"Hey Maris!", bulong ni Inigo.
"Ano ba? Wag ka magulo!", pabulong na sagot ko.
"Pakopya naman. I forgot to study last night.", patuloy parin si Inigo sa pagkulit sakin. Hays. Pano ba to. Hindi din kasi ako nagaral. Ano ipapakopya ko sa kanya.
Alam nyo ba kung bakit hindi ako nakpagaral kagabi? At syempre hindi niyo alam. Paano naman kasi si Joshua umiiyak sakin kasi daw hindi daw siya mahal nun mahal niya. Nakakaloka to si Joshua akala mo end of the world ang hagulgol. Ah, nga pala kaibigan ko na si Joshua simula nun bata pa kami. Palagi kami magkasama at akala nga nila magkapatid kami.
-----
"Sino ba kasi yan mahal mo?", tanong ko sknya.
"Sobrang ganda nya. Alam mo ba yun slow motion na sinasabi nila, nangyari sakin yun.", sagot ni Joshua
"Oo nga, sige maganda sya pero sino ba siya? At slow motion? Sus kalokohan!", natatawang sagot ko
"Hindi ko din alam ang pangalan. Nakita ko lang siya sa kabilang village. Tinanong ko pangalan niya, nireject ako.", umiiyak na sagot niya.
"Leche ka naman Joshua! Akala ko totoo na!!", sabay batok ko sknya.
Hinawakan niya ko sa balikat at sinabing, "Pero Maris, love at first sight to!"
Nakaramdam ako ng kirot. Pero wag nyo isipin na mahal ko siya ha. E kasi naman for so long kaming dalawa magkaibigan, kami magkausap. Hindi ko lang maimagine na mawawala ang bestfriend ko. Yun lang talaga yun.
-----
"Hoy!!!", bulong ni Inigo.
"ARAAAAYYY!!"
"Ms. Racal, what's going on?" sabi ni Sir Domingo.
"Ahh wala po Sir! Sorry po napuwing lang.", depensa ko. Nakakainis sinipa ako ni Inigo! Kung hindi lang kami nageexam ngayon nabugbog ko na to! Maghintay lang siya na matapos to gagapang siya pauwi!
*KRRRIIIINNNNNNG* uwian na!
"Inigo nakakainis ka alam mo bang wala akong nasagot sa exam!", pasigaw kong sabi kay Inigo.
"I didn't do anything! HAHAHA. You're daydreaming during exam! Nakakatawa ka, I even took a picture of you!"
"Ano? Idelete mo yan!", sabay takbo ni Inigo palayo. Loko talaga tong si Inigo kahit kailan. Hays. Pero kamusta n kaya si Joshua?
Inilabas ko ang cassette player sinalpak ang Eraserheads tape. The best talaga ang E-heads. Pupunta ako sa gym baka may practice ang dance troupe ni Joshua ngayon. Puntahan ko nlng sya.
Pagdating ko sa gym. Walang Joshua dito! May basketball practice ngayon at mamaya pa daw ang dance practice. San kaya pumunta si Joshua?
May humila ng earphones ko sabay sigaw ng "Maris!". Sus akala ko kung sino na si Bea pala. Member din ng dance troupe si Bea. Bakit kaya hindi nlng kay Bea mainlove si Joshua. Maganda din naman siya at magaling pa sumayaw.
"Bea, asan si Joshua", tanong ko sknya
"May pupuntahan daw sya sandali, babalik daw siya mamaya.", malambing na sagot ni Bea. Okay talaga si Bea. JoshEa! Hahaha.
WOOOOOOHHHHH!! sigaw ng mga tao.
Ano na naman ba ang meron bakit sumisigaw tong mga basketball fangirls.
Naglalaro ang basketball team. May isang lalaking nagstand out. Pinasa sa kanya ang bola. Hinarang siya ng player sa kabilang team hindi siya makalusot sa kanan nag crossover dribble siya pa kaliwa. Paglusot niya sa defender shoot for three points!
WAAAAAHHHH!! WOOOOHOOOOO!! ANG POGIIII NYAAA! sumigaw ang mga fangirls.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko napa nganga ako. Marunong pala maglaro ng basketball si Inigo. Hindi lang marunong magaling talaga siya. Lalo syang pumogi sa paningin ko. Eto ba yun sinasabi ni Joshua na slow motion?? Totoo pala to.
*CLICK* (camera shutter sound)
"Hey Mariestella! Stop drooling!", sigaw ni Inigo.
Hiyang hiya ako kasi totoo. May picture na naman ako saknya yun pang naka nganga ako. Nakakainis talaga tong mokong na to!
I walked out. Nakakahiya ako. Ang daming fangirls dun sa gym baka nakita nila ako. Hay naku.
------
"Maris!"
"Ano ba Inigo!", lumingon ako sknya.
"Inigo? Sino si Inigo?", nagtatakang tanong ni Joshua.
------
credits to @MarisPexers and @surfsurfy for the photo
BINABASA MO ANG
Dance in The Rain (MarNigo) - Incomplete
FanfictionHey Inigo, do you remember the first time we met? Parang kailan lang ang lahat pero ilan taon na pala ang lumipas. Masaya tayo noon pero bakit ang komplikado na ngayon. Pangako ko na hihintayin kita pero hindi ko kayang ipangako ang habangbuhay.