Cember's POV
Nagising ako dahil sa alarm ko. Argh! Monday nanaman. Kainis! Sana Friday nalang. Nakakatamad kasi pumasok sa school eh.
"Hoy! Bumangon ka na dyan! Baka malate ka pa!" Sabi ni mama. "Ma, 5 am palang po." Sabi ko naman. Totoo naman eh, ewan ko ba kung bakit gusto ni mama na 5 ako gumigising.
Eh masyado kasi maaga. 7 pa pasok eh. Ba yan. "Kahit na! Bilisan mo na! Naka ready na yung breakfast dun. Dapat 5:30 na sa baba ka na." Sabi ni mama, sinarado niya na yung pintuan.
Inayos ko muna yung bed ko, after nun, naligo na ako. Nag bihis na ako ng school uniform. Inayos ko ang buhok ko.
Niready ko na yung mga kailangan ko. Bumaba na ako kasama yung bag ko. Nung nakarating na ako sa baba, nilagay ko muna sa maliit na table yung bag ko pati phone ko.
Umupo na ako sa dining table para kumain. After ko kumain, nag toothbrush na ako.
"Ma, alis na po ako." Sabi ko habang nilalagay ko yung bag ko sa likod ko. "Umalis ka na. Wala dito sa mama, na sa taas." Sabi ng kontrabida kong ate.
"Che!" Sabi ko naman. Lumabas na ako, sumakay na ako sa sasakyan ko. Binuksan na ng guard yung gate para makalabas na ako.
"Thank you po." Sabi ko kay manong guard. "Sige po ma'am, ingat." Sabi ni manong guard. Tumango nalang ako. Nag drive na ako papuntang school.
Nag park muna ako ng sasakyan. Bumaba na ako sa sasakyan, una kong nakita, si Peter. Sabay lang pala kami.
"Peter!" Sigaw ko. May 4 na kotse kasi ang pagitan kaya sumigaw ako. Lumingon naman siya saakin, nginitian niya muna ako tapos nag lakad siya papunta saakin.
"Oh, Cember. Kakarating mo lang pala. Ang aga pa ah." Sabi ni Peter. "Oo nga eh, maaga kasi sinet ni mama yung alarm ko eh. Eh ikaw, bakit ang aga mo?" Sabi ko.
"Actually, di ko alam eh. Maaga lang talaga ako nagising ngayon. Kaya naisipan ko na maaga nalang din pumasok." Sabi ni Peter.
"Ahh. Ano gusto mo gawin? 6 am palang kasi eh. For sure wala pa yung mga baliw kong kaibigan. Pati na rin sayo." Sabi ko. "Tara, tambay muna tayo sa canteen." Sabi naman ni Peter.
Tumango nalang ako. Nag lakad kami ni Peter papuntang canteen, napatigil kami sa paglalakad nung nakita namin sila Iella, Kylie, Lexi, May, Sean, Theo, Gab, at Cyrus.
Nakatambay lang din sila dito sa canteen. Bakit ang aga nila?
"Ano meron? Bakit ang aga niyo?" Tanong ko. "Bakit, maaga din naman kayo ah. Ano meron?" Sabi ni Iella. Kahit kelan talaga si Iella, napaka...argh!
"Nevermind." Sabi ko. Naki- sama nalang kami ni Peter sakanila.
Nagkwekwentuhan lang kami dito. Hangga't sa 7 am na pala. Nag ring na yung bell, flag ceremony na. Nag gather na kaming lahat sa gitna ng school, kung saan palagi nangyayari yung flag ceremony.
After ng flag ceremony, pumunta na kami sa mga lockers namin. Kinuha lang namin yung mga kailangan namin para sa first subject.
Ang first subject namin ay Social Science 101. Ang pinaka ayaw namin. Sobrang daming projects kasi ang binibigay saamin ni Mr. Andrew. Nakakainis.
Pero wala naman kaming choice kundi sumunod eh. Kasi kapag di kami sumunod di kami makaka-graduate.
And finally! Dismissal na! Ang pinaka inaantay ko! Di lang ako, pati na rin yung ibang istudyante.
Pumunta ako sa mga lockers, nilagay ko yung mga books ko and other stuffs. "Cember!" Lumingon ako para tignan kung sino yung tumawag saakin.
Si Iella lang pala. Ano nanaman ba yung kailangan ng babaeng toh?
BINABASA MO ANG
He's Back
RomanceCember Gayle D. Lanna Part siya ng A4, ang A4 ay isang grupo na pinaka sikat sa kanyang school, kinakatakutan sila. Mabait sila, pero kapag kinalaban mo, lalabas ang ibang side nila. Kaya walang kumakalaban sakanila. Isang masipag at matalinong istu...