Malalim na ang gabi nang pumasok siya sa kanilang silid. Saglit siyang napasandal sa dahon nang pinto dahil sa nadama na pagkahilo. Ang isang bote ay nadagdagan dahil kay Thiago na muli siyang sinamahan.
Ang mga mata niya ay natuon sa kama, kung saan natutulog ang kanyang asawa. Hindi niya alam kung dahil sa kalasingan kaya napangiti siya sa nakita. Para siyang pumasok sa makalumang panahon. Pati pala pantulog nito ay vintage na Victorian nightgown. At kung matulog ito ay nakatihaya nasa ibabaw nang tiyan ang mga kamay na magkapatong ang mga palad.
Naisip niya tuloy ang sinabi nang kapatid na si Thiago.
" Tainted her mind, Finn. She's inexperienced. modest and naive. But she will change, pag pinalasap mo sa kanya ang maka mundong mga bagay."
Ipinilig niya ang ulo sa isipin na iyon at pumasok nang banyo upang mag shower. Paglabas niya sumulyap siya kama at ganun pa din ang posisyon nito. Muling sumilay ang ngiti niya sa labi at naiiling na pumasok sa walk-in closet at nagbihis.
Maingat siyang tumabi dito na nasa pinaka gilid nang kama kaya ganun din ang ginawa niya sa kabilang gilid siya humiga. Kahit dalawang tao pwedeng mahiga sa pagitan nila, sa laki nang espasyo sa pagitan nila.
Sumulyap siya dito at sa liwanag nang lampshade nakita niya ang buo nitong mukha. Maganda ang hubog nang mukha nito, kahit ang ilong at labi ay maganda. Ang mata nitong nakapikit ay walang salamin, at kita niya ang makapal nitong kilay.
" Kilay is not your life, huh."
Mahina niyang kausap sa sarili at tumalikod na dito upang matulog.
Hanggang dalawin siyang nang kakaibang panaginip...
Gusto niyang tumakbo pero hindi niya maigalaw ang mga paa. Papalapit na sa kanya ang babaeng lumulutang sa hangin. Mahaba ang buhok nito at nakasuot nang puting Victorian nightgown. Alam niya sumisigaw siya dahil papalapit na sa kanya ang white lady. Hanggang para siyang itinulos sa pagkakatayo dahil lumapit ito sa kanya at nakipag titigan.
Sobrang lapit nito at kitang kita niya ang maputla nitong kulay, habang ni lilipad nang hangin ang mahaba nitong damit.
" Ahhhh!"
Sa wakas, may lumabas ding boses sa kanyang bibig at ubod lakas niyang tinulak ang white lady. Narinig niya ang pag igik nito kasabay nang pagmulat nang kanyang mga mata.
" Damn! What are you doing there?"
Tanong niya kay Ara na nakasalampak sa sahig habang maang na nakatingin sa kanya.
" I'm waking you up, your shouting while you're sleeping ."
Sabi nito na nakangiwi. Bumaba siya sa kama at inalalayan itong tumayo.
" Did I pushed you?"
Tanong niya dito nang makatayo na ito. Bahagya silang nagkatinginan, her eyes as dark as the night contrast sa maputi nitong kulay.
" You didn't mean it."
Sabi nito at umiwas nang tingin. Bumalik sa kama at nahiga, ganun din ang ginawa niya.
" Finn, you should pray before going to sleep so you will not have nightmares ."
Sabi nito at tulad kanila nakatihaya ito at pinagsalikop ang mga daliri sa kamay.
" Yeah, I will."
Mahina niyang sabi at pumikit na din. Muli siyang tumagilid nang higa sa pagkakataon na iyon nakaharap siya dito. Ilang beses pang sumara at pumikit ang kanyang mga mata bago tuluyan siyang makatulog muli.
Paggising niya wala na sa higaan ang asawa. Nanghihinayang siya kasi gusto niya malaman kung hindi nabago ang pwesto nito sa pagkakahiga hanggang magising. Napailing na lang siya sa naisip at bumangon. Matapos mag hilamos at mag toothbrush ay bumaba na siya sa dining area.
" Good morning Kuya."
Nakangiti na bati ni Ezah sa kanya, tinanguan lang niya ito at tumabi siya sa kanyang asawa kung saan may bakante na upuan.
" Buenas Dias, Finn."
Bati sa kanya ni Ara na binati niya sa parehong lenggwahe. Ngumiti ito sa kanyang sagot.
" Kuya we plan to go out shopping. We realized we never held a bachelorette party for Ara, but she refused bar. And we all settled with shopping instead."
Ano pa ba ang aasahan niya?
" No problem."
Matipid lang niyang sabi at nagsimula na siyang kumain. Napansin niya ang pagiging well-mannered nito sa harap nang hapag. Para talaga siyang napasok sa makalumang panahon, idagdag pa ang suot nito na mahabang manggas na blusa at palda. Ang buhok nito ay naka pusod. And as usual, she's wearing big ream eyeglasses.
" Why not go out of the country for a week, Finn. So you two can get to know each other?"
Tanong nang kanyang ama na marahil napansin nito ang kanyang pag sulyap sa asawang kanyang katabi.
Natigilan naman si Ara sa pagkain at sumulyap sa kanya.
" Visit our vacation house in Switzerland, Finn. She will like it there."
Suhestiyon naman nang kanyang ina.Saglit silang nagkatinginan.
" If she agrees, I don't mind."
Sagot na lang niya, dahil ayaw niyang maging uncomfortable ito.
" Yeah. That's a good idea, while I'm still here to stay with, grandma."
Singit ni Ezah, saglit muna natigilan si Ara bago nagsalita.
" I'm okay with it. Maybe it's a good idea."
Sabi nito at alanganin na ngumiti.
" Okay, it's settled then. We will travel before I go back to the Philippines."
Sabi niya, nag usap lang sila nang kaswal sa harap nang pagkain hanggang maka tapos na sila at magpa alam na si Ara na mag hahanda na para sa lakad nang mga ito.
" You will not go with them, Mama?"
" Yeah, I want to bond with my daughters."
Nakangiti nitong sabi.
"Good then."
Sabi niya at nilingon ang asawa na paakyat na nang hagdan.
" Why?"
"I want to change her wardrobe, Mama. Lalo na ang pantulog niya, I got nightmares with her victorian nightgown."
Reklamo niya na tinawanan siya ni Thiago na narinig ang sinabi niya. Hawak nito sa kamay ang panganay na anak na si Tamara.
" Tsked."
" Kami na bahala, Finn."
Natatawa na sabi nang kanyang ina. Si Thiago ay tumabi sa kanya.
" Nothing happened?"
Hindi niya ito sinagot sinamaan lang niya nang tingin.
" I told you, she needs some lovin' to be changed."
Tinapik pa siya nito sa balikat bilang payo. Pero alam niya na inaasar lang siya nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/265406542-288-k960240.jpg)
BINABASA MO ANG
Boss Series 6: Handsome boss and his Arranged Bride
RomanceKris Finn Mondragon Soler volunteered to arranged his marriage after the failed arrangements made with his siblings. Dahil umaasa siya na maging boss nang wine industry kung saan iyon ang hilig niya . At hindi na siya makatanggi nang makatagpo ang...