KELLY P.O.Vumayos na ulit heartbeat ni louise.
andito kami ngayon sa loob at binabantayan siya.
si sandy di pa rin tumitigil sa pag iyak.
"pinsan tahan na. gagaling din siya ha." sabi ko sakanya at yakap yakap siya sa likod
"babe? hahaha. yah!........
babe. hindi ko alam kung saan ko narinig yun. pero nung sinabi ko sakanya bumalik sa ala ala ko kung paano kami maghabulan nuon at tawagin niya akong babe." sabi ni sandysa totoo lang hindi ko alam na yun pala tawagan nila.
pag nagkwekwento naman kasi sila ash hindi ako makarelate dahil hindi naman kami magkakasama nuon.
ang naikwekwento ko lang nung mga bata pa kami.
pag sila ash ang nagkwekwento ang sinasabi lang nila na kumakanta sila bilang isang band.
" sorry pinsan. hindi ko alam, wala rin kasi akong alam tungkol sainyo ni louise. umalis ako nung namatay si jerome. nung dapat ikakasal ka tsaka lang ako bumalik." sabi ko sakanya
"ikakasal ? kanino ako dapat ikakasal ?" takang tanong niya sakin
ang hirap ikwento hindi ko alam kung paano sisimulan.
huminga ako ng malalim
"pinsan, ang dami ng nangyari sayo nung nagkahiwalay tayo nung bata pa tayo, hindi ko alam paano sisimulan. hayaan mo maalala mo lahat. sorry pinsan." sabi ko sakanya
tumango lang siya at yumuko.
"pinsan umuwi ka muna para makapag pahinga ka na rin. pinasundo kita dito kila barbie." sabi ko sakanya at tumango siya
ilang saglit lang din na andito na sila.
si ash naiwan dito sa hospital para mag bantay. si sandy sinama na nila barbie.
"ano nangyari ?" tanong ni ash
nag umpisa na rin ako ikwento sakanya yung mga pangyayari.
"tinawag ni sandy si louise na babe ?" tanong ni ash
"nakikinig ka ba talaga sa kwento ko?" sabat ko sakanya
"ay sorry. pero kelly kung tinawag niya si louise na ganun ibig sabihin bumabalik na alaala niya." sabi ni ash
"siguro nga. hindi ko alam. kanina rin kasi sinabi niya sakin yun. hindi ko naman alam na yun pala tawagan nila." pagpapaliwanag ko
tumango lang ito at tumayo para makalapit kay misty na nasa gilid ni louise
"misty magpahinga ka na rin kaya. kami na muna bahala dito." sabi ni ash kay misty
________________________________________
ASH P.O.V
kahit papaano may improvement naman si sandy.
wala ako dun sa pangyayari. pero ramdam ko kung gaano kasakit kay sandy yung mga sinabi niya.
puso mismo ang naglalapit sakanilang dalawa.
naawa ako ngayon kay misty.
"hindi ash. ayos lang ako dito." sabi niya at nakabantay pa rin kay louise
"alam mo kung may ala ala lang si sandy kanina ka pa niya nasabunutan. daig mo pa siya magbantay sa girlfriend niya eh." pagbibiro ko kay misty
alam ko nahihirapan din siya at mabigat na pakiramdam niya.
ngumiti lang ito ng pilit at huminga ng malalim.
"tatanggapin ko yun. lahat ng sakit na gagawin ni sandy tatanggapin ko. mali ako ash. maling mali. at pinagsisisihan ko lahat ng yun. andito ako sa tabi ni louise. kasi ako may kasalanan nito ash. kasalanan ko to." sabi ni misty na umiiyak
magsasalita sana ako pero may nagsalita
"m-misty..."
_________________________________________
LOUISE P.O.V
nagising ako may naririnig akong iyak.
narinig ko lahat ng sinabi ni misty.
"m-misty." mahinang sabi ko
wala pa akong lakas.
nakita ko rin si ash nasa tabi ni misty.
"a-ash." tawag ko sakanya
"louise. may masakit ba sayo ? ano nararamdaman mo. doc! wait lang ha louise. tatawagin ko lang yung doctor mo." natataranta sabi ni ni ash at lumabas sa kwarto
nakita ko may isang babaeng papalapit sakin.
hindi ko siya kilala.
magsasalita sana ako
"louise. sorry :( sorry mali ko to. sorry kasalanan ko to. louise. sorry." sabi ni misty habang umiiyak
"a-ano ka ba m-misty. w-wala kang k-kasalanan." sabi ko kay misty
at tumingin ulit ako dun sa babae ngayon nakatayo na sa harapan ko.
"s-sino ka ?" takang tanong ko sakanya
"hindi ka naman siguro nag ka amnesia diba ?" tanong niya sakin at ngumiti
"a-ano ? h-hindi naman. a-ano ba nangyari sakin ?" tanong ko sakanila
"siya si kelly, louise. naalala mo yung kalaro natin nung mga bata pa tayo." sabat ni misty
"k-kelly?" iniisip ko
pero bigla siyang tumawa
"ako to. yung ex girlfriend ni jerome. yung pinsan ni san---" sabi niya pero hindi niya naituloy.
"ahhhhh. oo ikaw nga" sabi ko.
masakit pa rin sakin marinig yung pangalan niya.
bigla akong pumikit.
at inaalala ang lahat.
si sandy.
yung araw ng kasal niya.
si jenny.
yung mga ngiti ko sa tabing dagat.
yung pag sama sakin ni misty.
at yung pagkawalan ko ng malay.
yun na lang ang huli kong naaalala.
nakaramdam ako ng luha sa aking mga pisngi.
"louise. ayos ka lang ba?" naririnig ko ang mga boses nila na nag aalala.
hanggang narinig ko na lang na may pumasok sa pinto.
nakaramdam ako ng sakit.
nakaramdam ako ng asa.
nakaramdam ako ng pagod.pagod na ko huminga.
pagod na ko mabuhay.
pagod na ko alalahanin ang masasakit na bagay.at nawalan ulit ako ng malay.
_______________________________________
THE END...
BINABASA MO ANG
UNLOVE YOU (book 2 of HIY)
Romancehi. ito na yung book 2 ng HAPPINESS IS YOU. sabi nila walang forever. magbrebreak din yan. sa fairy tale laging happy ending. kay louise at sandy ba magiging happy ending din ? eh hindi naman sila fairy tale. read and be love.