Chapter 12

4.4K 123 6
                                    

Isang araw lang ang itinigil niya sa Barcelona at babalik na siya sa Pilipinas kinabukasan.

" I will learn Tagalog. And if I can speak your language. I will visit you there."

Sabi ni Ara habang tinutulungan siya nitong mag empake nang kanyang mga damit.

" Okay, I will wait for you there. In the meantime, stay here with grandma and Ezah."

" Can I visit the convent once in while? All my friends are there."

Paalam nito sa kanya, tiningnan niya muna ito nang nanunuri bago siya sumagot.

" But you will not enter in the convent to continue your vocation?"

" I can't, I already marry you. Besides I'm already tainted. I will miss your kisses for sure."

Hinawakan niya ito sa balikat at ihinarap sa kanya. Ang babae na limang araw hanggang isang linggo yata ang buwanang dalaw.

" Good. I will surely miss you, wife."

At hinalikan niya ito. Kung may bagay man na nakasayan nito ngayon ay ang kanyang paghalik halik dito.

Yumakap ito sa kanya matapos niyang halikan, siya naman ay natatawa na hinalikan ito sa ibabaw nang ulo.

" Just say it, wife."

Kumbinsi niya dito dahil alam niya na may gusto itong sabihin.

" I will miss you, Finn."

Sabi nito na ang mukha ay nakasubsob sa kanyang mga dibdib.

" Me too, wife."

Hanggang makasakay siya sa eroplano ang maamo at naiiyak nitong mukha ang pumapasok sa isip niya.

Kailangan niyang ayusin muna ang mga bagay bagay. Ngayon na may asawa na siya, kailangan na niyang mag plano para sa kaniyang magiging pamilya.

Naiiling na lang siya sa isipin na pumunta siyang binata sa Spain at bumalik siyang may asawa.

"Bro, how's your honeymoon?"

Tanong sa kanya ni Thiago, alam nito ang kanyang dating kaya ito ang sumundo sa kanya.

" Wag mo akong simulan Thiago."

Sabi niya dito kaya tumawa ito nang malakas.

" Still not tainted ha? Ikaw din baka bumalik iyon sa kumbento. Hindi mo pala napatikim nang luto nang Diyos."

Sinamaan niya ito nang tingin.

" Stop teasing me Thiago."

Napapagod siyang sumandal at pumikit ang mga mata.

" What's your plan? LDR? How you will survive? Pwede siguro siya, how about you?"

" C'mon, Thiago. Hindi naman taon kami hindi magsasama. After I settled everything here, pwede siyang pumunta dito."

Minabuti niyang sagutin ito at hindi din naman siya titigilan.

" Honestly bro, bilib ako sa iyo. Nagawa mo ang hindi ko nagawa noon."

Seryoso nitong pahayag habang nasa kalsada ang tingin.

" Why? Nagsisi ka ba na hindi mo sila sinunod?"

" Hell! No! Wala akong babaguhin. Buhay pa din ako ngayon dahil kasama ko si Maria. She's my life and our princess Tamara."

Kumislap ang mga mata nito at sumilay ang mga ngiti sa labi.

" Iyan, iyan ang dahilan kaya pumayag ako sa arranged marriage. Ayaw kong makita ang sarili ko na halos mabaliw sa babae. At least for us, walang gaanong emosyong involved."

Boss Series 6: Handsome boss and his Arranged BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon