SANDY P.O.V
umalis na ko dahil di ko na kakayanin.
pag dating ko dito sa hotel andun pala sa lobby sila ash , drix , jasmine , barbie , faye , sunny at jenny
lumapit sila sakin at niyakap ako.
shit lang. di ko napigilan lalo akong umiyak.
sabi ko sakanila gusto ko muna mapag isa.
umakyat ako sa room ko at nagkulong ako.
tinignan ko yung hawak ko. ang singsing dun sa kwintas.
bago ko ito ibato tinanggal ko yung singsing.
kahit wala na kami. kahit tapos na kami.
the promises of love na andito pa din.
kahit papaano naging masaya ako sakanya.
umiyak lang ako ng umiyak.
hindi na ko matutulog madaling araw na at tulog na siguro sila. nag ayos ako at lumabas ng kwarto.
umuwi ako sa condo namin kung saan nag umpisa lahat.
inayos ko lahat ng gamit ko dito kinuha ko at kahit ano walang matitirang alala namin.
yung mga pictures tinapon ko at susunugin ko na lang mamaya.
lahat naka ayos na.
matutulog muna ko sandali dito at uuwi ako sa bahay para kausapin si mama.
nakatulog ako sa kwarto ko .
pagkagising ko nakaramdam na lang ako ng may nakayakap sa likod ko.
_____________________________________________
LOUISE P.O.V
hindi ko na mahanap yung kwintas. si misty pinapasok na din ako sa hotel.
nakasalubong ko sila ash.
"sorry..." yun lang ang nasabi ko sakanila
at pumasok na ko sa kwarto ko...
iyak lang ako ng iyak ayoko muna kausapin si misty.
maya maya lumabas ako para magpahangin sa dagat.
paglabas ko nakita ko si sandy papasok sa isang sasakyan at umalis.
tumingin ako sa dagat.
sandy. wala na ba talaga ? bakit ganyan ka. bakit hinayaan mo kong sumuko. bakit di ka lumaban sakin.
bakit sumuko ka din. ako ? ngayon lang ako sumuko pero sinukan mo pa din ako. kelan mo naman ba ko ipaglalaban. kelan yun sandy ?para kong tanga nagsasalita mag isa.
ramdam ko yung luha ko sa mga pisnge ko.
maya maya tumayo ako susundan ko siya.
hindi ko alam kung saan siya pupunta.
pumasok ako sa lobby at hinanap ko si sunny.
nagulat siya pero agad naman niya ko pinaheram ng susi ng van na sinakyan namin.
alam ko di kami magkakilala o mag ka close man lang. pero hinayaan niya din ako.
agad ako sumakay ng van at nag drive una kong pinuntahan yung bahay nila.
pero walang sasakyan sa tapat ng bahay nila.
pumunta ako sa KH♡ shop niya pero wala din siya dun.
baka nasa bar siya. kaya pinuntahan ko yung resto niya pero wala din.
mag uumaga na di ko pa din siya mahanap.
pabalik na ko ng maalala ko yung condo namin. baka andun siya
kaya agad ko pinuntahan. tama nga ako nasa parking lot yung sasakyan niya kanina.
agad ako pumunta sa room namin.
buti may sariling susi pa din ako nito.
pag pasok ko nakita ko siya sa kwarto nakahiga natutulog. pero nakita ko niligpit niya lahat ng gamit niya.
yung mga pictures nasa isang plastic bag na din.
timabihan ko siya at niyakap.
"please don't leave me. ayoko ng mawala ka" at nag umpisa na kong umiyak.
di ko namalayan nakatulog na din pala ako.
nagising lang ako nung gumalaw siya
"anong ginagawa mo dito ?" tanong niya sakin
namiss ko to namiss ko ang labi niya kaya di na ko nagsalita at agad ko siyang hinalikan.
di na siya naka angal dahil pinatugan ko agad siya at hawak ko ang dalawang kamay niya.
i miss her. her lips . her kisses.
ayaw niya gumanti sa mga halik ko. pero patuloy pa din ako sa paghalik.
maya maya naramdam ko luha niya.
kaya tumigil ako at umangat nakikita ko siyang umiiyak.
tumayo ako at sinuntok ko yung pader. nag umpisa na rin akong umiyak.
"sorry sandy. sorry " yun lang ang nasabi ko at pinag susuntok ko yung pader.
bakit ba ko nagkakaganito di ko man lang siya nirespeto.
______________________________________________
BINABASA MO ANG
UNLOVE YOU (book 2 of HIY)
Romancehi. ito na yung book 2 ng HAPPINESS IS YOU. sabi nila walang forever. magbrebreak din yan. sa fairy tale laging happy ending. kay louise at sandy ba magiging happy ending din ? eh hindi naman sila fairy tale. read and be love.