Chapter 13 (You Know I Love You, Don't You)

489 23 4
                                    

Maris' pov  

2011

Hinatid ako ni Joshua sa classroom. Sikat na sikat na ako sa paraang hindi ko naman ginusto. Pero kahit kumalat ang tsismis may ilan sa mga kaklase ko ang mabait parin sa akin. Dito sa school sila lang talaga nakakakilala sa akin.

Habang naghihintay ako na magumpisa ang klase may natanggap akong text message.

Fourth: Good morning Maris! I'm so sorry sa nangyari kahapon. I didn't think na magiging big deal yun paguusap natin. Don't worry I'll deal with it. Alam mo naman madami naninira sa akin dahil nga tatakbo akong President ng student council. I'm really sorry.

Maris: Good morning din Fourth. Sana sabihin mo na hindi totoo ang tsismis kasi alam mo naman kung ano ang totoo db. Pero yun tungkol sainyo ni Zel, totoo ba na wala na kayo?

Fourth: Yes. Long story.

"Maris!"

"Anong nangyari sayo kahapon? Alam kong hindi totoo ang tsismis. Kasi alam kong si Inigo ang mahal mo. Sooo what really happened??" tumabi na si Bea sa upuan sa kanan ko.

"Hindi totoo. Niyakap lang nya ako kasi umiyak ako dahil kay Inigo. Hinalikan lang nya ko sa ulo ko. Parang kuya ganun." kwento ko sa bestfriend kong excited, ultimate crush nya kasi si Fourth.

"Ang swerte mo Mars! Sana ako din. I-reto mo naman ako sa kanya please. Break na daw sila ni Zel e. Sige na Mars!" pag pipilit ni Bea. Baliw to problemado na nga ako sa tsismis tapos paglandi pa ang nasa isip nya.

"Kung kay Joshua pwede kita ilakad." natatawang sagot ko sa kanya.

"Ehhhh! Ang kulit mo ayoko kay Joshua. Ikaw ang mahal nun!" tinawanan ako ni Bea.

"Sira ulo ka!" sabay batok ko kay Bea. "Hindi ako mahal ni Joshua. Ang nagmamahal sakin si Inigo."

"WOW! Buhat sariling bangko ah. Ang haba haba ng hair mo mas mahaba pa sa buhok ni rapunzel." natatawang sabi ni Bea.

Nagtatawanan lang kaming dalawa ng may umupo sa kabilang upuan sa tabi ko. Tuloy parin ako sa pagtawa.

Bumigla ng tanong si Bea, "Mars, may gusto ka ba kay Fourth?"

"Baliw! Hindi sya ang gusto ko alam mo yan!" nagtatakang sagot ko sa tanong nya.

"Mahal mo ba si Joshua?" dagdag na tanong ni Bea

"Ha? Hindi. Bestfriend ko lang yun no." sagot ko sa kanya.

"Eh si Inigo bestfriend mo?" pahabol na tanong ni Bea.

Sumagot ako "Oo bestfriend ko si Inigo. Ano ba yan mga tanong mo. Nakakaloko ha." tinawanan ko sya.

"Parehas mo silang bestfriend. Pero si Inigo mahal mo diba. Bakit si Joshua hindi mo mahal?" mausisang tanong ni Bea

"Ang gulo mo bes. Seryoso na ba ang usapan natin? Syempre naman mahal ko din si Joshua bilang bestfriend. Pero yun kay Inigo.. Mahal ko si Inigo sa ibang paraan" sagot ko kay Bea.

"Andyan na si Ma'am!" sigaw ng isang kaklase.

Aayusin ko na sana ang upo ko nang hawakan ako ni Bea. "Mars, masaya ako kasi alam mo na ngayon kung ano ang tunay na nararamdaman mo." bumitaw na sya sakin at tumingin sa harapan ng classroom. Anong nakain ni Bea ang weird nya ngayon.

Umayos na din ako ng upo. Nilingon ko na kung sino ang isa pang katabi ko. May katabi akong pogi. Nakatingin lang sya sa harap. Ang ganda ng mata nya. Ang kapal ng kilay. Ang tangos ng ilong. Mapula ang labi. Ang sexy ng buhok.

"I-Inigo?? Inigo!" yayakapin ko na sana sya pero lumingon sya at nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Sa sobrang lapit mahahalikan ko na ang labi nya. Isang tulak lang sana ni Bea. Pero umiwas ito sa labi ko. Sayang! Joke lang. Haha. Bumulong siya sa tenga ko.

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon