Chapter 7 (I've Got Dreams To Remember)

481 24 4
                                    

Binuksan ko ang gate at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko si Joshua.

"Joshua, miss na miss na kita!"

--Maris' pov--

"Miss na miss na din kita Maris!" at yumakap din sya sakin ng mahigpit. Magkayakap kami ng matagal parang ilang minuto din.

Niluwagan na nya ang yakap nya at tumingin sakin. Pinunasan nya ang luha sa mga mata ko.

"Happy Birthday!! Huwag na iyak bata. Nga pala yun regalo mo.", sabi ni Joshua.

Kinuha nya yung regalo na nakabalot ng gift wrapper.

"Gitara!", sigaw ko.

"Pano mo naman nalaman na gitara to??", sabi ni Joshua.

"Hellloooo! Sa itsura pa lang gitara na yan no!", sabi ko sknya.

"Malay mo hindi. Malay mo malaking kendi na guitar shape. Hahahaha", biro ni Joshua.

"Loko ka Joshua!" inabot na nya sakin ang regalo. Nun nahawakan ko sigurado na ako na guitar to. Binuksan ko ito at booom gitara nga!

"Grabe, Joshua! Sobrang salamat! Sabi ko cassette tape lang! Mahal to diba?", nahihiya ako ang mahal ng regalo  nya.

"Okay lang! Db sabi mo gusto mo matuto mag gitara. Paano ka matututo kung wala kang gitara. At alam mo ba sumama ako kay Fourth kasi madami syang alam na gig na pwede namin pagkakitaan. Ang galing ni Fourth ang dami nyang raket. Papakilala ko sya sayo at tsaka ..."

Hinila ko na papasok si Joshua. Hindi ko na sya pinatapos pa magsalita. Dapat makilala nya si Inigo. Dapat sila ang magkaibigan para makasama ko parin sya. Sabihin nyo nang selfish pero ayoko nalalayo si Joshua sa tabi ko.

Dinala ko na sa dining area si Joshua.

"Buti naman at dumating kn Joshua.", sabi ni mama. Binati sya nilang lahat. At si Inigo nakatingin lang samin ni Joshua. Kinuha ko ang atensyon ni Joshua.

"Joshua may papakilala ako sayo." dinala ko sya malapit sa inuupuan ni Inigo.

Pag lingon ko kay Joshua. Nakita ko ang gulat at pagtataka sa mukha nya. Tumingin sya sakin na parang naghihintay ng dahilan.

Ngumiti nlng ako sknya para ipaalam na okay lang ang lahat. "Joshua si Inigo. Inigo si Joshua."

Tumayo si Inigo at inabot ang kamay nya. "Bro, nice meeting you!"

Nakatingin lang sya kay Inigo na parang kinikilala ang pagkatao nito. At matapos ang ilan segundo. Tinanggap din ni Joshua ang kamay ni Inigo. "Joshua. Bestfriend ako ni Maris."

Naalala ko na. Sabi ni Joshua magingat daw ako kay Inigo. Walang tiwala si Joshua sa kanya.

"Ahh. Maris. Pwede na ba kumain?", tanong ni Joshua.

Hindi na sila nagusap ni Inigo. Bumalik na din si Inigo sa upuan nya. Mukhang hindi uubra ang plano ko maging magkaibigan sila. Mahihirapan ako.

"Sige Joshua kain ka na.", ngumiti ako sa kanya. Hindi ngumiti si Joshua. Alam ko na ang mangyayari mamaya. Papagalitan nya ako pagkatapos nya kumain.

--------------------------

"Mariestella, how are you?", sabi ni Inigo.

"Okay naman. Masaya. Andito lahat ang mga mahal ko sa buhay. Ang pamilya ko at mga kaibigan ko.", sagot ko sknya.

"Mahal sa buhay? Is Joshua your boyfriend? Or BWF?", tanong nya

"Hoy hindi ko boyfriend yun no! Baliw ka ba! Bestfriend ko sya simula nun bata pa kami. Anong BWF?", tanong ko naman

"So it's BWF! Bestfriend with feelings." ngumiti sya sakin. Pero nakikita ko sa mata nya ang lungkot. Bakit ganito si Inigo? May gusto ba sya sakin? Naku assuming ka Maris! 

"Sira ulo! Hahaha!" sabay palo ko s braso nya. Nagtawanan lang kami. Ang sarap talaga kausap ni Inigo. Nageenjoy ako sa mga short and simple moments na kasama ko sya. 

"By the way, may gift ako for you." sabi ni Inigo. Binuksan nya ang bag nya at may kinuhang gift na rectangle ang shape. Ayoko magassume pero sa haba at lapad nito mukhang cassette tape. 

Binigay nya sakin ang regalo at nang buksan ko ito. Bumungad sakin ang isang cassette tape. Naluluha ako. Mababaw pero ito talaga yun gusto ko. Ang name ng tape ay "2010 songs". Nakalista dito ang mga kanta. Side A at Side B. Hindi ako makapaniwala dahil nageffort sya na magrecord ng kanta para sa akin.

"I got you a blank tape and I recorded new songs in it. Super hassle but you're worth it." nagsmile si Inigo. Yun ngiti nya from ear to ear. "You don't know how many hours I spent trying to get it right. Mahirap pala. I'm glad I didn't live in that generation. Hahaha.."

Niyakap ko si Inigo. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko. Speechless ako. Sa panahon ngayon may ganito pa pala. The more na nakakausap ko si Inigo the more na nahuhulog ang loob ko sa kanya. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko.

----------------------

"Babe!", pamilyar ang boses. "BABE! Tulala ka na naman."

May umakbay sa akin. "Babe, malalim na naman iniisip mo. May problema ba?" tuloy ang pagtatanong nya. "Babe, eto pala yun cassette player mo. Pinaayos ko na sya. Gumagana na to ulit."

"HOY, Maris!!", sigaw nya sakin. Nagising ako sa malalim na pagiisip.

"Okay ka lang ba?", tanong nya.

"Ah, wala Manolo. May naalala lang ako."

Kinuha ko kay Manolo ang cassette player. Binuksan ko ito at nakita ko ulit ang "2010 songs" tape na binigay sa akin ni Inigo. 

Tuwing umuulan nababasa ang pisngi ko ng luha. Naaalala ko parin nun naglaro tayo sa ulan. Kamusta ka na kaya Inigo? Hindi ko parin alam kung anong nangyari sayo.

 --------------------------

Vote at comment po tayo. Salamat!! Woohooo!!

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon