Chapter 8 (State of Love and Trust)

510 24 0
                                    

2014

Maris' Pov

Nun bata ako ang gusto ko talaga ay ang maging doctor. Kaya nun nagcollege ako Medtech ang course na kinuha ko sa Big Brother University. Nakakalungkot isipin na yung mga kaibigan ko ay sa ibang school na pumapasok. Magisa nlng ako ngayon. Kailangan ko humanap ng mga bagong kaibigan.

Bago magstart ang school year pinaattend ang lahat ng freshmen sa orientation. Ayoko ng mga ganitong event. Lalo pa ngayon na wala akong kasama. Swerte na lang kasi may cellphone ako. Maglalaro na lang sana ako ng games ng may tumabi sa akin. 

Ngumiti sya sakin. Okay medyo weird. Ngumiti din ako sa kanya at binalik ang tingin ko sa cellphone ko. Niload ko na ang game para sana maglaro ng mapansin ko na nakatingin parin sya sa akin. Lumingon ako sa kanya at nakangiti parin sya.

"Uhm. Hello? May problema ba?", tanong ko sknya.

"Ahh. Wala! Sorry. Ang ganda mo kasi.", sagot ng lalaki

Ha! Bolero ang loko. Sapakin ko to e.

"Hoy kuya walang mata. Tumigil kn sa pag tingin sakin. Alam kong maganda ako matagal na.", sagot ko sknya. Cute sya chinito at maganda ang smile. 

"Miss, ako nga pala si Manolo Pedrosa", at inabot nya ang kamay nya. Wala na ang ngiti sa labi nya may mata din pala sya. "Ano nga pala pangalan mo?" tanong nya.

"Ako si Maris." hnd ko tinanggap ang kamay nya. The who ba sya. Hindi nya ko madadaan sa pacute nya. Tsaka mas cute si Inigo sa kanya. Shit si Inigo. Naalala ko na naman sya at may kirot na naman sa puso ko.

"Sungit mo Maris. Haha", sabi ni Manolo. Tinawag din akong masungit ni Inigo dati. Kailan ako makakalimot kung palagi ko sya naaalala. At yan ang kwento ng unang beses na nagusap kami ni Manolo.

------------------------

2010

Maris' pov

"Inigo, salamat sa cassette tape na to ha.  Forever ko to aalagaan. Thank you talaga", at kinalas ko ang yakap ko sa kanya. 

"Mariestella, walang forever.", malungkot na sabi ni Inigo. Hugot? May pinagdadaanan si Inigo. Ano kaya yun?

Ngumiti si Inigo at nagsalita. "Ah, I have to go now. It's getting late. Thank you!", masigla na ulit sya. Minsan iniisip ko kung nasa tamang pagiisip ba talaga sya. Seryoso tapos biglang masaya biglang seryoso biglang malungkot biglang weirdo biglang masaya ulit. 

Hinatid ko na si Inigo sa gate namin. Lumingon sya at nagsalita "Mariestella".

Kinuha nya ang dalawang kamay ko. "I'm not sure if there's a forever. But whatever this is that we have I want this to never end."

Grabe si Inigo. Nun isang linggo mahal daw nya ako ngayon naman ito. Gusto kong maniwala na totoo ang mga sinasabi nya pero d ko maiwasan ang magduda. Asyumera din kasi ako. Sabi nya last time mahal nya daw ako pero sabay bawi na hindi naman talaga. Trip nya siguro makita ang reaction ng babae pag sinabihan nya ng ganon. Eh pano kung trip lang ang lahat ng to para sa kanya?

"Inigo, puro ka kalokohan. Umuwi ka na nga." inalis ko ang kamay ko sa kamay nya. Hindi ako magpapaloko sa mokong na to. Hindi pwede. Umalis na si Inigo at pag lingon ko andun pala si Joshua.

-------------------------

"Maris, magusap tayo." lumapit sya sakin. "Anong meron sainyong dalawa? Nakita ko reaksyon mo sa regalo nya sayo. Niyakap mo sya. Cassette tape lang yun Maris ang regalo ko sayo gitara. Pero bakit mas natuwa ka sa regalo nya? Bakit, gusto mo ba sya? Sinabi ko na sayo na lumayo ka sa kanya. Ang tigas ng ulo mo!"

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon