2011
"Maris, Maris nood tayo ng basketball?" pag aaya ni Bea.
"Ayoko manood ng basketball game kasi makikita ko si Inigo."
Isang buwan na ang lumipas simula nun umamin siya sa akin na nagkabalikan sila ng ex nya. Okay lang naman sa akin yun kasi buhay nya yun. Pero sana naisip niyang sabihin sa akin kasi umasa din ako na ako lang, ako lang. Lumipat pa siya ng section para umiwas sa akin. Mabuti na din yun para may space kami sa isa't isa. Move on din pag may time.
"Please Maris? Si Fourth kasi ang naginvite sa akin. Nood daw tayo." hinawakan na ko ni Bea sa braso at nagumpisa ng maglakad patungo sa gym. Hindi na ko nakipagtalo pa kay Bea. Basketball game naman yun hindi ibig sabihin si Inigo ang pupuntahan ko. Manonood lang ako ng game. Yun lang.
---------
"Maris, Bea!" sigaw ng pamilyar na boses. Nakita ko si Fourth at kasama nya din si Joshua. Umupo sa tabi ko si Fourth.
"Bes, kamusta?" tanong naman ni Joshua. Hindi na ako sumagot ngumiti na lang ako kasi alam naman nya na hindi ako okay.
Kinakamusta ako ni Fourth sinasabi nya na okay lang daw ang lahat. Kalimutan ko na daw si Inigo. Kinakausap niya ako pero ang mga mata ko patuloy sa paghahanap kay Inigo. Wala pa siya dito sa gym. Inaya ni Bea si Fourth para bumili ng softdrinks at junkfoods. Tumabi na sa akin si Joshua.
"Hanap ka ng hanap Maris. Wala pa si Inigo." pang aasar ni Joshua.
"Hindi ah. Hindi ko sya hinahanap. Naiinip lang ako ang tagal magstart ng game." depensa ko.
"Yeah right." Inakbayan ako ni Joshua. "Tumingin ka lang sa akin Maris. Mas pogi pa ako dun."
"Anong trip yan Josh? HAHA!"
"Hahaha. Nakatingin kasi sa atin si Inigo kanina." natatawang sagot ni Joshua.
"Loko mo!" Inaalis ko agad ang kamay nya sa balikat ko. "Baka kung ano isipin nya."
"So mahalaga pa sayo ang iisipin nya? Mahal mo pa talaga. Patawarin mo na. Diba nagbreak din naman sila nun ex nya. Baka ikaw talaga ang gusto niya. Ano ba gusto mo gawin nya? Lumuhod sa harap mo?" tinaasan ako ng kilay.
"Excuse me. Anong nangyari sa bestfriend ko. Ikaw pa ba yan? Kelan ka pa naging shipper ng MarNigo?" hindi ko mapigilan ang matawa. Parang kailan lang inaaway nya ko dahil kay Inigo.
"Minsan okay lang maging masaya." ngumiti si Josh sa akin.
-----------
Hindi maganda ang laro ni Inigo. Anim lang ang puntos nya sa unang bahagi ng game. Wala akong natanggap kahit isang sulyap galing sa kanya. Affected siguro siya sa nakita nya. Pero pwede ba yun alam naman niya na bestfriends lang kami ni Joshua.
"Maris, icheer mo na kasi yung boyfriend mo." pangaasar ni Joshua.
"Boyfriend? Si Inigo? Niloko lang sya nun. Baka nakakalimutan mo pinagpalit ka nya." galit na ang tono ni Fourth.
"Huy Fourth!" sabay pa si Bea at Joshua sa pagpigil sa kanya.
"Okay lang totoo naman." nagsalita na ko para hindi na pagusapan.
-----------
Last two minutes na ng game. Lamang pa ang kalaban. Tumingin ako kay Inigo. Siguradong kabado na siya. Pagod na pagod at pawis na pawis na siya. Isang three point lang panalo na kami. Kapag three points ang kailangan siguradong kay Inigo ipapasa ang bola. Kailangan niya maishoot ang bola.
"INIGO!!" sigaw ko.
"Hindi ka nya maririnig Maris." kontra ni Fourth.
"INIIIIGOO!!" mas malakas na sigaw ko. Tumayo na ko para marinig nya ako.
BINABASA MO ANG
Dance in The Rain (MarNigo) - Incomplete
FanfictionHey Inigo, do you remember the first time we met? Parang kailan lang ang lahat pero ilan taon na pala ang lumipas. Masaya tayo noon pero bakit ang komplikado na ngayon. Pangako ko na hihintayin kita pero hindi ko kayang ipangako ang habangbuhay.