Chapter 12 (Fear)

376 24 2
                                    

Maris' pov

Isang malamig na gabi. Umuulan ng malakas. Walang kuryente. Walang tao sa bahay. Magisa lang ako. Madilim. Nakakatakot.

Tinext ko ang pamilya ko kahit isang reply wala. Tinext ko si Joshua at Bea, wala parin reply. Tinext ko si Fourth, walang reply. Wala akong choice. Tinext ko si Inigo. Maya maya ay nagreply ito at niyaya ako na pumunta sa park. Ang lakas ng hangin. Bumabagyo na ata. Sobrang dilim sa labas. Nagdadalawang isip ako lumabas ng bahay. Pero ang mga paa ko ay gusto maglakad papunta kay Inigo. Ang mga mata ko ay hinahanap siya. Kinuha ko ang payong at flashlight at dali daling lumabas ng bahay. Nilalabanan ko ang malakas na hangin. Nililipad ang payong ko. Unti unti akong nababasa ng ulan. Tama ba tong ginagawa ko.

Pagdating ko sa park may nakita akong taong nakatalikod. Si Inigo? Lumapit ako sa kanya. Pero habang papalapit ako tila ba hindi si Inigo ang lalaking nakatayo. Malapit na ako sa kanya at nang iangat ko ang kamay ko para tapikin sya sa balikat. Bigla itong lumingon sa akin. Wala syang mukha. Natulala ako sa kanya. Bigla itong sumigaw. Nakakabingi ang boses nito sobrang lakas. Ang sakit sa tenga. Sa sobrang takot ko nabitawan ko ang payong ko at flashlight. Tumakbo ako papalayo. Tumakbo lang ako ng tumakbo pero naririnig ko parin ang sigaw nya. Tuluyan na akong naiyak sa mga nangyayari. Parang kahit anong bilis ng takbo ko ay hindi ako lumalayo sa kanya. Basang basa na ako sa ulan. Pagod na ko sa pagtakbo, hindi na ko makahinga. Tumigil na ako sa pagtakbo dahil kahit anong gawin ko naririnig ko parin ang sigaw ng taong walang mukha. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at sumigaw ng tulong. Pero hindi ako makasigaw. Inigo... Inigo...

"Maris!"

Inigo?? Ikaw ba yan. Asan ka.

"Maris!"

Saan galing ang boses na yun.

"Hoy, Maris!!" 

"Maris! Gumising ka na!" 

"Jusko Maris! Pawisan na pawisan ka na umiiyak ka pa! Gumising ka na utang na loob!"

Nagising ako sa pag aalog ni ate Tin sa akin. Nakita kong takot na takot sya. Umiiyak ako at pawisan. Niyakap ko si ate. Bakit kaya ganon ang panaginip ko. Nakakatakot.

"Okay ka lang ba?" tanong ni ate.

"Oo. Masamang panaginip lang te." sagot ko sa kanya.

"Panaginip lang yan Maris. Andito lang si ate babantayan kita." bumitaw na sya sa pagkayakap sakin. "Bumangon ka na at maghanda ha. Malalate ka na sa klase mo."

Bumangon na ako para maligo. Hindi ko maiwasan ang magisip at magalala. Bakit ganon ang panaginip ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun.

Nakabihis na ako at kumain na din. Kinuha ko na ang bag ko at papasok na ako. "Aalis na po ako, papasok na." nagpaalam ako sa pamilya ko.

Bakit kaya magisa lang ako sa panaginip ko at sino ang taong walang mukha. Papalabas na ko ng bahay ng mapansin kong may tao sa gate. Si Joshua pala.

"Hi, bestfriend!" sigaw nito sa akin at may kasama pang pagkaway.

Bakit kaya si Joshua wala din sa panaginip ko. Hindi nya ko niligtas.

"Sabay na tayo pumasok." sabi nya. Lumabas na kami ng village at nagabang ng jeep.

"May problema ba? Tahimik ka. Bakit?" tanong niya.

"Wala. Masamang panaginip lang Joshua." matipid na sagot ko.

Pinara nya ang jeep at sumakay na kami.

"Tungkol naman saan yan?" maingat na tanong nya.

"Sa.. isang taong walang mukha." bigla syang tumingin sa akin. Tiningnan ko din sya. May pagtataka sa mukha nya.

"Walang mukha?? Bangungot Mars? Kung andun ako sinuntok ko yun." sabay akbay nya sa akin. "Dapat tinawag mo pangalan ko. Ililigtas kita." tinaas ang kamay nya at nagthumbs up.

"Loko! Tinext kita sa panaginip ko hindi ka nagreply!" nilagay ko ang kamay ko sa mukha nya at inikot ikot

Inalis nya ang kamay ko sa mukha nya. "Ano ba yan Maris! Ang baboy mo talaga! Kahit kailan puro ka kalokohan. Baka hindi ka naghugas ng kamay ha. Nilamutak mo pa mukha ko. Ang baho!"

Natawa ako. Namiss ko tong ganito nagkukulitan kami.

"Bakit pala sinundo mo ako?" tanong ko sa kanya.

"May kailangan akong sabihin sayo. Siguro naman alam mo nang nabugbog ako ng tatay ni Josefin." tumigil sya para tingnan ang reaksyon ko. "Mabilis kumalat ang balita. Kasama mo daw si Fourth kahapon."

"Oo nga. Kinausap nya ako. Sinabi nya yun problema mo. Pwede ba iwasan mo na si Josefin. Kung hindi, ako ang bubugbog sayo!" seryoso ang tingin nya sa akin. Iba na ang mood nya. Hindi na kami nagbibiruan.

"Kailangan mo din iwasan si Fourth." sabi nya sa akin. Seryoso parin ang titig sa akin ni Joshua.

"Ha? Dati si Inigo, ngayon naman si Fourth. Isa pa may gf yun si Fourth. Ano ka ba Joshua!" sagot ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko papagalitan na naman nya ako. Buti na lang malapit na kami sa school. Matatapos na ang sermon ni "Kuya" Joshua.

"Wala na sila ni Zel. Umiwas ka kasi natsismis na ikaw daw ang dahilan ng break up. May nakakita daw sweet kayo ni Fourth magkaholding hands daw kayo at nagyayakapan pa at hinalikan ka daw ni Fourth sa lips. Totoo ba?" tumingin na ako sa kanya. Seryoso ba tong si Joshua. Tatanungin ako kung totoo yun. Sa tingin nya ba ganon akong babae.

"Syempre hindi totoo yun. Kilala mo ako! Ikaw ang umiwas. Umiwas ka sa tsismis!" galit kong sagot sa kanya. "PARA!" sigaw ko sa drayber.

Bumaba na ako ng jeep. Dito na kasi kami sa harap ng school. Hindi ko na kinausap si Joshua. Nakasunod lang sya sa likod ko. Bwisit talaga ang mga chismosa. Hindi naman ganon ang nangyari. Ang gagaling gumawa ng kwento.

Pumasok na ko sa school at nakasunod parin si Joshua. Ngayon araw na to pansin kong tila ba ang daming nakatingin sa akin. Tumigil ako sa paglalakad. Hindi na naman ako makahinga. Kinakabahan ako. May humawak sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Joshua, nakangiti. Nakahinga na ulit ako ng maayos. Hindi ako papabayaan ni Joshua. Hindi dapat ako matakot sa mga taong nakatingin sakin. Hindi ko sila kilala, mga taong walang mukha.

------------------

Vote and comment po. Salamat. Sorry po ulit sa late UD. Busy talaga ang lola nyo e. Thank you po sa nagbabasa. Mwah!

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon