Chapter 6 (You've Got to Hide Your Love Away)

528 24 1
                                    

-Maris' pov-

"Mariestella, mahal kita."

Hindi ko alam kung ano isasagot ko kay Inigo. Sobrang sarap pala marinig yun mga salitang yun. Kailangan ko ba sumagot na mahal ko din sya. Pero sandali mahal ko ba sya? Patuloy lang ang buhos ng ulan. Nakatingin lang sya sa mga mata ko. Anong gagawin ko. Hindi parin sya nagsasalita. Mahal daw nya ako? Totoo ba to? Bigla ko naalala yun sinabi ni Joshua na lolokohin lang ako ni Inigo. 

"Mariestella sorry if it sounded weird." Tumingin sa malayo si Inigo. Mukhang may malalim na iniisip. "I want to fall in love someday and say those words. I want the kind of love which is unwavering and true. Love that is never ending."

"Inigo..." Tumingin si Inigo sa akin. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang sasabihin ko. Kahit basang basa na sya sa ulan ang gwapo parin nya. Yun tingin ng mga mata nya parang naghihintay ng sagot. Huminga sya ng malalim, tumingin sa langit at sinara ang mata nya. Tinaas nya ang dalawang braso nya at ngumiti. Masaya na ulit si Inigo.

"Nahihibang ka na Inigo!! Umuwi na tayo basang basa na tayo. Tara na!" sabi ko kay Inigo. Humarap na sya sakin. 

"Let's go home, Maris."

Naiintindihan ko sya gusto ko din magmahal pero hindi pa ngayon. Hindi pa ako handa sa pag ibig. Nakakasira daw ng ulo yun e.

-------------------

"ACHOOOOO!!"

"Grabe naman Maris kanina pa yan ah. Uminom kn ng gamot ha", sabi ni ate Tin

Masama ang gising ko ngayon inuubo at parang magkakasipon. Kamusta kaya si Inigo? Uminom na ako ng gamot para hindi na lumala ito. Kawawa naman kung magbibirthday ako tapos may sakit ako. Ayoko nga.

Papasok na ko sa school. Hindi ko alam kung bakit excited ako makita si Inigo. 

--------------

"ACHOOO!"

"Maris, baka mahawa ako ha.", sabi ni Bea "Nagpaulan kb kahapon? Diba may payong ka naman sa bag?"

"Wala lang to, allergy siguro.", sagot ko sknya. "Tara na sa room baka malate tayo." Tumingin sakin si Bea na may pagtataka. 

Nakahalata sya na nagmamadali ako pumasok. 

"Sige na, Maris. Pasok na tayo. Ikaw ha! Nakita ko yun tingin mo kay Inigo sa basketball court. Yiiii pumapagibig!", pang aasar ni Bea

"Baliw ka talaga! Wala ako gusto dun no! Masama lang siguro pakiramdam ko kaya gusto ko na umupo sa room. Ikaw talaga ang dami mo kalokohan!", depensa ko. Hinila ko na sya papunta sa classroom.

-----------------

"Good morning, Mariestella. Good morning, Bea", bati ni Inigo nun pumasok kami sa classroom. Mukhang maganda din ang mood ni Inigo.

"Good morning, Inigo. Hmm. Pumapagibig!", bati naman ni Bea.

Ngumiti lang ako kay Inigo. Mukhang naghihintay ng good morning ang mokong. Oh, sige. "Maganda pa ko sa umaga, Inigo!"

Tumawa sya ng malakas. "Aba, hindi ka naniniwala na maganda ako?". Tuloy parin sya sa pagtawa. Nakakainsulto tong mokong na to aga aga!

"HAHAHAHAHAHAHA! A-A-AHH-ACHOOOO!!"

"Inuubo ka din Inigo?" pagtatanong ni Bea. "Alam na!!" Tinusok ako ni Bea sa tagiliran. "Ehem!"

Bumulong si Bea sakin. "Kwento mo sakin yan ha. Mamaya sa recess."

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon