Chapter 17 (Support System)

562 26 18
                                    

August 2011

"Ang pagsasalaysay ni Joshua.

"Thank you talaga Joshua. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Buti na lang dumating ka. Thank you." kanina pang umiiyak si Maris.

Sabi ko sa nurse lagyan na ng IV fluids baka madehydrate na ang kaibigan ko. Loko nun nurse tinawanan lang ako. Tatlong oras ng walang tigil sa hagulgol si Maris. Kahit pamilya nya hindi siya mapatahan. Wala parin ang tatay ni Inigo. Tinawagan na ni Maris pero malayo pala ang trabaho nun. On the way na daw.

Medyo maayos naman ang lagay ni Inigo. Nagkaroon ng internal bleeding sa ulo niya. Pero naayos ng mga doktor. Malaki ang nawalang dugo sa kanya kaya nangailangan ng dugo. Hindi sila same blood type ni Maris. OH NO!

Pero don't worry dahil si bestfriend ay to the rescue. Para akong knight in shining armor kanina. Ako ang lumigtas sa kanila sa park. Naghalo ang dugo at tubig ulan. Akala mo talaga patay na si Inigo sa sobrang dami ng nagkalat na dugo. Si Maris naman parang nawalan ng asawa ang peg. At ako? Syempre ako ang nagbuhat kay Inigo. Naghalo ang adrenaline at excitement, hero ang peg ko. Ngayon heto ako medyo nahihilo. Same kasi kami ng blood type ni Inigo. Kaya no choice nagdonate pa ako ng dugo. 

Habang wala pa tatay ni Inigo. Kaming dalawa ni Maris ang nagbabantay sa kanya sa kwarto niya. Nasa "coma" daw si Inigo. Hindi pa naging "period". Sorry. Bad joke. Hahaha.

Dumating na tatay ni Inigo. Nagpakilala siya, Piolo Pascual. Medyo may hawig sila sa isa't isa pero syempre ang mas pogi sa kanila, ay ako. Hahahahaha."

---------

Maris' pov

Yan ang paulit ulit na kwento ni Joshua sa lahat ng nagtatanong sa kanya kung ano ang nangyari. Sobrang pabida pero hinahayaan ko na lang kasi totoong siya ang nagligtas sa amin. 

May dala akong mga prutas. Dadalawin ko si Inigs. Andun parin siya sa ospital. Isang linggo na siyang comatose. Si Tito Piolo ang masipag na nagbabantay sa kanya. May ilan din silang kamag anak na tumutulong sa pagbabantay. Akala nga nila girlfriend ako ni Inigo. Sinasabi ko na lang sa kanila na kaibigan lang ako.  

--

"Oh, Maris! Buti napadalaw ka. Tuloy ka." pagbati ni Tito Piolo ng dumating na ako.

"Hello po, Tito. Kamusta po siya?" tanong ko.

"Stable parin pero hindi pa gumigising." sagot ni Tito. Kinuha niya ang basket ng prutas at nilagay sa mesa. "Sabi ng doktor naagapan daw agad ang internal bleeding kaya may possibility na magising siya. Pero hindi pa natin alam kung kailan."

Pinagbalat ko ng mangga si Tito. Natatawa siya dahil naalala daw niya nun bata pa si Inigo, umakyat ito sa puno ng mangga. Isang tanghali sa bukid, hindi daw kumain ng tanghalian si Inigo. Nagalala daw sila kasi nawawala daw ito. Hinanap nila ng hinanap hanggang sa malapit na gumabi, narinig daw nila sumisigaw ito. Nakita nila nasa puno ng mangga. Umakyat daw siya at hindi na nakababa. Kaya natulog na lang daw siya doon sa puno. Sabi daw ni Inigs 'Dad, I'm hungry'.

Tawa ng tawa si Tito. Pero makikita mo sa mata niya na may halong lungkot. Sumasabay na lang din ako sa tawa niya.  

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto. Pinatuloy ni Tito ang dalawang kaibigan ni Inigo, si Julian at Julia.

Si Julian parang suplado at mayabang. Kasama ni Inigo si Julian sa basketball team. Matagal na din sila magkaibigan. 

Kapag tinitingnan ko si Julia hindi ko maiwasan ang mailang. Iba kasi ang aura niya. Parang mataray at suplada. Classmate ni Inigo si Julia. Naging close sila simula nun lumipat ng section si Inigo. Tumingin si Julia sa akin at ngumiti.

-----------

"Gumising ka na dyan bro! Malapit na Intrams need natin magpractice. They might take you off the team pag hindi ka pa gumising dyan! Basketball is everything to you diba. Oh.. and that girl." tumingin sakin si Julian. Masama ang tingin niya. 

Doon ko na napagtanto. Ako nga pala ang may kasalanan kung bakit nasa ganitong kalagayan si Inigo.

"Nigs, wake up na. You're missing a lot of lessons sa class. Miss ko na ang pangungulit mo sakin. It's not the same without you."

Bruha to sarap sabunutan. Pero wag. Nahuli kong nakatingin si Tito sa akin at un mga ngiti niya nakakaloko. Natawa na lang siya.

"Nigs. I need you to wake up." at hinawakan ni Julia sa kamay si Inigo.

Tumingin ulit sakin si Tito. Mukhang nagpipigil ng tawa.

Nakipagkwentuhan sila kay Tito. Paminsan minsan kinakausap ako ni Julia. Maya maya pa ay umalis na ang dalawa.

-------

"Sino yun babaeng yun? Bakit feeling girlfriend?" natatawang tanong ni Tito. "Siya ba ang gf ni Inigo?"

"Nako, Tito! Hindi ko alam sa anak nyong malandi!" 

"Joke lang, Maris. Don't worry about that girl. Alam ko kung sino ang gusto ng anak ko." nakatingin lang siya kay Inigo. Matipid ang ngiti ni Tito.

"Nung nasa California kami lagi niya tinatanong kung kelan kami uuwi sa Pinas. Gusto ng Mom niya doon at gusto ko naman dito. We were always fighting ng Mom niya. Apektado na si Inigo sa palaging pagaaway namin magasawa. Kaya nagdesisyon kami na maghiwalay na lang muna. We asked Inigo kung kanino siya sasama and he chose to stay with me." tumingin sakin si Tito. "Akala ko he chose me."

"Sabi niya sakin 'There's a girl waiting for me. I'm not choosing between you and Mom. I'm choosing to be with her.' Hindi na bata ang anak ko, he was already a man. Pinaglaban niya yung pagmamahal niya for that girl. I asked him kung sino yun babae and the name he gave me was not Julia. Her name is Mariestella. So please tell me na si Mariestella at Maris ay iisang tao lang. Tell me that you are Mariestella."

Ngayon ko lang nalaman na nagaaway pala ang parents ni Inigo. Palagi lang kasing cool si Inigo akala ko wala siyang problema. I wish I knew para nadamayan ko sana siya.

"Opo Tito. Ako po si Mariestella."

Nawala ang ngiti niya at nagsimula na siyang umiyak.

"Thank you Maris for loving my son. Napakabait na bata ni Inigo at ikaw din mabait ka. Tahimik lang yan pag seryoso ang usapan. Hindi siya sumasali sa mga away or gulo. Kaya alam kong hindi siya magkakaganyan ng walang dahilan. He saved you. Pero I just wished he didn't. I'm sorry."

Masakit malaman na ayaw sayo ng tatay ng taong mahal mo. Gumigilid ang luha sa mga mata ko nang biglang may kumatok sa pinto at bumukas ito. 

"Hello, Tito! Hey, Maris! Gising na, Inigo." masayang pumasok si Joshua sa kwarto.

Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto.

"Maris!" nakasunod si Joshua sa akin at hinila ang kamay ko.

Tumutulo ang luha sa mga mata ko. Humarap ako sa kanya at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. 

"Halika nga dito." niyakap ako ni Joshua ng mahigpit. "Iiyak mo lang yan Maris. Huwag ka magalala madaming IV fluids dito. Hindi ko hahayaang madehydrate ka." at tumawa siya. Hinawakan niya ako sa ulo. "Palagi lang akong andito para sayo. Hindi ako mawawala."

-----------------

Vote and comment po. Will update ulit as soon as may time ako. Thank you for reading! Ang bait ni Joshua kay Maris no. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon