" Oh, God!"
Hindi niya alam kung saan hahawak. Matapos sumuka ay nakadama siya nang matinding pagkahilo.
"Jesus Christ!"
Muli niyang usal. Naupo siya sa bathroom tiles isinandal niya ang ulo sa dinding nang banyo. Pumikit siya habang bahagyang nakatingala. Dahil pag tumungo siya pakiramdam niya lahat nang laman nang tiyan niya ay isusuka niya, kasama na ang kanyang lamang loob.
Mabuti na lang hindi hinayaan nang kanyang magulang na mag isa lang siya sa kanilang vacation house na nasa tahimik at isolated na lugar sa Cazorla, south part of Spain kung saan sagana sa forest at rivers.
Isang linggo pagbalik niya saka siya nakadama nang mga sintomas nang pag bubuntis. At totoo ang hinala niya na nagdadalantao siya. Ayaw niyang ipaalam kay Finn, dahil sa honorable itong tao ay pananagutan siya nito.Ngayon lang siya nag mahal at kung maari gusto niya mahalin din siya nang buong puso.
Tumulo ang luha niya nang maalala ang asawa.
Namimiss niya ito, sobrang miss na gusto niya itong yakapin. Baka mawala ang paghihirap niya physically at emotionally." Ano kaya pa?"
Bigla siyang nagmulat sa boses na narinig. Napaawang na lang ang kanyang labi sa bulto ni Finn na halos maukopa ang pinto nang banyo.
" Finn?!"
Sobrang pagkagulat ang kababakasan sa kanya habang nakatingin dito.
" Kaya pa ba? O babalik na lang ako after three months?"
Tanong nito, halata ang tampo sa tinig. Napaiyak na lang siya sa sari saring emosyon. Sa pagka miss dito at takot paano harapin ito. She doesn't want confrontation, not in her state.
" Galit ka."
Sabi niya na humihikbi. Hindi naman sumagot ang asawa at nilapitan siya.Binuhat siya palabas nang banyo.
Maingat siyang ihiniga sa kama, malungkot itong yumukod sa kanya at hinalikan siya sa noo.
" I will call your nurse."
Paalam nito sa kanya at lumabas na ito nang silid. Hindi naman nagtagal bumalik ito kasama ang kanyang private nurse. Matapos tinggnan ang kanyang vitals signs ay inabutan siya nang gamot.
" If you can't accept any food, we have to put IV fluids. You need to hydrate."
Tumango siya, dahil ang pagkain na ihinanda sa kanya ay naisuka niya.
" Thank you, Leticia."
Sabi niya dito, agad naman itong tumayo.
" I will ask Rosa to bring you something to
eat."" Later, Leticia. I will just call you if I need anything. I have to speak to my husband."
Tumango ito at lumabas nang silid.Sumulyap siya kay Finn na mataman na nakatingin sa kanya.
"Finn.."
"Wala kang planong sabihin sa akin?"
Tanong nito, hindi ito lumapit sa kanya. Nanatili ito sa tabi nang kama at ang mga palad ay nasa bulsa nang pantalon.
" I'm sorry."
Mahina lang niyang sabi dito, pinipigilan na mapahagulhol.
" Hindi ko maintindihan kung bakit mo nagawa iyon? Ganyan ka ba talaga kabait? Kahit asawa mo ipamimigay mo? Ako na ama nang anak mo?"
Sunod sunod nitong tanong, sa pagkakataon na iyon naihalamos nito sa mukha ang mga palad.
" Kasi mahal ka niya, until now mahal ka pa rin niya. All these years it's still you Finn!"
![](https://img.wattpad.com/cover/265406542-288-k960240.jpg)
BINABASA MO ANG
Boss Series 6: Handsome boss and his Arranged Bride
Roman d'amourKris Finn Mondragon Soler volunteered to arranged his marriage after the failed arrangements made with his siblings. Dahil umaasa siya na maging boss nang wine industry kung saan iyon ang hilig niya . At hindi na siya makatanggi nang makatagpo ang...