chapter 47

5.4K 165 46
                                    

SANDY P.O.V

pinauwi nila ko para daw makapag pahinga ako.

narito ako sa kwarto ni louise.

sa totoo lang hindi ako mapakali.

kanina habang nasa byahe kami. kinausap ko si barbie.

na dalihin niya ko sa bahay nila louise.

pero andito ako ngayon sa isang condo unit.

puro pictures namin magkasama.

yung color puro blue.

pumasok ako sa isang kwarto may mga album at picture frames dun.

ang daming pictures.

tinignan ko isa isa.

unti unti na bumabalik ang ala ala ko.

habang inaayos ko lahat ng gamit may bigla akong nakita.

ang ganda ng libro.

pag buklat ko nakita ko lahat ng pictures namin lahat ng nangyari samin simula mag bestfriend kami na andun. at nakasulat dun.

nakita ko pa sa isang page yung pag sali namin sa isang beauty contest. at ako ang nanalo dito.

ang cute niya tignan sa mga pictures.

tinabi ko to binuksan ko yung isang kabinet.

at may nakita akong stuff toy na puppy.

ohmygosh ang cute cute nito.

hindi ko sinasadya may napindot akong button.

hi. darling. sorry di ako nakapag paalam. siguro si lacey nagbigay nito. oonga pala. alam na ng family ko yung tungkol satin. ahhhmm. basta ha. alagaan mo lagi sarili mo. sorry kung di ako personal na nakapag paalam. kung gugustuhin mo kong kalimutan. i'll accept it. dahil ako naman ang nangiwan. kung gusto mo ko palitan tatanggapin ko. dahil ako naman yung umalis. kung gusto mo magmahal ng iba. wala akong magagawa dahil ako naman ang nakasakit. pero sa ngayon all i know is i love you so much. simula nakilala kita ikaw lang minahal ko. sorry kung ang bilis ko sumuko. just always remember i will always love you. someday magkikita tayo pareho tayong magkaiba na. someday ikaw pa din ang mahal ko. at ang mamahalin ko.

dito na lang.
love sandy.

then may nag play ng music.

hindi ko pala napansin tumutulo na ang luha ko.

dito. dito nag umpisa yung pagkasira ng relasyon namin.

pumikit ako habang pinapakinggan ko yun kanta.

bumalik na alaala ko lahat.

simula sa pagiging magkasama namin sa isang condo, sa pagselos ko sakanila ni chad. sa pag punta ko ng france , sa pagiging artista ko, sa pag a-apply niya bilang secretary ko, sa nalaman ko nag girlfriend siya, sa pag gugupit niyang lalaki at ayos niyang lalaki, sa pag seselos niya kay rae, sa pagbalik namin dito, sa pag punta ko ng singapore , sa usapan namin ni papa , sa pagtutol nila samin ni louise. at sa pagpapakasal sakin ni papa.

ang dami na. lahat ata ng problema naharap na namin ni louise.

do you still love me louise ?
do you still believe in love ?
do you still want me babe ?

inaaalala ko ang mukha ni louise.

toktoktok

bigla ako napamulat at nakita ko si barbie nasa harapan ko.

"girl! what happen you're crying na naman.shhh stop it na. you're so ugly na ohhh look." sabi ni barbie

"barbie..." niyakap niya ko

"naaalala ko na lahat. lahat lahat barbie." sabi ko sakanya at umiiyak pa rin ako

"greattt!!!! tumawag sakin si ash gising na daw si fafa louise mo." sabi niya sakin at hinigit ako patayo

pero tumigil ako

"whyyyy girl ? ito na oh yung love story niyo tuloy na tuloy na lets go!!!!" sabi ni barbie na excited

"barbs. natatakot ako. hindi ko kaya. hindi ko alam ? mahal pa ba niya ko ? paano kung ayaw na niya sakin ? hindi ko na kaya. masakit barbie. paano kung si misty ang piliin niya. barbie paano kung ayaw na niya sakin ?" sabi ko sakanya

hindi ko mapigilan na hindi mag isip.

paano nga kung ayaw na niya sakin.

"sandy, bilang isang kaibigan mo ito lang sasabihin ko sayo, pareho kayo nag sacrifice, pareho kayong nahirapan, pareho kayong nasaktan, pareho kayong lumaban, pareho kayong marami pinagdaanan. sandy kasama mo kami at alam namin lahat ng nangyari sainyo. pareho ko kayong kaibigan pero sana this time sandy ikaw naman magtanggol sainyo. alam namin kung ano pinaghirapan mo. pero mahal mo siya diba ? kahit ano ka pa, kahit na pumatol ka sa kapwa mo hindi ka namin hinusgahan kasi alam namin diyan ka sasaya. kaya wag mo na pahirapan pa puso mo, ang dami niyo ng pinagdaanan. ngayon ka pa aatras ? ngayon ka pa susuko ? wag sandy. kasi once in a lifetime lang itong chance na to. sa dami nangyari sainyo ito pa rin oh pinagtatagpo pa rin kayo. wag mo hayaan sabihin diyan sa puso mo na hindi mo na mahal si louise.wag mo hayaan na itatak mo diyan sa puso at isipin mo yung salitang UNLOVEYOU LOUISE. pwede ? wala naman mawawala eh. oo kailangan natin maging handa kasi pwede sumuko si louise. pero naisip mo ba na kung paano ka niya harapin yung mga panahon na ikaw yung sumuko ? sandy this time ikaw naman."

mahabang paliwanag ni barbie

oo tama siya. si barbie yung kaibigan kong bakla, bading, gay. siya yung pinaka palabiro sa barkada. siya yung laging walang kwenta na sasabi.

pero ito siya ngayon.

nagsasalita sakin. tama siya eh.

minsan lang maging seryoso si barbie.

ano ba ? end na ba ? unlove you na ba ?

"no! i mean. you're right barbs. tama na yan tara na inaantay na ko ng darling ko." yaya ko kay barbie

pabalik na kami ngayon sa hospital

marami akong iniisip.

marami pwede mangyari.

pero hindi ! hindi ako susuko this time.

dahil si louise.

kahit kelan HINDI NIYA KO SINUKUAN.

"bakla! umayos ka diyan. mukha kang ewan ako kinakabahan sayo eh!" reklamo ni barbie

paano kanina pa ko hindi mapakali dito

"barbie...." tawag ko sakanya

"sshhh!!! ayoko nyang sasabihin mo! wala ng atrasan to. let's go sago!" sabi ni barbie

at tumigil ang sasakyan

hindi ko namalayan na andito na agad kami.

naglalakad kami papunta sa private room.

sabi ni ash inilipat na daw si louise sa private room.

papalapit ng papalapit lalo akong kinakabahan.

nagpapawis ang mga kamay ko.

nanginginig ang mga tuhod ko.

"barbie..." tawag ko ulit sakanya

"shh! say it. kung ano ang nasa puso mo! hindi mo dapat itago yan! wala ka dapat ikatakot. kasi mahal mo. goodluck girl. dito na tayo" sabi ni barbie.

at kumatok na ko at binuksan ko ang pinto.

_________________________________________

A/N : HAHAHAHAHAHAHA GUYS! CHAROT LANG YUN. KASI ALAM KO MASUSUNDAN KO AGAD YUNG CHAPTER :)

MAGKIKITA NA SILAAAA.

Excited. ????

UNLOVE YOU (book 2 of HIY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon