ka kasi andyan na yung best friend mo slash crush mo."
"Tsk."
"Bakit parang di ka masaya?"
"Ang gulo mo. Sabi mo halata na masaya ako kasi andyan na siya. Pero ngayon sasabihin mo na parang di ako masaya. Gulo mo."
"Haha! Masanay ka na. Bakit ang lungkot mo?"
"Eh kasi naman....si Kaizar...."
"Ikakasal kay Maine?"
"Pa-paano mo nalaman?"
"Sinabi saamin yun ni Kaizar. Alam mo na ba kung bakit siya pumayag magpa-kasal kay Maine?"
"Hindi...alam mo?"
"Oo. Kaizar told us everything."
"Kwento!"
"Oo...eto na. Kaya lang naman napilitan si Kaizar na ikasal kay Maine ay dahil yun sa company nila Kaizar. Nalulugi na kasi yung kompanya nila eh. Ang only way para maisalba nila ang kompanya nila, ay yun ang magpa-kasal si Kaizar at Maine. Kahit ayaw ni Kaizar, wala siyang magawa."
So yun pala ang story kung bakit sila ikakasal. Pero bakit pumayag si Kaizar? Haixt. Sa bagay, mahal niya naman si Maine. Best friend niya eh.
"Naaawa naman ako kay Kaizar. Pero best friend niya naman yun eh. Kaya okay na yun."
"Selos ka?"
Ako?! Selos?!
"Bakit naman ako mag-seselos?!" Kinuha ko ang bag ko at iniwan si Peter doon. Sabihin ba naman na nag-seselos ako!
Kaizar's POV
Naglalakad lang ako, since wala kaming teacher para sa next subject. Absent kasi eh. Di ko lang alam kung bakit.
Napadaan ako sa bandang soccer field. Nakita ko si Cember, nakaupo siya sa mga damuhan. Pupuntahan ko na sana si Cember kaso naunahan ako ni Peter.
Alis na nga lang ako dito. Ba yan, ewan ko ba kung nasaan sila Sean. Asan na kaya sila? Pag lingon ko, nakita ko sila. Sakto!
Pumunta naman ako sakanila. Nandito lang pala sa may mango tree eh, may mga tables kasi dito.
"Oh, Kaizar. We were looking for you, nandito ka lang pala." Sabi ni Sean. "Oo nga, asan ka ba? Bigla ka nalang nawala after lunch." Sabi naman ni Theo. Nilagay ko yung bag ko sa table at umupo sa tabi ni Sean.
"Actually, nag CR lang ako. Pag balik ko wala na kayo dun. Kaya ayun." Sagot ko naman. Tumango nalang sila.
"Andun lang pala yung dalawa." Tinuro naman ni Iella sila Cember at Peter. "Ngayon niyo lang nalaman?" Tanong ko. "Ah, eh, oo." Sagot naman nila.
"Ang sweet naman nila. Yie!" Sabi ni Lexi. Ewan ko ba kung bakit, pero bigla akong nainis sa sinabi ni Lexi. "Sweet?! Sila?! Tsk. Di naman." Sabi ko habang naiirita.
"Chill ka lang Kaizar, at tsaka bakit parang naiirita ka sa sinabi ni Lexi?" Sabi ni Kylie.
"Huh? Ako? Naiirita? Hindi noh. Tsk." Kinuha ko yung bag ko at tumayo ako. "Where are you going?" Tanong ni Gab.
"Uwi muna ako. I'm not feeling well eh." Sagot ko bago ako umalis. Mag cutting na nga lang muna ako. Naglakad na ako. "Wait! Kaizar!" Napatigil naman ako dahil tinawag ako ni May.
"May isa pa tayong subject bago mag dismissal ah." Sabi ni May. "Wala na akong gana eh. Masama nga pakiramdam ko." Sabi ko.
Nag-lakad na ako papalayo sakanila.
Sean's POV
Ano ba meron kay Kaizar? "Ano meron dun?" Tanong ko sakanila. "Baka nagseselos sa sinabi ni Lexi." Sabi naman ni Theo. "Seryoso?! Si Kaizar nag-seselos dahil kay Cember at Peter?!" Gulat na tanong ni Lexi.
"Malay niyo." Sabi ko naman.
Nahahalata ko kasi yun eh. Pero di ko lang sure. "Hay naku, Sean. Pagka-graduate ni Kaizar, ikakasal na yun. Ano ka ba." Sabi ni Kylie. "I know. Pero parang napapansin ko lang naman na nagseselos si Kaizar." Sabi ko naman.
"May point ka naman. Hihi!" Sabi ni Kylie.
The next day...
Paglabas ko ng sasakyan, nakita ko si Kaizar. Naka sandal siya sa kotse niya at naka tingin sa langit. Pumunta ako konti-konti sakanya.
"Bah!" Sigaw ko, napatalon naman ng konti si Kaizar sa sobrang gulat niya. "HAHAHA!!" Malakas kong tawa. Yung reaksyon niya kasi ang epic!
"Bakit mo ako ginulat?! Baliw ka ba! Kita mong may iniisip ako eh! Baliw ka talaga!"
"Sorry na. Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Share mo naman, baka makatulong ako."
"Haixt. Alam mo naman na hindi ko talaga gusto pakasalan si Maine diba? Pero no choice eh."
"Oh, ano naman meron dun? Bakit mo biglang nabanggit yung tungkol sa kasal niyo ni Maine? Bakit, ayaw mo na ba ituloy yung kasal niyo? May time ka pa naman para mag-isip. Marami ka pang time para mag-isip at kung nakapag desisyon ka na kung papakasalan mo siya o hindi, edi, sabihin mo lang."
"Pero mahirap kasi tol."
"Anong mahirap dun, tol?"
"Baka kasi masaktan sila Maine at yung parents ko. Alam mo naman na kailangan namin maisalba yung kompanya namin diba? Ayaw ko naman na mawala yun, dahil yun lang ang alaala namin kay lolo."
"Haixt. Ikaw bahala, desisyon mo yan. Ayaw mo na ba kay Maine?"
"Hindi naman sa ayaw, pero parang naiilang ako kapag kausap ko siya o katabi ko siya."
"Hayst. Okay lang yan. Nandito lang kami, tol."
Hinawakan ko yung likod niya. Nag-lakad na kami papunta sa canteen. Dito kasi yung tambayan namin at kitaan. Kung hahanapin mo sila, nandito lang sila sa canteen.
As usual, ang ginawa lang namin ay kwentuhan. Pero this time, si Kaizar naman ang tahimik, hindi na sila Peter Cember. Si Peter at Cember kasi nag-sasalita na. Maingay na nga eh.
Si Kaizar naman nakikinig lang saamin. Haixt, kung hindi sila Peter at Cember ang may problema, si Kaizar. Tapos baliktad nanaman.
Napaka bipolar naman nila. Haixt. Sana maging okay na ang lahat.
BINABASA MO ANG
He's Back
RomanceCember Gayle D. Lanna Part siya ng A4, ang A4 ay isang grupo na pinaka sikat sa kanyang school, kinakatakutan sila. Mabait sila, pero kapag kinalaban mo, lalabas ang ibang side nila. Kaya walang kumakalaban sakanila. Isang masipag at matalinong istu...