Tatlong linggo na ang lumipas simula ng umalis si Inigo papuntang Amerika. HIndi ko maalis sa isip ko ang pagaalala na baka dahil malayo sya ay magiba ang nararamdaman nya para sa akin. Sana umuwi na sya at sana dalawin na nya ko dito sa bahay dahil miss na miss ko na sya.
*DINGDONG*
Bigla akong napatayo. Nagulat si mama. Hindi ko na siya pinansin tumakbo ako papunta sa labas. Pagbukas ko ng pintuan. Bumungad sakin ang isang lalaki na kumakaway sa harap ng gate namin.
"Maris!! Kamusta!"
Si Joshua pala. Nahalata nya na hindi ako masaya sa pag bisita nya. Binuksan ko ang gate at kinamusta din sya. Wala naman problema samin ni Joshua. Naguusap kami sa chat, minsan nagtetext din sya para mangamusta. Pero ngayon na lang ulit sya bumisita sa bahay. PInatuloy ko sya sa bahay at agad siyang inimbita ni mama para kumain.
"Wag ka magalala Tati uuwi din si Inigo." sabay akbay ni ate Tin sakin. "Alam kong miss na miss mo na sya pero babalik yun babalikan ka nya. Wag ka magalala." at kumindat sya sakin.
"Maris, asan yun gitara mo?" tanong ni Joshua. Hindi ko parin nagagamit un gitara na bigay nya. Hindi kasi ako marunong nun.
Kinuha ko sa kwarto yun gitara at inabot kay Joshua. Tumugtog ito ng isa sa mga paborito kong kanta, Power of Two. Pinapanood ko lang sya habang naglalaro sya ng gitara. Ang sarap pakinggan ng tunog nito.
"Oh, Maris ikaw naman." at inabot sakin ang gitara.
"Pero Joshua hindi ako marunong" hawak ko ang gitara pero hindi ko alam kung paano ito gagamitin.
"Ganito lang yan. Yun kamay mo ilagay mo dito. Tapos un daliri mo lagay mo dito, yan ang G. Oh tapos eto naman, yan ang A." tinuturo sakin ni Joshua ang ibat ibang pattern at letra, chords daw ang tawag dun. Sa totoo lang nahihirapan ako, mahirap pala to. Medyo masakit din pala sa daliri ang pag gigitara.
"Oh tapos yun mga chords na yun imemorize mo ha. Tapos strum mo lang, isabay mo sa kanta. Sige try mo."
Sinubukan ko maggitara. Isang strum. Dalawa. Tatlo. Apat. Lipat ng chords. Strum strum. Tuloy lang ako sa pagtugtog ng gitara. Nakatinggin lang sa akin si Joshua naka ngiti.
"Sabi naman sayo eh. Magaling ka sa music, madali mo makukuha yan." sabi ni Joshua.
Hindi ko mapigilan ang mga kamay ko. Bawat bagsak ng kamay napapawi ang lungkot.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Joshua. "Hindi ka masaya ngayon. Parang may problema ka."
"Hindi ako okay." sagot ko sa kanya. Kinuha ni Joshua ang gitara at inalagay sa isang tabi.
"Sabihin mo sakin ang problema. Andito lang ako." sabi ni Joshua.
"Eh kasi." Tumingin ako kay Joshua. "Kailangan ko tanggapin. Magkaiba kami ng oras ni Inigo. Minsan hindi ko na sya nakakausap. Hindi na din sya nagpupuyat para kausapin ako. Sa totoo lang gusto ko magdemand pero wala naman ako karapatan diba. Paano kung hindi na nya ko mahal? Yan ang kinakatakot ko ngayon. Kasalanan ko ang lahat ng to. Bakit kasi hindi ko na lang sya mahalin para walang problema? Natuturuan ba ang puso magmahal kasi kung oo tuturuan ko ang puso ko."
Kinuha ni Joshua ang kamay ko. Ngumiti sya sakin at huminga ng malalim.
"Nagtatanong ka kung natuturuan ang puso magmahal. Ang sagot ko 'oo'. Pero hindi mo na kailangan turuan ang puso mo kasi sa tingin ko mahal mo na talaga sya. Diba sabi mo natatakot ka na baka hindi ka na nya mahal. Baka yan ang pumipigil sayo para mahalin sya. Natatakot ka na baka sa huli masaktan ka lang nya. Masarap magmahal pero maeenjoy mo lang yun kung handa kang masaktan."
Huminga ulit ng malalim si Joshua.
"Oo hindi ko gusto si Inigo para sayo. Pero nagtitiwala ako na alam mo ang tama at mali. Ang pagibig parang sugal walang mangyayari kung pass ka lang ng pass. Kailangan mo maglaro, kailangan mo magdeal, kailangan mo mag all-in. Kahit matalo ka ang importante lumaban ka ginawa mo ang lahat at naging masaya ka." sabay yakap sakin ni Joshua.
Natauhan ako sa mga sinabi nya. Siguro nga takot lang talaga ako para sa sarili ko. Unang beses pa lang na cute-an na ako kay Inigo pero nainis ako sa yabang nya. Pero nun nakilala ko sya sobrang bait pala. Ang ganda ng mata nya lalo na pag nakatingin sya sakin, pakiramdam ko natutunaw ako. Siguro nga pilit lang ako nagbulagbulagan, simula pala umpisa may pagtingin na ako sa kanya.
-------------------------------
Lumipas ang ilan pang linggo. Walang araw na hindi ka makakarinig ng musika sa bahay namin. Araw araw akong tumutugtog ng gitara. Ito lang ang nagpapasaya sa akin ang gitara ko.
Minsan nakakalimot na magchat sakin si Inigo. Sasabihin nya nakatulog sya or busy sya. Parang may nagbago sa kanya. Hindi ko alam. Ayoko na magtanong.
Malapit na ang pasukan. Pag uwi nya aaminin ko na sa kanya ang lahat. Para hindi na sya malungkot, para hindi na sya umiwas, para bumalik na yun dating Inigo.
New Facebook Message
Inigo Pascual: How are you?
Maris Racal: Okay naman. Excited na ko sa pasukan! Uuwi ka na e. Grabe makikita mo na naman ang kagandahan ko! Hahaha. I miss you! See you! ^_^
Inigo Pascual: Imissyou too. See you
------------------------------
Ang lamig. Nakakainis ang sarap magalit pero ang feelingera ko kung ganon.
New Facebook Message
Ayan nagchat pa sya. Excited kong binuksan ang message.
Fourth Pagotan: Hello.
---------------------------------
Vote and comment po tayo!! Thank you!
BINABASA MO ANG
Dance in The Rain (MarNigo) - Incomplete
FanfictionHey Inigo, do you remember the first time we met? Parang kailan lang ang lahat pero ilan taon na pala ang lumipas. Masaya tayo noon pero bakit ang komplikado na ngayon. Pangako ko na hihintayin kita pero hindi ko kayang ipangako ang habangbuhay.