Chapter 11 (Owner of a Lonely Heart)

413 25 5
                                    

Fourth Pagotan: Hello.

Maris Racal: Uhm. Hello? 

Fourth Pagotan: Bestfriend ka ni Joshua diba?

Maris Racal: Yes. Why? Kamusta? :)

Fourth Pagotan: May paguusapan tayo about Joshua. Usap tayo pag nagstart na ang class. 

Maris Racal: Bakit? Ano meron kay Joshua? May problem ba sya? :/

Fourth Pagotan: Ano number mo? Mas okay sa personal natin pagusapan to.

Maris Racal: Uhm. Okay. Eto number ko 092*-****-*** :)

Fourth Pagotan: Okay I'll text you.

Bakit kaya? Ano kayang problema?

---------------

Isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Inigo. Ang last na chat namin ay nun gabi na nakachat ko din si Fourth. Hindi sya nagrereply sa lahat ng messages ko. Iniintindi ko na lang na baka busy sya nag aasikaso ng flight nya pauwi dito sa Pinas. Makikita ko na sya mamaya and I'm sure okay lang ang lahat.

Ang hirap talaga bumangon ng maaga pero kailangan kasi first day of school ngayon. Second year na kami ni Inigo at Bea. Third year naman si Joshua. Fourth year si Fourth at Zel. 

*BEEP BEEP*

Uy may nagtext. Binuksan ko ang text message. Siguro si Inigo na to.

From: Unknown number

Hi, let's meet up later at 5 PM sa 7/21 convenience store. See you!

Nagreply ako at tinanong ko kung sino sya pero walang reply. Siguro pupunta na lang ako. Bahala na.

-------------------

"Maris!!" sigaw ng pamilyar na boses.

Lumingon ako, nilapitan ko sya at niyakap nya ako ng mahigpit.

"Bea, namiss kita!!", sabi ko sknya. Si Bea ang girl bestfriend ko.

Kumalas sya sa pagkakayap sa akin. At nilagay ang kamay nya sa braso ko at may kasamang pagpisil. "Paano Maris? Magkausap tayo gabi gabi." sagot ni Bea sakin. 

"Ehh iba pag personal! Namiss talaga kita!" naluluha kong sabi at pinisil ko ang mukha nya.

"Hahaha loka ka talaga!" umakbay sakin at pinektusan ako. "Sana classmates parin tayo Maris. Malulungkot ako pag hindi."

"Huwag ka magalala magwewelga tayo pag hindi tayo same section!", sabi ko sa kanya at tinaas ang kamay ko "Welga kami"

"At bakit kayo magwewelga?" tanong ng lalaki sa likod namin.

Lumingon ako at nakita ko ang pogi kong bestfriend "Oh Joshua!", niyakap ko sya. Ang tagal namin hindi nagusap at nagkita. Yung last time ay nun tinuruan nya ko maggitara. 

"I miss you too Maris. Hello Bea!" bati ni Joshua

Bumitaw na ako sa yakap ko kay Joshua at nakita ko na may pasa sya sa mukha. "Oh bakit may pasa ka sa mukha napaaway ka?" tanong ko.

"Ah. Nadapa lang. Anyway may good news at bad news ako sainyo." sabi ni Joshua. 

Humawak ako sa braso nya. Excited na ako sa magandang balita.

"Ano yun Joshua? Good news muna." tanong ni Bea habang nakahawak sya sa kabilang braso ni Joshua.

"Okay. Magkaklase ulit kayo this year!" sabi ni Joshua.

Hindi namin maiwasan ang tumalon at sumigaw. Hawak parin namin ang braso ni Joshua at nangigil kami sa kanya. Sobrang saya namin.

"Huy kumalma kayo. Yun braso ko mapuputol na!" sabi ni Joshua na pilit kaming pinapaalis sa braso nya pero mas hinihigpitan pa namin ang hawak.

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon