Chapter 7| He's Back

275 18 0
                                    

Kylie's POV

Ngayon, nag bibihis na ako para sa party sa school. Semi formal daw ang isusuot namin. Pero kaming squad, nag decide kami na isusuot namin ay black and white. Pwedeng white or black na dress. Basta ganun.

Pagkatapos ko mag-ayos, sumakay na ako sa kotse ko. Nag drive na ako papunta sa school. 5:30 pm na ngayon, and 6 ang ang simula ng party.

For sure I'll be there on time. Nakarating lang ako sa tamang oras. 5:50. Hahahaha! Nandito na yung squad.

Finally, nandito na din si Peter at Cember. Palagi nalang kasi silang humihiwalay saamin this past few weeks.

Umiinon kami ng juice ngayon. Ayaw namin uminom ng wine, wala pa kami sa tamang age noh. Siguro pag 18 na.

"Attention students. Nandito na ang ating guest. Dati siyang nag-aaral dito, kakabalik niya lang sa Pilipinas. Siya si Mr. Kaizar Lino." Sabi ng principal naman.

"He's back." Sabi naming lahat maliban nalang kay Cember. Wala nga siyang reaksyon sa sinabi ng principal namin eh.

"Cember? Wala ka man lang bang reaksyon. Bumalik na siya. Si Kaizar Lino." Sabi Sean. "Tsk. Late kayo sa balita, nag kita na kami nan ni Kaizar." Sabi naman niya.

"Kailan?!" Tanong namin. "Nung nag sleepover kayo sa bahay ni Sean. Sunday nun eh." Sagot niya. "Ay huwaw. Edi kayo na ang nag kita. Sa bagay, pinaka close mo yan eh." Sabi naman ni May.

"Excuse me lang guys ah." Sabi ni Peter. Nag lakad siya papunta sa...ewan. Selos yun. Alam naman kasi namin na may gusto siya kay Cember.

Siguro di alam ni Cember yun, ang manhid niya kasi eh. Halata na nga na gusto siya ni Peter eh.

"Selos nanaman yun." Bulong saakin ni Iella. "I know right. Lalo na, nag balik na ang nag-iisang Kaizar Lino." Bulong ko kay Iella.

"Anyways, mag enjoy nalang tayo." Sabi ni Iella. "Guys, gusto niyo kausapin natin si Kaizar?" Tanong ni Sean. "Okay lang." Sagot naman namin.

"Tara." Sabi niya.

Nag lakad kami papunta sakanya. "Hi Kaizar. Long time no see ah. Ang tagal mo ding nawala." Simula ni Sean.

"Oh, hi. Oo nga eh." Sabi niya. "Anyways, may girlfriend ka na ba?" Tanong ni Theo. Grabe naman si Theo, yun talaga yung tinanong niya. Tinapakan ni Lexi si Theo.

"Ay sorry. Wag mo na pala sagutin." Sabi naman ni Theo. Buti naman at binawi niya na agad yung tanong niya. Kasi nakakahiya.

"Actually, meron." Sagot ni Kaizar. Lahat kami nagulat sa sinabi niya. Maliban nalang kay Cember. Alam na ata ni Cember. "Sino?" Tanong naman ni Gab. "Mamemeet niyo din siya. Pero, siya si Maine." Sabi ni Kaizar.

"Oh." Yan lang ang sabi namin. Ang tagal naming nag kwentuhan. Ang dami din naming nalaman tungkol kay Kaizar.

"Guys, uwi na ako. Baka kasi pagalitan ako ng parents ko kapag late na ako umuwi." Sabi ni Cember. Lahat kami napatigil sa pag sasalita at napa tingin sakanya. 

"Ah, sige lang." Sabi namin. Nag bye na siya, after nun, nag lakad na siya papalayo. "Guys, si Peter?" Tanong ni Gab. "Hala, oo nga noh." Sabi namin.

"Bakit? Nawawala ba siya." Tanong ni Kaizar. "Di din namin alam eh. Pero umalis muna yun kanina eh, tapos di na bumalik. Napaka weird talaga ng PeBer ngayon." Sabi ni Theo.

"PeBer??" Tanong ni Kaizar. "Peter plus Cember equals PeBer." Sabi ni Theo. "Ah." Sabi naman ni Kaizar. Yun lang kasi yung naisipan naming ship name eh. Hehe!

Kaizar's POV

"Uhm guys, excuse me lang ah." Sabi ko. Tumango nalang sila. Tumatawag kasi si mommy, lumabas muna ako ng venue and then sinagot ko yung tawag.

Kinamusta lang ako ni mom, kaya di masyado mahaba yung usapan namin. Nung inend ko na yung call, nakita ko si Cember, mag isa.

Umuulan ngayon, kaya siguro nandito pa siya. "Cember?" Sabi ko, napalingon naman siya saakin. "Bakit?" Tanong niya. "Akala ko ba umalis ka na?" Sabi ko.

"Umuulan eh, at tsaka ang layo pa ng parking lot noh." Sabi niya. "Wala kang payong?" Tanong ko. "Kung may payong ako edi sana kanina pa ako nakaalis." Sabi niya.

"Sa bagay." Sabi ko. Umalis na ako, bumalik lang ako saglit sa loob. Nag hanap ako ng payong eh. Buti nalang yung guard may payong.

Hiniram ko muna yun saglit. After ko humiram, bumalik ako agad kay Cember.

"Problem solved." Sabi ko. "Huh?" Sabi ni Cember. "May payong na ako. Hatid na kita." Sabi ko. "S-sige." Sabi niya.

Hinatid ko siya papunta sa kotse niya. "Thank you." Sabi niya. "Welcome." Sabi ko naman, after nun bumalik na ako sa loob.

Binalik ko na yung payong sa guard. "Thank you po." Sabi ko.

11 pm na ako nakauwi sa bahay. Pag pasok ko ng bahay, nakita ko si Maine, tulog.

Lumapit ako sakanya. "Maine." Sabi ko, nagising naman siya agad. "Oh, Kaizar. Nandito ka na pala, sorry nakatulog ako. Saan ka ba pumunta? At tsaka bakit naka formal suit ka ngayon?" Sabi niya.

"Sorry, may event lang akong pinuntahan. Kanina ka pa?" Sabi ko. "Kaya nga ako nakatulog sa kakahintay sayo diba." Sabi niya naman.

"Sorry naman." Sabi ko. "Okay lang." Sabi niya naman. Ang bilis niya lang ako patawarin noh? Hahahahaha!!

"Bakit ka nandito?" Tanong ko. "I'm going back to London. May gagawin lang ako dun saglit, and then, kapag tapos ko na yung mga gagawin ko dun, babalik na ako. With my family!" Sabi niya.

"Really? Kailan yung flight mo?" Tanong ko. "Actually, bukas na ng gabi." Sagot niya naman. "Oh. Hatid kita sa airport, you want?" Sabi ko.

"Sure." Sabi niya naman. "Uuwi ka pa ba? Late na oh." Sabi ko naman. "Papauwiin mo ba ako?" Tanong niya. "Syempre hindi na. Baka kung ano pa mangyari sayo." Sabi ko naman.

"Saan ako matutulog?" Tanong niya. "Guest room." Sagot ko naman. Tumango nalang siya, nag palit lang ako ng damit and then natulog na ako. Pagod na ako eh.

---

Nandito na kami ngayon ni Maine sa airport. Nag hug muna kami bago siya umalis.

"Bye! Have a safe flight!" Sigaw ko para marinig niya ako. Nag smile nalang siya saakin.

Cember's POV

Nandito kami ngayon sa airport, pupunta kasi si ate sa Canada.

Bigla akong nakarinig na sigaw, pamilyar yung boses neto. Si Kaizar, hinatid niya ata si Maine.

Nakita ko din kasi si Maine eh.

Haixt...........

He's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon