Chapter 41| Revenge (part 1)

161 13 1
                                    

Kaizar's POV

Maaga ako nagising. Pero ewan ko kung bakit kasi late naman ako naka-tulog dahil kay Cember. Grabe yung kaba ko kagabi. Ewan ko ba kung bakit tuwing kinakausap ko si Cember, bumi-bilis yung tibok ng puso ko.

Halata mo pag titingin ka sa mga mata niya, may galit siya saakin. At naiintindihan ko yun.

Agad na akong naligo at nag bihis. Kumain na rin ako ng breakfast at agad akong umalis ng bahay at pumunta sa school.

Pag-baba ko ng sasakyan ko. Nakita ko si Kylie at Sean. Kakadating palang ata nila.

Biglang pumasok si isip ko na kausapin sila kaya agad akong nag lakad papunta sakanila. Napa tigil naman sila.

"Anong kailangan mo?" Ma-angas na tanong ni Kylie. "Don't tell me, kikidnapin ulit ako ng stupid mong girlfriend."

"Tsk. Subukan lang nila gawin ulit yun." Sabi ni Sean, halatang may galit talaga sila saakin. Di ko rin naman sila masisisi eh.

"Hindi. Hindi yun yung sasabihin ko." Kinakabahan kong sabi. "Eh ano?" Tanong nila.

"Gusto ko lang mag sorry sainyo. Pati na rin sa squad. Alam kong galit na galit kayo saakin, di ko rin naman kayo masisisi. Sana mapa-tawad niyo pa ako." Sabi ko.

"Mapa-tawad? Nagpapa-tawa ka ba? Alam mo ba yang sinasabi mo? Kaizar, alam naming mabuti kang tao pero dahil girlfriend mo na yung Maine na yun, tingin na namin sainyo, parehas kayo. Lubayan mo na nga kami." Sabi ni Kylie. "Let's go, Sean."

Nag-lakad na sila papalayo. Napa-upo nalang ako. "Kahit anong gawin ko, hindi na talaga nila ako mapapa-tawad. Sinira ni Maine yung buhay ko." Bulong ko sa sarili ko.

"Ano ginagawa mo dyan?" Napa-tayo naman ako at inayos ko ang damit ko. Seryoso nanaman siya. As always.

"Uhm, wala." Sabi ko. "Sige, mauna na ako." Nag-lakad na rin siya papalayo. Tumayo na ako at nag lakad na rin ako. Nakita kong papunta si Cember sa canteen. Sumunod rin ako, pero medyo malayo ako. Baka kasi ma-halata niya eh.

"Cember, there you are." Narinig kong sabi ni Kylie.

"Bakit?" Tanong ni Cember. "Kinausap kami ni Kaizar. Sabi niya na patawarin daw natin siya. Tsk." Sabi ni Kylie.

"Napaka kapal din talaga ng muhka niya. Pagkatapos lahat ng ginawa ng magaling niyang girlfriend kay Kylie, gusto niya patawarin natin siya?" Sabi ni Sean.

Hayst. Tanggap ko naman kung hindi nila ako patawarin, pero parang sobra naman na yung pinag-uusapan nila ako at puro masakit pa yung mga sinasabi nila tungkol saakin.

"He's so pathetic." Sabi ni Kylie.

Maka alis na nga, baka ano pa sabihin nila saakin.

Pag lingon ko, nagulat ako sa nakita ko.

Oh no.

"Kanina ka pa dyan?" Napa lingon ulit ako sa likod ko at nakita ko sila Kylie, Sean, at Cember.

"Hindi." Sabi ko.

"Wag ka mag sinungaling, Kaizar. Kanina ka pa naka tayo dyan at nakikinig sa usapan nila Kylie." Sabi ni May.

Umalis nalang ako at pumunta ako sa CR. Ang sama na talaga ng tingin nila saakin. Porket masama si Maine, pati ako na rin. Tsk.

Cember's POV

Naka tayo lang kami dito. "Narinig niya ata yung pinag-usapan natin." Sabi ni Sean. "Muhka nga." Sabi naman ni Kylie.

---

"Cember, bakit? Bakit ganun nalang kadali sayo para saktan ako?" Umiiyak na sabi ni Peter.

"Peter, tigilan mo na nga yang pag-iyak mo. At tsaka sinabi ko naman sayo na hindi ko sinasadya yun." Sabi ko.

"Siguro, dahil yun sa magaling na Kaizar. Palagi mo nalang ipinapa-muhka saakin na mas importante parin siya kesa saakin. Kahit na ako yung palagi na sa tabi mo, siya at siya parin ang hinahanap mo. Ayaw ko na, Cember. Sawang-sawa na ako masaktan. Ayaw ko na makita ang pag muhmuhka mo ulit!"

Bigla siya sumakay sa kotse niya at umalis. Sumakay agad ako sa kotse ko at sinundan ko siya.

Biglang nag red na yung stop light, kaso di sumunod si Peter kaya nabangga siya ng isang malaking truck.

Agad akong bumaba sa kotse ko at nakita ko si Peter na walang malay. "Peter! Gising! Peter!" Umiiyak kong sabi.

"Wahhh!" Napa upo ako sa bed ko. "Panaginip lang pala yun." Bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko yung orasan, 2 am palang.

Tinry kong matulog ulit kaso ayaw na talaga. Kaya bumaba ako at pumunta ako sa garden. May upuan at table dun. Doon muna ako nag stay nag nag isip.

Bakit yun pa yung panaginip ko. Pakiramdam ko tuloy, nadurog yung puso ko. Hayst.

Bakit ba kasi bumalik pa si Kaizar dito sa Pilipinas, kung pwede naman siya mag stay lang sa US. Lahat tuloy, nagiging magulo.

Wala na si Peter, nakidnap si Kylie, may dumagdag pa sa kaaway namin. Hayst. Ang dami namang problema. Gusto ko pumunta sa ibang bansa para maka-layo ako sa mga problemang toh. Lalo na sa Kaizar at Maine na yun.

Peter's POV

Naka higa ako ngayon sa bed ko. Iniisip ko parin yung nangyari saamin ni Cember. Bakit niya kailangan gawin yun sakin?

Iniiwasan kong magalit sakanya pero hindi eh. Galit na galit na ako. Niloko niya ako. Niloko nila akong lahat.

Mag babayad silang lahat. Lalo na yung Kaizar na yun! Siya naman kasi yung may dahilan kung bakit nagiging ganto si Cember saakin eh.

Chance ko na yun eh. Pero dumating ulit yung magaling niyang ex-bestfriend. At nasira ang mundo ko. Nasira ang lahat!

I just freaking hate this feeling!

Ang ginawa ko lang naman ay protektahan si Cember, at nung kailangan niya naman ako, palagi naman ako na sa tabi niya. Pero bakit ganto yung igaganti nila saakin? Wala naman akong ginawang masama para saktan nila ako ng ganto.

Sabi ni dad, wag na wag ko daw hahayaan na matalo ako.

Sa tingin ko, panahon na para mag bago. Panahon na para bumalik sa Pilipinas at iparamdam sakanila ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hinding-hindi ako papayag na loko-lokohin lang nila ako. Hindi ako laruan para pag-laruan nila.

He's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon