Chapter 2

6.9K 145 5
                                    

" D- do we have to do, you know?"

Ara is stammering while in the middle of the room. Para itong tuod na nakatayo lang sa gitna habang nakatingin sa kanya. Inayos nito ang salamin sa mga mata at sumulyap sa ginagawa niyang pagtatanggal nang suot na tuxedo na ginamit niya sa kasal.

Sinulyapan niya ito nang saglit, she looks uncomfortable and restless.

" No. Don't worry. I will not touch you unless you want me to."

Sabi niya pero mabilis itong umiling nang sunod sunod. Bahagya siyang natawa sa reaction nito.

" Amm, thank you so much, Finn. They said your kind and it seems they're telling the truth. Somehow, I don't regret leaving the convent to please my parents."

Anito na sa pagkakataon na iyon ay gumalaw na ito at naglakad paupo sa sofa.

" You, yourself is kind and selfless, Arabelle."

" Call me, Ara."

Mababa ang tinig nitong sabi. Tumango lang siya, at pumasok sa walk-in closet para, magpalit nang damit. Dahil alam niya hindi nito gagawin na magpalit nang damit pag nanduon siya.

" Make yourself comfortable here."

Paalam niya matapos makapag palit nang damit. Mabilis niya itong iniwan sa kanilang silid. Pagbaba niya agad niyang hinanap si Thiago.

" Yow, brother. Tapos na?"

Nakangiti nitong tanong sa kanya. Pag sa kalokohan talaga numero uno ito.

" No!"

" Sabi ko nga, she's not your type."

Sabi pa nito na sinamaan niya nang tingin ang kapatid.

" Asawa ko na siya Thiago. Wag mo sana kalimutan."

Madiin niyang sabi na tinaasan siya nito nang kilay.

" Hanggang kelan?"

May pang aasar  pa din nitong sabi.

" If he wants to have the wine factory, he should stay married to Arabelle."

Sabi nang kanilang Lola na nasa gilid nila na naka wheelchair.

" La, ang lupit mo. Hindi pa ba sapat na sinunod ni Finn na pakasalan ang apo nang best friend ninyo? He deserved the factory, besides Ezah has Stan Lee. Kahit hindi siya mag trabaho she can live life to the fullest."

Ani Thiago na nakatikim nang hampas sa mga braso nito mula sa kanilang Lola.

" Nagsalita ang matigas ang ulo. Finn is not like you, Thiago!"

Galit nitong sabi sa kanyang kapatid, kaya tumawa ito at yumakap sa Lola.

" Tigilan mo ako Thiago!"

Pagtulak nito kay Thiago at natatawa naman itong umalis sa pagkakayakap sa kanilang, Lola.

" Ikaw at si Ezah. Pareho lang kayong hindi nakikinig. Mabuti na lang nag mana si Finn sa kanyang papa, masunurin!"

Sabi pa nito kay Thiago at bigla itong sumeryoso.

" Bakit hindi ninyo ihinanap nang katulad ni mama si, Finn Lola?  You know?"

Alanganin nitong tanong, dahil alam nila ang ibig nitong sabihin.

"Lumaki siya sa mga madre at sa loob nang kumbento. Magbabago din siya, at baka sa panahon, na iyon hindi mo siya makilala."

Tumawa si Thiago sa sinabi nang kanilang Lola.

"La, masyado mo naman pinapagaan ang loob ni Finn."

Humawak ito sa kanyang balikat na iwinaksi niya.

" Lumayo ka na nga Thiago. Pinatawad na kita sa ginawa mo pero pag nakikita kita na ha high blood pa din ako."

Pagtataboy nito kay Thiago, na sinunod naman nito matapos humalik sa ulo nang kanilang Lola.

Nang umalis si Thiago, naging seryoso itong humarap sa kaniya.

" Salamat Finn, pinasaya mo akong masyado. I'm not scared to die anymore, parang na fulfilled na ako."

" Don't say that, Lola. Hahaba pa ang buhay ninyo. You can still see your grandchildren from Thiago and Ezah."

Bahagya pa niyang tinapik ang mga palad nitong nasa kandungan nito.

" I want to see your child with Arabelle. Marahil babalik ang Spanish feature sa lahi natin kung ganun."

Sumilay ang ngiti nito sa isipin na iyon.

" Isa din ba iyan sa dahilan bakit gusto mo si Thiago at Ezah na ipakasal noon?"

" Nah. Maliit na dahilan. But thinking about you and Ara having a child excites me."

Sabi nito na nakapag pa lunok sa kanya nang laway. Pina lapit niya ang server at kumuha nang alak sa tray nito at straight na ininom.

" Bring me one bottle of whiskey."

Utos niya sa server na agad tumalima.

" Lola, don't expect grandchildren from us. Hindi pa ngayon, lalo na si Ara she is not ready."

Sabi niya sa kanyang Lola na sana maintindihan nito. Dahil ayaw niya na pressure siya at ang asawa niya.

" Yeah, it's okay I understand Finn. Kilalanin muna ninyo ang isat isa."

Kaya nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito. Natuon naman ang pansin niya kay Ara na lumabas na din nang silid.Mahaba pa din ang suot nitong skirt at mabuti naman three fourth ang blouse nitong suot na as usual lahat nang butones ay nakasara. Ang buhok nito ay nakalugay at ang malaki nitong salamin ay suot pa din nito.

Ginala nito ang mga mata at nang makita nito ang ina ay doon ito lumapit. Nag usap ang mga ito at nakadama siya nang awa nang magsimula itong humikbi.

Kaya umiwas siya nang tingin at pinagtuunan nang pansin ang alak na nasa kanyang harapan.

" Kuya."

Sabi ni Ezah, sabay tabi sa kanya.

" What do you need?"

May ipinatong itong papel sa harap niya.

" My gift."

Nakangiti nitong sabi sa kanya, naiiling na kinuha niya iyon at binuksan.

" Honeymoon trip? At sa beach pa?"

Hindi makapaniwala niyang baling  kay Ezah na nawala ang ngiti dahil sa reaction niya.

" Yeah?! That's a honeymoon destination Kuya. Bora bora."

Nalilito nitong sabi sa kanya, ibinalik niya dito ang sobre.

" Kayo na lang ni Stan ang gumamit niyan."

" Why?"

Nilingon niya ang asawa at ganun din ang ginawa ni Ezah.

" She will not wear a bathing suit, I guessed?"

" Tsk. Judgemental ka Kuya. Kalalabas lang niya nang kumbento kaninang umaga kaya wala siyang pagkakataon to change her wardrobe. Saka hindi din siya dumaan sa parlor."

" She is the girl who doesn't care what she
looks like. Ganyan ang nakikita ko sa kanya. And besides, walang honeymoon na mangyayari sa amin. Takot na nga siya, tatakutin ko pa?"

Muli siyang uminom nang alak, mataman na pinag masdan ni Ezah si, Ara.

" Mukha naman maganda ang katawan niya, she's tall. Ang puti puti pa niya."

Hinayaan niya si Ezah sa pag aaral sa anyo nang kanyang asawa.

" Am maybe she needs, a little makeover."

Natapos ang pag aanalisa nito nang muling bumalik sa kanilang kwarto ang asawa.

Boss Series 6: Handsome boss and his Arranged BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon