Chapter 16 (Blood and Water)

363 14 1
                                    

August 2011

Maris' Pov

Andito ako ngayon sa classroom ng Glee Club. Ang sabi kasi ni Ms. Gonzales lahat daw ng estudyante ay kailangan may organization na sasalihan. Suggestion naman ni Bea na mag Glee club daw ako dahil magaling daw ako kumanta. Hindi na ako nakipagtalo kasi totoo naman. Hahaha. Dagdag ni Joshua tuturuan daw ako mag gitara sa Glee Club. Ang sabihin niya tinatamad lang siya na turuan ako. Anyway, heto nabola nila ako. Nadala ng peer pressure.

Dito ko nakilala si Sophie. Siya ang namamahala sa Glee Club, leader/president parang ganon. Tinanong ko siya kung sino ang magtuturo samin sa Glee Club at sinabi niya na isang lalaking part-time teacher at part-time rocker daw.

Habang nakikipagkwentuhan ako kay Sophie may lalaking pumasok sa classroom. Nakatali ang buhok at kung ilulugay ay hanggang sa balikat ang haba, ang braso niya ay may mga tattoo ibat iba ang kulay at matipuno ang katawan. Isa siyang banyaga at mukhang nasa 20's lang ang edad. Macho Rocker ang peg.

"Oh My G!" hinawakan ni Sophie ang braso ko. "Siya yan ang teacher natin. Gwapo no!"

"Teacher ba talaga yan?" pagusisa ko.

"Oo. Magaling siya sa gitara at magaling din kumanta. Sabi nga nila 'Don't judge a book by its movie!'" kumindat sakin si Sophie at agad itinaas ang braso ko. "Sir, Sir may bago pong member!"

"Huy Sophie nakakahiya." bulong ko dito.

------

"Ohh. Welcome to our band! Pwede malaman name mo? Can you please stand?"

Tumayo ako para magpakilala sa kanya. Sinabi din niya ang kanyang pangalan. 

"I'm David. Don't call me Sir. Bata pa ako. I'm only 22. Now, I need you to sing."

------

Si David ay iba sa mga lalaking kilala ko. Siguro kasi mature na siya. Hindi siya nagpapacute. Medyo suplado at hindi ngumingiti. Tama nga si Sophie gwapo nga pero hindi ko type. 

Nang matapos na ang club meeting. Pauwi na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko. Si David ay naglalakad palapit sa akin. 

"Hey Maris. You have a nice voice. I like that. Well, hindi ko na papahabain to. I'd like you to perform sa Intramurals this October."

"Ha? Pero Sir! Nahihiya ako and never pa ako nagperform in front of a crowd."

"Don't call me Sir. I won't take no for an answer. I'm giving you time to practice. And also please find someone to perform with you preferably a guy. Para may kilig factor at para hindi ka masyadong kabahan." nilagay niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko. "I'll tell Sophie about your prod number. Ako bahala. Ngayon na lang ulit ako nakakita ng kasing galing mo. It's not only your voice pero when you sing naramdaman ko yung puso mo. So go find your guy!"

Natulala na lang ako sa harap niya. "Ah-ah okay po." un lang ang nasabi ko at umalis na siya. Na pressure ako into something na hindi ko lubusang naiintindihan. Kakanta daw ako? Dapat may kasamang lalaki? Sino naman isasama ko.. May prod number na si Joshua, sasayaw sila. Si Fourth? Hindi kami okay. Eh sino? Si Inigo? Kumakanta ba si mokong, hindi naman ata.. Ewan.

----------

Nagmamadali na akong umuwi ng bahay dahil nagbabadya ang ulan. Malapit na ko sa bahay ng mapansin kong may nakasunod sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Fourth.

"Patawarin mo ako sa nangyari. Hindi ko sinasadya. Please magusap tayo." sabi ni Fourth

"Okay na. Kalimutan na natin yun pero wala na tayo dapat pagusapan pa." sagot ko

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon