Chapter 14 (Your Cheatin' Heart)

413 20 4
                                    

Pagkatapos ng klase nagdesisyon akong puntahan si Inigo sa bahay nila. Wala akong karapatan magtanong kasi hindi naman kami pero pagod na ko hulaan kung ano ba ang problema nya.

"Inigo? Inigo andyan ka ba?" mahinahon na sigaw ko sa labas ng bahay nila. Matagal din ako naghintay sa labas pero mukhang wala si Inigo dito. Umupo ako sa gutter ng kalsada. Binuksan ko ang bag ko para hanapin ang cassette player at ang remix tape na regalo ni Inigo. Pinakinggan ko ang Side A ng tape.

I would go through all this pain

Take a bullet straight right through my brain

Yes, I would die for you, baby

But you won't do the same

About love? Binuksan ko ang player para ilagay ang Side B ng tape.

And when you smile

The whole world stops and stares for a while

'Cause girl, you're amazing

Just the way you are

Leche! Love song na naman. Huminga ako ng malalim. I have to find Inigo. Naglakad ako patungo sa basketball court malapit sa village park. Malayo pa lang natanaw ko na ang isang lalaking naglalaro ng basketball. Nakasando, school pants at school shoes. Hindi pa sya umuuwi ng bahay. 

"Inigo! Andito ka lang pala." sigaw ko habang papalapit ako sa court. Tila ba hindi nya ako naririnig at patuloy parin sya sa pagshoot ng bola. Lumapit na ako sa court at nakita kong basang basa ang sando nya. Pawis na pawis ang buhok at mukha nya. 

"INIGO!" hindi parin nya ako pinansin. Para syang wala sa sarili. Kinuha ko ang panyo sa bag ko. Lumapit ako sa may hoop. Naishoot nya ang bola at agad ko itong kinuha. Tumakbo sya papunta sa direksyon ko at nagtagpo ang mga mata namin.

"Maris?" rinig sa boses nya ang pagod. "Wha-What are you doing here?" naghahabol hiningang tanong  nya. 

"Bakit naman pawis na pawis ka? Magpahinga ka, tama na yan." lumapit ako sa kanya. Nilagay ko ang isang kamay ko sa balikat nya at pinunasan ko ang mukha nya. "Magpunas ka naman ng pawis mo pag may time." Nilapit ko ang mukha ko sa may dibdib nya. "Mmm ang baho mo na!"

"Wow concern? Ang sweet naman." nilapit ni Inigo ang mukha nya sa noo ko. "Mmm ikaw din, you stink Maris!" tiningnan ko sya ng masama at natawa lang sya sa akin.

"Ang kapal naman ng mukha mo!" inabot ko sa kanya ang panyo. "Oh, punasan mo sarili mo!" naririnig ko parin na tumatawa sya. Tumalikod ako sa kanya at pasimpleng inamoy ang sarili ko pati na ang buhok ko. Hindi naman ako mabaho bulong ko sa sarili.

"Bakit pala.." humarap ako kay Inigo. "Umm." Medyo natigilan ako kasi kasalukuyang hinuhubad nya ang sando nya sa harapan ko.

"Maris? Bakit natameme ka? Am I macho?" natatawang tanong nya.

"Malaki ang tyan mo wala kang abs ang liit ng braso mo. Hindi ka macho magwork out ka nga!" sunod sunod lumabas sa bibig ko ang mga salitang yan. Naoffend ata sya dahil agad nyang sinuot ang sando nya kahit basang basa ng pawis. Nahiya ako sa mga pinagsasabi ko. Pinalo palo ko ang ulo ko. Sira ka Maris, sira! 

Tinaasan lang nya ako ng kilay at nagtanong "Nga pala, why are you here Maris?"

Pumunta siya sa table kung saan nakalagay ang bag nya. Itinago na nya ang bola inilabas ang towel at pinunasan ang sarili. Tumingin sa akin naghihintay ng sagot.

"May problema ba tayo? Galit ka ba sakin? Sabihin mo sakin please dahil pagod na ako maghintay na maging okay ka." ang demanding ko pakinggan. Pero walang mangyayari kung tatahimik lang ako.

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon