--Maris--
Pauwi na ako ng bahay. Hindi ko maiwasan ang magisip. Ano kailangan ni Fourth kay Joshua? Anong napaka importanteng gagawin nila at iniwan nya ako. Kilala ko si Fourth. Third year high school sa school namin. Magaling sya magsalita kaya napili sya maging Vice President ng student council para daw sa fourth year tatakbo syang President.
Member din sya ng dance troupe at hindi lang member - leader sya. Palagi din sya pinapakanta sa mga school events kasi maganda ang boses nya, malambing at masarap pakinggan. Isa din sya sa mga nagpaint ng mural sa wall ng school namin. At akala nyo hanggang dun lang sya? Sa sports magaling sya sa basketball, volleyball, badminton at swimming.
Dating member ng basketball team si Fourth pero mas pinili nya ang pagsasayaw. Sa ugali wala akong maipintas dahil napakabait at magalang daw ni Fourth. Approachable daw to at hindi mayabang. Grabe! Perfect guy, yan si Fourth.
Ang daming naiinggit sa kanya kasi ba naman ang ganda ng girlfriend nya si Zel. At si Zel naman ay...
"Mariestella!! Hello!" sigaw ng lalaki
Nakuha nya ang atensyon ko. Nawala ako sa iniisip ko. Si Inigo pala un tumawag sakin.
Nilapitan nya ko at sinabi nya sakin, "Let's go to the park Mariestella?".
Sumama ako sknya. Naisip ko tatambay nlng ako sa swing at itutuloy dun ang pagiisip at ang pag aalala ko. Boring kasi sa bahay. May dala syang bola. Mukhang maglalaro sya sa basketball court.
"Alam mo ba Maris. I'm so happy right now." sabi ni Inigo. "Kasi I got to play basketball. They gave me a chance to show my skills kanina. And you know what, official member na ako ng team natin. This is the first time I felt that I belong. Maybe this is really my place. "
Tumingin lang ako kay Inigo. Patuloy parin sya sa pagsasalita. Pinanood ko yun mga ngiti nya. Bawat galaw ng labi niya. Yung mata nya na sobrang masayang masaya. For the past few times na nagusap kami ni Inigo ngayon ko lang sya nakitang totoong masaya. Naisip ko na ang swerte ko kasi minsan lang makita ang mga ganitong ngiti. Ginto ito! Unti unting bumagal ang paligid at hindi ko na marinig si Inigo. Nag sslow motion na naman ako. Ang sarap pala ng ganitong feeling. Hindi lang tingin, inaadore ko na pala sya.
*PLLLOOK!*
"ANAAAK NG PALAKAAAA!!", sigaw ko
Ang ganda na ng emote ko nadapa pa ako. Ayan kasi hindi tumitingin sa daan. Patay asar na naman ako kay Inigo nito. Hay nakakainis talaga tong mokong na to. Pero wait. What if itatayo ako ni Inigo?? Ayy diba nakaka kilig isipin un! Pero ang cliche naman, sa movie at teleserye lang yun nangyayare.
"Maris? Are you okay?" eto na. Tatawanan ba nya ako o tutulungan?
Umupo si Inigo sa tabi ko. "Haha. You're funny talaga, Mariestella. I like you! How many frogs did you catch? Hahahaha."
Ano daw? He likes me? Nagkusa akong tumayo at tumayo na din sya sa pagkakaupo nya. Bago pa sya humarap sakin sinabi ko sknya, "Sayang nga eh wala ako nahuling frog!" sabay dapa ko ulit kunwari papunta sknya at niyakap ko sya patalikod
"Eto may nahuli na kong frog!".
*moment of silence*
Ang awkward. "HAHA. JOKE. LANG." sabi ko at bumitaw na ako sknya. Alam ko naman na gusto ko sya pero yun yakapin ko sya, grabe nakakahiya!! Shet ano ba Maris. Humarap sakin si Inigo. Seryoso lang ang nakikita ko sa mukha nya. Shet nagalit ata sya. "Sorry Inigo it was a joke! Joke nga diba. Peace!!" at sumenyas ako ng peace.
BINABASA MO ANG
Dance in The Rain (MarNigo) - Incomplete
FanfictionHey Inigo, do you remember the first time we met? Parang kailan lang ang lahat pero ilan taon na pala ang lumipas. Masaya tayo noon pero bakit ang komplikado na ngayon. Pangako ko na hihintayin kita pero hindi ko kayang ipangako ang habangbuhay.