Chapter 4 (A Change Is Gonna Come)

626 22 1
                                    

--Joshua--

"Maris, sinong Inigo? Yun transferee galing sa Amerika? Yun bagong lipat s village natin? Magkaibigan pala kayo? Bakit mo naman iniisip na ako si Inigo? Tsaka bakit kayo naguusap nun? Close ba kayo?" 

"Grabe ka naman magtanong Joshua! Isa isa lang no! Baka nakakalimutan mo kaklase ko po si Inigo. Hindi naman siguro malabo na maging kaibigan ko siya? Tsaka eh ano ngayon kung maging friends kami? Bawal ba?", sagot ni Maris

Tumingin lang ako sknya. Oo nga hindi naman masama maging magkaibigan sila. Ang akin lang bakit hindi nya nakwento sakin si Inigo. Ahead ako ng one year kaya hnd kami magkaklase ni Maris. One month na ang lumipas simula nun lumipat dito sa school namin si Inigo. Siguro nga sa one month naging close na sila ni Maris. Pero madami na ako narinig na tsismis tungkol dyan kay Inigo.

Hinawakan ko sya sa balikat at tumingin sa mga mata nya. "Bakit hindi mo sinasabi sakin na friends pala kayo ni Inigo? Alam mo bang mayabang yun? Magiingat ka sa kanya. Lumayo ka kung kaya mo pa! Lolokohin ka lang nya!"

"Baliw!!! Puro pag ibig talaga nasa isip mo. Hindi sya nanliligaw sakin! Ano ba yan iniisip mo! Kaklase ko lang yun actually seatmate lang hanggang matapos ang taon. Hindi kami magkaibigan, yun mayabang na yun? Naku wag na lang.", sagot ni Maris at inalis nya ang mga kamay ko sa balikat nya. "Tara tumambay bago magstart dance practice mo."

Lumabas kami sa school at pumunta sa 7/21 yun convenience store malapit sa school.

"Nga pala Maris next week sa 22, birthday mo na. Anong wish mo?", tanong ko sknya. Simula nun pagkabata namin pag birthday ni Maris pumupunta ako s bahay nila. Nanunuod kami ng movie at kumakain ng masarap na handa ng mama nya. 

"Joshua, ang wish ko uhmmmmmmm bagong cassette tape! HAHAHAHA", masayang sagot ni Maris.

"Grabe Maris! Malapit na mawala sa mundo ang mga cassette tape at yan parin ang gusto mo? Alam mo ba yun android phones? Uso na yun ngayon Maris. Yun telepono na touch screen. Pwede ka magsoundtrip dun!". 

Nabigla si Maris sa mga nasabi ko. Oo nga pala mali ako. Sya yun tipo ng tao na basta pwede pa gagamitin niya. Ayaw nya ng bago. Ayaw nya ng magastos. Wala syang cellphone wala syang mp3 o mp4 player. Wala syang ipod o itouch. Yun cassette player lang ang meron sya bigay yun sknya ng ate Tin nya.

"Maris pag binigyan kita ng cellphone gagamitin mo?", tanong ko sknya

"Huh? Eh hindi ko naman kailangan yun no. Tsaka wala ako itetext o icacall. Kung bibigyan mo ko pwede naman laptop na lang. HAHAHAHA. Biro lang!", natatawang sagot nya

"Pwede mo ako itext." Ako may cellphone ako. Hindi ako nagpapahuli sa uso. Pero yun cellphone ko hindi touch screen. Hahahaha.

"Bahala na, ayoko humingi kila mama. Nahihiya ako. Nagaaral si Ate Tin sa private university. Si Ate Pay kakagraduate lang ng college at naghahanap ng trabaho. Madami silang gastos ayoko na dumagdag.", sabi ni Maris

"Sige Maris pero hindi cassette tape ang ibibigay ko sayo ha."

♪ I said I don't want to walk this earth

If I got to do it solo ♫

"Ang korni ng ringtone mo Joshua. Pagibig na naman yan!", pang aasar ni Maris

"Hello? Fourth? Oh talaga? Sige pupunta ako dyan." Binaba ko na ang call. "Ah, Maris. Hindi na pala ako aattend ng practice may pupuntahan lang kami ni Fourth. Umuwi ka na baka hanapin ka sakin ng mama mo. Yan kasi, wala kang cellphone! Hahaha. Bye!"

Dance in The Rain (MarNigo) - IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon