MISTY P.O.V
hindi ko alam gagawin ko kanina nung bigla ako kiniss sa pisnge ni louise.
sa totoo lang mahal ko siya. pero hindi na katulad ng dati.
alam naman natin lahat na kaibigan na lang pwedeng turingan namin.
pagmamay ari na siya ni sandy eh.
nahihiya ako kay sandy sa totoo lang.
dapat ayusin ko relasyon nila eh.
kasalanan ko rin naman talaga to.
kung hindi lang ako pumayag kay jenny.siguro natuloy talaga kasal nila.
pagkalabas nila barbie sumunod na rin ako.
naabutan ko pa sila.
kaso mukhang nagtatalo silang dalawa.
hindi ko sinasadya marinig yung usapan nila.
"barbs. ayoko na. ang sakit sakit. hindi man lang niya ko tinignan. hindi man lang niya ko kinausap. barbs akala ko ba mahal niya ko ? bakit ganito ? bakit ang sakit ? barbie nakita mo ba kung paano niya hawakan yung kamay ni misty. kung paano niya halikan. barbie paano kung wala na talaga ? wag na lang natin ipilit."
sabi ni sandy naririnig ko yung mga hikbi niyang umiiyak.
alam ko nagseselos siya kung alam niya lang sorry sandy sorry.
kahit ako hindi ko rin kayang patawarin sarili ko.
kahit alam kong wala pang naalala si sandy.
alam kong kinwento na nila ash yung tungkol sakanila.
kaya kahit papaano alam ko may idea si sandy.
hindi man maalala ng isip niya alam ko maalala ng puso niya.
"barbie siguro tadhana na gumawa ng paraan para kalimutan namin ang isa't isa." sabi ni sandy at niyakap ni barbie
tadhana ?
hindi mali yung iniisip niya.
kasalanan ko to lahat.
nakatulala lang ako at iniisip kung paano ko aayusin yung nasira ko.
bumalik lang diwa ko ng narinig ko sumisigaw si barbie.
"doc!!! tulong. ohmyg! sands. umayos ka nga! doc!!!! emergency. nurse ? wala ba mag aasist diyan. emergency!!!! sandy please."
dun lang ako natauhan at tumakbo agad sa nurse station.
agad naman sinugod si sandy sa E.R
sabi ni doc maiwan muna kami sa labas.
mga ilang minuto nasa labas kami.
"barbie. pupuntahan ko lang pala si kelly kailangan niya malaman to." sabi ko at akmang aalis na dapat
"sasama ako sandali." habol ni barbie
pagpasok namin sa room ni louise.
pareho silang nagulat.
tinanong ni kelly kung bakit ang bilis ni barbie.
tinignan ko si louise at yumuko lang.
"si - si sandy!" pagsigaw ni barbie
"ANO???? NASAAN SIYA?" pag aalalang sigaw ni kelly
"nasa E.R siya sinugod hindi ko alam. nakita ko na lang si barbie nagsisigaw kanina." pagpapaliwanag ko dahil wala rin sa sarili si barbie
BINABASA MO ANG
UNLOVE YOU (book 2 of HIY)
Romancehi. ito na yung book 2 ng HAPPINESS IS YOU. sabi nila walang forever. magbrebreak din yan. sa fairy tale laging happy ending. kay louise at sandy ba magiging happy ending din ? eh hindi naman sila fairy tale. read and be love.