LOUISE P.O.V
pagkahatid ko kay sandy dumeretsyo na din ako sa bahay namin. pero dumaan muna ko sa krispy kreme para bilihan sila ng pasalubong.
" maaaaaaaa!!!!!" sigaw ko sakanila
lumabas naman mga pinsan ko andito din pala sila
"oy pinsan. pogi na natin ah. bigla ka nlng nawala eh. namiss ka namin" sabi sakin ng mga pinsan ko.
nagkwentuhan pa kami tska ko naalala si mama
"teka si mama pala ?" tanong ko
"ah si tita. umalis pero pabalik na din yun kaya andito kami para may mag bantay sa bahay " sabi sakin
"saan naman pumunta ?" tanong ko kasi di naman madalas umaalis si mama kung di importante eh
"alam ko may inaasikaso siyang business e nasa bahay ata nila tita es" sabi nila. hala sana dun nlng din pala ko tumuloy para sama sama na kami.
nakita nila pasalubong ko at agad naman nila kinain loko tlga to.
maya maya andito na si mama.
kiniss ko siya at nagulat bakit andito daw ako.
"eh umuwi ako bawal ba. tska ma andun din si sandy sakanila ah diba dun ka galing ?" takang tanong ko kay mama
"ah oo. pero kanina pa yun tapos may dinaanan ako ka business partner." sabi ni mama
ayun pumasok na kami at sabay sabay kumain. di ko maintindihan si mama medyo matamlay siya.
" ma okay ka lang po ba ? bakit parang di ka masaya umuwi ako. isa pa di mo ba ko namiss kanina pa kita nahahalata eh" sabi ko kay mama
"baby syempre namiss kita no. namiss ko kaya binata ko hehe." biro ni mama pero bigla din siya napasimangot.
"maaa! cge mang asar pa. " biro ko nlng kay mama para sumaya nlng siya. soon kwekwento niya rin sakin yan.
"ah. baby. kamusta na pala kayo ni sandy? " tanong niya bigla
"okay naman ma. " yun lang nasabi ko di ko alam paano ko sasabihin na kami na ni sandy. tska yung tungkol ko sa pag aartista.
"baby wala ka bang ibang sasabihin sa mama mo" sabi niya feeling ko may idea na siya. ayoko naman mag sinungaling isa pa alam niya naman na mahal ko si sandy e.
"ahm. ma. di ko alam paano to uumpisahan eh. basta pakinggan mo muna ako ha." tumango naman si mama
"alam ko medyo may nag bago satin. simula umalis si sandy papuntang france nag bago ako. alam ko ma iniintindi mo lang ako nun para di ako ma depressed. pero kasi ano ma." di ko alam paano ko itutuloy.
natahimik ako bigla. huminga muna ko ng malalim para humugot ng lakas. pero tunapik niya balikat ko.
"kayo ni sandy. baby mahal mo ba talaga siya ? " bigla niyang sabi sakin.
"maaa...." yun lang nasabi ko sakanya
"baby. anak kita. alam mo yan. lumaki ka na pinsan ang mga kasama mo at si sandy. nung una napansin ko na sayo yan. akala bestfriend lang. siguro ganyan ka lang ka alaga sakanya dahil wala kang kapatid. pero simula umalis siya. nag iba ka. kahit sa ayos mo. di mo pa sakin sinabi na naging girlfriend mo si faye. anak. bakit ?" sabi ni mama at umiiyak siya
"kasi mahal ko siya ma. di ko alam. alam ko naman na babae pa din ako eh." sabi ko kay mama nahihiya din ako sakanya
"baby. kung kayo ni sandy kayo talaga. alam ko mahal mo siya. nanay mo ko at di naman ako pwede mamili kung sino mamahalin mo. kilala ko si sandy para ko na din siyang anak. ayos lang sakin maging kayo kung saan kayo masaya. kaso anak. mahirap harapin yung ganyan lalo na sa ibang tao" sabi ni mama
"i know ma. pero sabi mo nga diba sino ba ang nagmamahalan. kaming dalawa. and so what kung di kami tanggap ng ibang tao. ng mundo ! all we i know is we love each other. husgahan nila kami i dont care. basta nagmamahalan kami ma. sorry" sabi ko kay mama at niyakap niya naman ako.
"i understand anak. ganun mo talaga siya kamahal. kelan mo balak sabihin sa mga pinsan mo ? isa pa si faye ?" tanong sakin ni mama. di ko din alam kung paano sasabihin sa mga pinsan ko.
nakita nila ko gupit lalaki na at medyo kilos lalaki na. alam ko may idea na sila. pero paano nga ba ? kung sasabihin ko yung nagpatiklop sakin is yung kababata namin. haaays hirap naman nito.
"di ko pa alam ma. si faye ayos naman kami. di ko ginamit si faye ma. pero di ko din siya minahal. sa puso ko si sandy lang minahal ko. kaibigan lang tingin ko kay faye. siya lang andyan kasi nung time na wala ako sa sarili." explain ko kay mama.
maya maya pumasok na din kami sa mga kwarto namin at mag pahinga na din.
bukas alam ko mag bobonding kami kasama pamilya nila sandy. di ko pa pala siya nakakausap.
______________________________________________
SANDY P.O.V
pagkatapos namin kumain kinausap ako ni papa.
"iha. di ako makapaniwala ang ganda ganda mo na. anak nga talaga kita" namamangha pa din si papa sakin
"matagal niyo na po kasi ako hindi nakikita papa. " sabi ko kay papa dumating din si mama siguro tapos na siya mag ayos sa kusina.
"anak. di ko pala nasabi sayo dumating papa mo" sabi sakin ni mama
sa totoo lang ako dapat mag susuprise pero ako pala ang na suprise.
"oonga mama eh. nakakainis di niyo sakin sinabi ." sabi ko kay mama
"busy ka kasi anak. isa pa nasa hospital ka nun. sorry anak di na ko nakapunta alam ko naman andun si louise para alagaan ka." hays alam ko naman yun busy si mama sa business niya pero naiintindihan ko naman.
si papa napatingin sakin
"anak. sabi sakin ng mama mo super successful ka na daw sa business mo. artista ka na nga din daw dati pa model model ka lang. good job anak. mana ka sa papa mo" sabi ni papa sakin
"syempre pa. ay ma si louise at ash yung nagpatuloy at tumingin tingin sa business ko nung oras nasa hospital ako" pagbibida ko kay mama
nagkatinginan naman si mama at papa.
"ahh yun nga anak. kaya din umuwi ang papa mo kasi ....." di na napag patuloy ni mama. feeling ko may problema
"gusto ko sana anak. ibigay muna kay louise yung business mo sa france at samahan mo ko sa singapore." pagpapatuloy ni papa.
nagulat naman ako dahil bago palang kami ni loyise maghihiwalay na kami agad. kilala ko si papa sigurado itutok na niya ako sa business namin. mawawalan ako ng time.
"pero paa. magkakalayo kami ni louise. isa pa ako nag hirap sa business na yun !" di ko mapigilan ang hirap kasi
" i know anak. pero panandalian lang naman. isa pa after 18th birthday mo dadalihin na kita sa singapore. kailangan mo na makilala ang mga business partner natin ikaw din hahawak nito pag matanda na kami ng mama mo. bata pa yan kapatid mo kaya di ka pa niya matutulungan" explain sakin ni papa
"pag iisapan ko pa. tulog na po ako" malungkot kong sabi kay papa
"anak hindi ganun yun you need to be sure. isa pa yung bestfriend mo hindi na siya bago sakin. alam ko maalagaan niya yung business mo kaya nga siya ipaghahandle ko dun. magkikita din naman kayo nun soon. lagi na lang kayo magkasama"
sabi sakin ni papa. tumango nlng ako at pumasok sa kwarto feeling ko wrong timing sabihin kila mama yung tungkol samin ni louise.
tinignan ko yung phone ko walang message. siguro busy yun kausap mama niya.
_______________________________________________
BINABASA MO ANG
UNLOVE YOU (book 2 of HIY)
Romancehi. ito na yung book 2 ng HAPPINESS IS YOU. sabi nila walang forever. magbrebreak din yan. sa fairy tale laging happy ending. kay louise at sandy ba magiging happy ending din ? eh hindi naman sila fairy tale. read and be love.