Chapter 9 (Dark Was the Night)

443 28 0
                                    

Maris' pov

"Inigo, ano ginagawa natin dito sa park?" Hindi naman nakakatakot sa park. Maliwanag ito at may ilang mga tao at batang naglalaro. 

Tuloy lang kami sa paglalakad. Tila may bumabangabag sa kanyang isip. Tinitingnan ko ang maamo nyang mukha. Kalmado lang sya. Hindi masaya, hindi malungkot. Seryoso. Nasasanay na ko na nakikita ang mukha nya. Kahit ipikit ko ang mata ko nakikita ko parin sya. 

Napansin nyang nakatingin ako sa kanya. "Mariestella, pogi ba?" sumenyas ng pogi at ngumiti sya. Paano ako hindi magkakagusto sa lalaking to kung ngiti pa lang nya tumatalon na ang puso ko. 

"Loko! Pogi ka lang pag madilim.", pang aasar ko sknya. Tumawa sya. Hindi ko alam kung anong meron ang lalaking to pero sobrang masaya ako pag kasama ko sya. 

Tumigil kami sa may swing at umupo sya. "Ha? Magsswing lang tayo. Gabi pa! Pwede yan bukas ng umaga.", sabi ko sa kanya.

"No. Hindi pwede. I'm leaving tomorrow." at napuno ng katahimikan ang paligid. Umupo ako sa bakanteng swing. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Gumigilid ang luha sa mga mata ko. Nakatingin lang ako sa malayo. Tila ba bumagal ang oras. Lumakas ang hangin. Ang lamig. Umalis na ang mga tao at kami na lang ang andito. 

"Mariestella.." tinawag nya ako pero hindi ako lumingon. Alam ko na pag lumingon ako at nakita ko sya maiiyak lang ako. 

"Maris. Don't worry I'll be back when class starts. Summer vacation lang." Kahit na. Mawawala parin sya. Sana hindi nya ako sinanay na palagi sya andito sa tabi ko. 

"Promise me you'll talk to me everyday." tuloy lang sya sa pagsasalita. "May FB naman and we can talk din sa Skype or e-mail. I promise you I'll be back. Okay?"

"Okay." yun lang ang naisagot ko.  

At pumatak na ang ulan. Eto na naman. Si Inigo at ang ulan. 

"Mariestella, let's go. Uulan na." 

Ayokong umalis. Alam kong ito ang huling beses na makakasama ko sya at matagal syang mawawala. Ngayon pa lang namimiss ko na sya.

Bumuhos na ang ulan. Kasabay ng ulan ang pagtulo ng luha. Nun nawala si Joshua nalungkot ako pero yun lungkot ko ngayon iba. Ngayon parang nabibiak ang puso ko. 

"Inigo. Pangako mo babalik ka." tumayo si Inigo at lumapit sakin. Inabot ang kamay nya at inalalayan ako sa pag tayo.

"Oo naman. Promise! One day, I'll just knock on your door. Wait for me ha."

Niyakap nya ako ng mahigpit at niyakap ko din sya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. 

"This must be our thing. The rain.", sabi ni Inigo. "The rain will be a constant reminder of our love."

Napatingin ako sa kanya. "Ha? Ano? Love?"

"Joke lang. Of our friendship pala.", bawi ni Inigo.

Lumuwag ang yakap nya sakin at nilagay ang kamay nya sa bewang ko. Tumingin sya sa mga mata ko. Naisip ko umiiyak din ba sya at tinatago lang ng ulan ang mga luha nya? Anong tumatakbo sa isip mo Inigo?

"Mariestella." may gusto syang sabihin. "I found it."

"Ha?" sagot ko.

"I found love the first time I laid eyes on you." gusto kong kiligin pero baka bawiin ng mokong. Naghintay ako ng tawa or ng 'joke lang' pero wala.

"Seryoso ka?", tanong ko sa kanya.

"I see love when I look in your eyes. I feel it when I touch your hands. I love the warmth of your embrace. I admire you intensely. This is love right?"

Pwede na ba ko kiligin? Totoo na to. Hindi na ko assuming. 

"Do you feel it too, Maris? Do you feel the pain every time we are apart? Do you feel it?" excited na tanong nya sakin.

"Hindi ko alam, Inigo." nagbago ang mukha nya. Nalungkot sya sa sagot ko. Pero hindi ko pwede sabihin na mahal ko sya dahil wala pa ko dun. 

"Masaya ako pag kasama kita. Nawawala ang mga problema ko. Pakiramdam ko safe ako sa tabi mo. Gusto ko palagi tayo magkausap. Excited ako makita ka. Pero hindi pa ako ready." yun ang naisagot ko. Ngumiti sya sakin. Masaya na ulit.

"Okay." nagsalita si Inigo. "Let's go home." Hindi ko na alam ang pwede kong sabihin sa kanya para hindi na sya malungkot. Nawalan na ako ng mga salita. Tumakbo na kami pauwi sa bahay. At ng makarating kami sa harap ng bahay.

"Mariestella, I will wait. I will wait until you feel the same way."

"Ayokong maghintay ka Inigo. Hindi ko kaya ipangako sayo na mamahalin din kita.", sagot ko

"Maghihintay lang ako. I won't give up. I found the one person worth fighting for and that's you. Bye!" tumalikod na sya at tumakbo palayo. 

Walang tigil ang ulan nun gabing yun. Gusto ko maging masaya kasi mahal ako ni Inigo pero aalis na sya bukas. Natatakot ako na baka hindi na sya bumalik. Pero mas natatakot ako na baka pagbalik nya hindi na nya ako mahal. Bakit kasi umamin pa sya kung kelan aalis na sya. 

New Facebook Message

Inigo Pascual: Hey! I'm home. Did you take a warm bath? Don't get sick when I'm not around ha. No one's going to bring you ice cream and pizza. 

Maris Racal: Yes po! Tapos na po maligo. Umuwi ka agad please. Wag mo ko kalimutan ha.

Inigo Pascual: I will always think of you. Goodnight!

-------------------

Vote and comment po thank you. Sorry mabagal magupdate. Medyo busy lang po. Thank you po sa mga nagbabasa :)

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon