chapter 39

6.3K 177 28
                                    

A/N: alam ko matagal niyo na tong inaantay. sorry guys. kailangan ko pa siyang basahin ulit para masundan. so ito na sana magtuloy tuloy na pag u-update ko. :) thankyousomuch sa lahat ng nag vote , comment at message sakin. so much appreciated.

_________________________

LOUISE P.O.V

simula nung umalis ako. kinausap ko si jenny at pumayag ako sa alok niya.

andito na ko sa batanes 2 days na.

pinili ko to dahil ayoko na pareho kaming masaktan.

alam kong masasaktan lang ako kapag naabutan ko pa siyang ikasal. kapag nakita ko pa siya pag gising at sasabihin niya lang mag bestfriend kami. ayoko umalis pero siya na din nagsabi.

pinagsisihan niya lahat ng meron samin.

at ayoko na marinig pa na pagsisihan niya rin yung nangyari samin.

mas okay na umalis ako na puno ng pagmamahal niya ang nararamdaman ko. pagod na din ako masaktan.

"hindi naman pwede mag mukmok ka lang dyan" nakatulala lang ako sa dagat habang kinakausap ko sarili ko ng may nagsalita.

"m-misty...." saglit akong napaisip

"pinapunta ako dito ni jenny. hindi mo naman kailangan mag suffer ng ganyan. andito naman ako louise." sabi ni misty at niyakap ako

di ko na kinaya at nag umpisa na kong umiyak.

______________________________________________

MISTY P.O.V

kinausap ako ni jenny nung araw na tinanggal niya si louise sa trabaho.

nagkita kami sa restaurant nun kinabukasan at sinabi niya sakin lahat.

jenny loves sandy so much. desperada din pala yung babaeng yun kung makasabi siya sakin dati.

napagkasunduan namin na babantayan ko si louise at tulungan ko ipakalimot sakanya si sandy.

syempre pumayag ako ito naman matagal ko ng ginugusto eh.

may contact ako kay jenny para sabihin sakanya kung sakali may biglang problema.

after 2 days sinundan ko na din si louise sa batanes.

naabutan ko siya nakatulala sa harapan ng dagat.

hindi na niya napigilan at umiyak na siya sakin.

for me this is it. ito na yung oras para samin.

niyakap ko siya at hinayaan umiyak.

"ibuhos mo lahat yan. pag katapos nito hindi na kita hahayaan iparamdam yung sakit na yan." sabi ko sakanya

iyak lang siya ng iyak hanggang inabutan na kami ng papalubog na araw.

nagyaya na ko pumasok sa rest house para makapag pahinga na din siya.

pag pasok ko dumeretsyo na siya sa kwarto.

hinayaan ko muna siya at nagluto ako ng pagkain.

sabi ni jenny wag ko muna pilitin sarili ko kay louise at kuhain ko muna loob niya. kaya kahit gustong gusto ko na siyang awayin dahil kaka drama niya hindi ko magawa.

pag kaayos ko ng pagkain pinuntahan ko siya sa kwarto.

"kain ka na. sigurado hindi ka pa kumakain." aya ko sakanya

"ayoko wala akong gana." walang gana niyang sabi

"wag mong sabihin hindi ka pa kumakain simula nung dumating ka dito ?" bigla kong tanong sakanya

bigla naman lumiwanag ang mukha niya at tumayo sa hinihigaan niya.

"SANDALI !!! paano mo nalaman na andito pala ako." bigla niyang sabi sakin.

bigla tuloy ako napatulala mukhang galit na hindi mo maipinta ang mukha niya

"ahhh! si jenny." bigla niyang bawi at humiga ulit.

medyo nakahinga ako ng maluwag.

"so hindi ka pa nga kumakain ! ano ka ba ! tanga magpapakamatay ka ba ?!" sabi ko sakanya na painis

nakakainis tignan mo sandy ginagawa mo kay louise. kapal talaga ng mukha ng babaeng yun bwisit.

"pwede misty. wag mo kong pakielamanan. umalis ka na at isarado mo yang pinto" galit niyang sabi

nakakatakot siya ngayon kaya wala na kong nagawa at umalis.

_____________________

habang tumatagal lalong lumalala si louise. minsan napapakain ko siya pero madalas matigas ulo niya.

lagi na siyang nakatulala at parang wala sa sarili.

hanggang isang araw mas nauna siyang nagising sakin at nakatanaw na sa dagat.

nakangiti.

"oh ! para ka namang baliw diyan ? ano ihip ng hangin ?" sabi ko sakanya paglapit ko.

"wala lang." sabi niya at tuloy ang pag ngiti niya na parang nababaliw.

"ano nga kase !!" pangungulit ko sakanya sobrang curious tuloy ako

"ngayon kasi ikakasal yung taong pinakamamahal ko." sabi niya sabay ng pagbagsak ng luha niya

bigla akong nasaktan hindi ko alam bakit pero dapat masaya ako diba.

"at ito na rin yung huling ngiti ko na maibibigay sakanya alam mo ba yun." sabi niya at tuluyan na siyang umiyak habang nakangiti.

sobra kong naawa sakanya.

bakit si sandy pa.  simula dati ako naman nauna nagmahal sakanya.

sobrang sakit pala yung makita mo yung taong mahal mo na nasasaktan sa taong mahal niya.

_______________________________________

UNLOVE YOU (book 2 of HIY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon