LOUISE P.O.V
pagkatapos namin kumain naupo ako sa sala at si tita es. si mama naman nag ligpit na ng pinagkainan.
nagpapakiramdaman kami ni tita es kung sino una mag sasalita.
"uhm. iha sorry ha" paumpisa ni tita es
di ko alam kung bakit bigla siya humingi ng tawad.
"ah tita. para saan po ?" sabi ko kay tita
tumingin naman siya sakin
"kasi pinaglayo namin kayo ni sandy." sabi niya at yumuko ulit
"a-ayos lang po. n-naiintindihan ko naman po. hindi naman to normal na relasyon." sabi ko ng maiyak iyak
sa totoo lang masakit sa kalooban ko
"buti naman iha naiinintidhan mo. gusto namin bigyan na normal na buhay ang anak namin. mag kapamilya at mag kaanak. pero alam ko na di ka pa din mawawala sa buhay ng anak ko. ikaw pa din ang bestfriend niya" sabi sakin ni tita es
masakit lang kasi hanggang dun lang pwesto ko sa buhay ni sandy. hindi ko alam kung matatanggap pa nga ba ako ni sandy bilang isang bestfriend niya
"a-ayos lang po t-tita" sabi ko
"kaya gusto sana namin ng asawa ko na kunin ka namin bilang best man. sa totoo lang gusto ko talaga ikaw brides maid ni sandy. kaso gusto daw ni rae maging best man ka niya dahil lalaki ka dw nung una ka niyang nakita" sabi sakin ni tita
dun ako nagulat si RAE !
"tita si RAE PO! i mean si rae po ang pakakasalan ni sandy" tanong ko na kinagulat ko
tumingin naman siya sakin
"sa totoo lang di pa alam ni sandy yun. alam namin di siya papayag pero si rae lang makakapag bigay ng anak at kasal sakanya. isa pa si rae ang business partner niya sa showbiz mas makakatulong sakanya para sa buhay niya." paliwanag ni tita
dun ko na di napigilan di umiyak. masakit kasi di ako isang lalaki.
nagkakilala kami bilang isang parehong babae. bakit di ba ko naging isang lalaki.
sana ako yun makakapag bigay sakanya
"i-iha? ayos ka lang ba." tanong sakin ng mama ni sandy
nakatulala pala ako at umiiyak
"s-sorry po tita. pero bakit best man ako samantalang babae ako" sabi ko kay tita es
"sa totoo lang gusto ka namin ng asawa ko maging brides maid ng anak namin. pero si rae gusto ka niya gawing best man sa araw na yun. gusto niya makita ng lahat na ikaw na nagpupumilit mag paka lalaki laban sa tunay na lalaki ang pinili ni sandy ang tunay na isang lalaki. sorry iha. alam ko masakit pero kung ayaw mo ayos lang maiintindihan namin. yun lang kasi naging kahilingan ni rae samin. pasensya na iha" paliwanag ni tita es
walang hiyang rae na yon. hanggang ngayon yun parin gusto niya iparating.
oo masakit. di ko kaya. para ko na rin sinasak sarili ko.
makita ko yung taong mahal ko ikakasal.
dahan dahan akong pinapatay
"pasensya na tita pero di ko matatanggap" sabi ko kay tita at inabot ko yung tuxedo na bigay niya
"hindi iha. sayo na yan. baka sakaling mag bago isip mo sa araw ng kasal ng anak ko isa pa regalo ko na yan sayo. salamat sa pang uunawa louise" sabi ni tita at binalik
naalala ko yung singsing
"ah! tita yung singsing pala paano ?" tanong ko nahihiya ako tanungin kaya medyo alanganin tanong ko
"ah yan ba anak. nakita ko sa kwarto yan ni sandy nung araw na bumalik siya sa singapore. tinawagan ko siya sabi niya lang ipabigay ko sayo kahit yan na lang dw maging alaala niya" sabi ni tita
yumuko ako at umiyak.
naramdaman ko na lang lumabas si mama sa kusina at papunta na dito kaya agad ako nag paalam sakanila at umakyat na ng kwarto.
______________________________________________
ASH P.O.V
tinawagan ako ni louise nagulat ako nag yaya siya ng mag inom.
kaya andito siya ngayon sa condo ko.
"tara!" sabi niya sabay taas ng dala niyang alak.
"sigurado ka bakit ? " tanong ko sakanya
"si rae." sabi niya sakin di ko naman maintindihan
"si rae ? yung artista na kapartner ni sandy bakit anong ginawa niya ?" tanong ko sakanya
"ikakasal na sila ash...ikakasal na" nanghihina niyang sabi na kinagulat ko
"si rae ? bakit si rae ? akala ko si jenny ?" tanong ko
"si rae ang makakapag bigay na maayos na buhay kay sandy , mapapakasal , makakapag bigay anak" parang walang buhay na sabi ni louise
tinabi ko yung mga alak na dala niya at niyakap ko siya hanggang tumahan.
at natulog siya dito sa sofa.
mas okay na muna matulog siya para makapag pahinga kesa uminom.
galit ako kay sandy dahil sa naging ugali niya at pinapakita niya ngayon.
pero kailangan ko siya makausap ngayon.
_______________________________________________
BINABASA MO ANG
UNLOVE YOU (book 2 of HIY)
Romancehi. ito na yung book 2 ng HAPPINESS IS YOU. sabi nila walang forever. magbrebreak din yan. sa fairy tale laging happy ending. kay louise at sandy ba magiging happy ending din ? eh hindi naman sila fairy tale. read and be love.