Chapter 21| Partner

180 10 0
                                    

Kaizar's POV

Pagkauwi ko galing school, dumeretso muna ako papunta sa City of Dreams Manila. Kukunin ko lang yung gamit ko.

After ko kunin yung mga damit ko, pumunta na ako sa bahay namin. Pag-bukas ko ng pintuan, andun sila mom at dad naka-upo sa sofa.

Nung nakita ako ni mommy, agad niya akong niyakap ng sobrang higpit. Sumali na din si daddy.

"Anak, saan ka ba pumunta? Nag-aalala kami dito eh." Sabi ni mommy habang umiiyak. "Sorry po. Gusto ko lang po kasi tumakas eh, ayaw ko po talagang ikasal kay Maine." Sabi ko.

"Son, gagawan natin yan ng paraan. Kung yan ang gusto mo, sige. Kumuha na kami ng lawyer para sa problema na toh." Sabi ni dad.

"Thank you po, dad." Sabi ko habang naka-ngiti.

---

Pumunta kami sa announcement board, may announcement daw kasi eh.

"Hala! Prom! Yes! Excited na ako! Pero sino naman kaya ang magiging partner ko?" Sabi ni Gab.

"Sino pa ba, edi si May!" Sabi namin nila Sean. "Sa bagay. Sige, siya nalang." Sabi naman ni Gab.

Di ko alam kung sino yung magiging partner ko. Nagka-tinginan kami ni Peter. Ewan ko kung bakit.

Pumunta kami sa likod ng school.

Lahat kami, may sariling mundo. Kasi iniisip namin kung sino pwede maging partner namin para sa prom eh. Eh next week na yun eh.

Sino ba pwedeeeee???!!!

"Guys, naka-isip na ba kayo kung sino ang magiging partner niyo?" Tanong ni Sean. "Hindi pa." Sagot ko.

"Si Kaizar lang ang hindi pa?" Tanong ni Sean. "Oo, kasi nakaisip na ako." Sagot ni Theo. "Ako din." Sabi naman nila Peter, Cyrus, at Gab.

"Sino ba ang napili niyo?" Tanong ulit ni Sean.

"Si May akin." Sagot ni Gab

"Si Lexi saakin syempre." Sagot ni Theo.

"Si Iella naman saakin." Sagot ni Cyrus.

"Si Cember saakin." Sagot ni Peter.

"Oh, ikaw Kaizar? Wala ka talaga maisip?" Tanong ulit ni Sean.

"Wala talaga bro." Sagot ko naman. "Eh ikaw, Sean? Meron ka na napili?" Tanong ni Theo.

"Sus. Kilala naman natin kung sino ang pipiliin nan." Sabi naman ni Cyrus. "Yiiee! Syempre si Kylie yan." Sabi naman ni Gab.

"Haha! Bros, hindi pa ba halata?" Sabi naman ni Peter sabay tawa sa huli.

"Kinausap kasi ni Sir si dad, ako daw yung prom king. Kaya ang mapipili ko, magiging prom queen siya. Kami yung huling maglalakad sa red carpet." Sabi ni Sean.

"Wow. Sana ako nalang! Ang daya naman ni Sir!" Sabi ni Theo. "Haha! Muhka mo! Mas gwapo kasi ako kesa sayo, cute pa." Sabi ni Sean.

"Excuse me, don't say bad words, Sean." Sabi ni Iella. Nagulat kami kasi nandito sila. Naku, hindi muna nila pwede malaman kung sino yung napili nila Sean.

"Oh? Bakit natahimik ata kayo? May problema ba?" Tanong ni Kylie. "Uhm, wala wala wala. Nakaka-gulat lang kasi kayo, bigla-bigla susulpot." Sabi ni Sean.

"Ahh. Pero anyways boys, may mga napili na ba kayo na magiging partner niyo para sa prom?" Tanong ni Kylie.

"Uhm, actually, sila meron na. Pero ako wala pa, at tsaka si Kaizar." Sagot ni Sean.

"Teka, akala ko ba si ano sayo, Sean?" Tanong ni Theo. "Ay oo nga pala. Si Kaizar nalang pala ang hindi." Sabi ni Sean.

"Ahh. Uyy, mag-ayos kayo bukas ah. At tsaka sabi daw ni Sir, kailangan niyo bumili ng chocolate or flower para sa mga napili niyo. Okay?" Sabi ni Kylie.

"Yes ma'am." Sabi naming boys.

Pero ang problema, wala pa akong napipili.

"Uhm, guys, okay lang ba kapag walang partner?" Tanong ko. Lahat naman sila napa-tingin saakin.

"Hindi pwede, Kaizar. Lahat daw kailangan may partner. Or else hindi ka makakasali sa mga activities." Sagot ni Kylie.

"Eh, wala talaga ako maisip kung sino eh." Sabi ko naman.

"Kaizar, nandito naman ako eh. I'm always here for you." Biglang sumulpot si Maine.

Kylie's POV

"Andito nanaman ang ahas." Bulong ko sa girls. "I know right." Sabi naman nila, pero pabulong lang din.

"No. Umalis ka na. Di ka kasali sa usapan namin dito. Go away." Seryosong sabi ni Kaizar, may halong galit.

"Duh. Magkaibigan na kaya kami ni Kylie. Kaya you don't have the right para paalisin ako. At tsaka I'm part of A5." Sabi ni ahas.

Lahat naman kami nagulat sa sinabi niya.

"What the freak are you talking about?! Wala kaming sinabi na kaibigan ka na namin! At lalo na, wala kaming sinabi that you're part of A5! Napaka kapal din talaga ng muhka mo eh noh!" Sinampal ko siya at sinabunutan.

Walang pumigil saakin.

After ko sabunutan si Maine, sinipa ni Cember si Maine kaya napaka-higa si Maine sa sahig.

Halos maiyak na siya.

"Wala kaming pake kung umiyak ka dyan! Di pa nga sapat yan eh! Napaka kapal ng muhka mo! Ahas!" Galit na galit na sabi ko.

Pumunta si Iella kay Maine at hinawakan ni Iella ang buhok ni Maine. Tapos itinayo ni Iella si Maine, pero hawak-hawak parin ni Iella yung buhok ni Maine.

Tapos tinulak ni Iella si Maine papunta kay Cember at Lexi. Hinawakan naman ni Cember at Lexi yung kamay ni Maine. Magkabilaan sila.

"Ano gagawin niyo saakin?! Kung ano man yun, wala kayong karapatan para gawin ito saakin!" Natatakot na sabi ni ahas.

"Wala kaming pake kung ano pa ang sabihin mo. You deserve this. Akala niyo ganun-ganun lang kami kadali kalabanin?! Pati teachers takot saamin! Kaya kahit mag sumbong ka, walang pake ang teachers sayo! May, Iella, Cember, Lexi, alam niyo na ang gagawin." Sabi ko.

Tumango naman sila.

Si May, pumunta sa harap ni Maine. Si Maine, halatang natatakot na siya. Kasi muhka palang ni May, nakakatakot na eh.

"Mali talaga na kinalaban mo din kami." Nag smirk si May after niya iyon sabihin.

"Maling-mali talaga." Sabi ni Cember at Lexi. "Gawin mo na May." Sabi ni Iella.

Di pa kasi alam nila Faira kung paano kami magalit. Kasi nung nasira yung grupo namin, wala pa sila Faira nun.

Di nila alam kung sino yung kinalaban nila. Ngayon, humanda na talaga sila.

"Hindi niyo alam kung sino yung kinalaban niyo. Nagtitimpi lang kami, pero ngayon, umapaw na ang dugo namin sainyo. Kaya humanda ka na. Talagang pagsisisihan mo na kumampi ka kela Faira." Sabi ko.

To be continued...

He's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon