chapter 36

7.5K 166 37
                                    

LOUISE P.O.V

nagising ako at nakahiga na ko sa kama ko. pero nagulat ako kasi may nakayakap sakin.

sana hindi ito panaginip. sana totoo tong andito si sandy sa tabi ko at yakap yakap ako.

"uhhhh! gising ka na pala" sabi niya at nag unat. bakit ang gaan ng aura niya ngayon

"sandali lang ha. mag aayos lang ako tapos bibili ako ng breakfast natin" sabi niya at tumayo pero pinigilan ko siya at niyakap

"wag mo kong iwanan please" nasabi ko na lang bigla hinarap niya ko at kiniss sa lips

"sorry. sorry ang tigas kasi ng ulo ko eh. sorry babe" sabi niya

"babe ?" tanong ko bigla sakanya

"yes babe. diba ano ba yan wag mong sabihin nakalimutan muna ?" sabi niya at ngumiti

"hindi pero bilang magbestfriend yun eh." sabi ko sakanya

tumayo siya at nagpunta sa c.r naghilamos at nag toothbrush

pagkalabas niya

"yes. mag bestfriend naman tayo diba. tara na tayo ka na diyaaaan daliii ! magluluto pa ko ng sunog na bacon remember. pero bibili pa din tayo ng breakfast ha" sabi niya parang walang nangyari

"bestfriend. oonga bestfriend" mahina kong sabi

"sorry louise. sorry" yun lang at umiyak na siya

hinatak ko siya at niyakap

"gusto kita makausap. please " sabi ko sakanya

humarap siya sakin at nag umpisa na siyang tumingin sakin

"bakit di mo ko inantay ? " unang tanong ni sandy sakin

"inantay kita darling. bakit ka umalis ?" balik kong tanong sakanya

"kasi kailangan. bakit nakita kayo ni lacey na magkayakap ni misty nung araw ng pag alis ko" balik niyang tanong sakin

"yun yung araw na biglang sumulpot si misty. di kami mag kayakap aksidente lang yun at sakto dumating si lacey at ash di na ko nakapag paliwanag kay lacey. so bakit ka nakipaghiwalay ?" balik kong tanong sakanya

"para hindi ka magulo at para maprotektahan kita. bakit di mo sakin sinabi nung paguwi ko ?" tanong naman niya sakin

"kasi may girlfriend ka na. masaklap boss ko pa. bakit di mo sakin inexplain lahat bago ka magdesisyon ?"

balik kong tanong sakanya

"girlfriend ? hoy hindi ko girlfriend si jenny no! puro ka kasi hinala eh ! tska ieexplain ko naman sayo pag balik ko eh di mo lang ako inantay" sabi niya parang bata natawa tuloy ako

imiss this.

"bakit ka tumatawa ?" biglang sabi niya sabay hampas

"para ka pa din kasing bata." sabi ko at niyakap siya

"louise. totoo ba ?" bigla niyang tanong

"anong totoo ? na mahal na mahal na mahal kita oo totoo yun" sabi ko pero hinampas ako

"sira !!! i mean totoo bang..... ano ? " di niya matuloy tuloy at parang nahihiya

"anooo ?" bigla kong sabi

"enebe! kainis ka. wait lang excited ka eh. i mean totoo bang ano... argh! nagsex na kayo ni jenny ?" sabi niya at yumuko hahaha ang cute cute ng darling ko

"wala no. never ikaw nga dyan nirarape mo pala ko ng di ko alam ha" sabi ko sakanya

"bakit ? nung lasing ka si misty binanggit mo ?" sabi niya at namumula na mata niya mukhang iiyak na naman

"sorry. sorry kasi lasing ako nun. sorry kasi di ako nagexpect na gagawin mo sakin nun. sorry sandy kasi nasaktan kita. sorry napuno ng galit tong puso ko. ito na lang huli ko nalaman nun. ginirlfriend ko si misty kasi akala ko may nangyari samin. pero ikaw pala yun. pinuntahan kita pero ayaw mo na sakin. di ko alam paano tayo mag kakaayos nun. pero teka ano nga dahilan at na andito ka bigla ? " tanong ko sakanya saka ko lang naalala bakit nga ba siya nandito at naihipan siya ng hangin at bigla na lang naging ganito.

"wala lang. namiss ko lang yung bestfriend ko" pag iiwas niya. halatang nagsisinungaling

tumayo siya at lumabas na ng kwarto.

nakita ko siya nag aayos sa kusina

"paano nagkaroon ng pagkain dito ?" bigla kong tanong kasi matagal na din di ako tumitira dito

"bago ako pumunta kagabi bumili na ko." sabi niya at nagaayos ng makakain.

"so kagabi ka pa nandito ? bakit di mo ko ginising ?" tanong ko

"paano ka magigising eh lasing na lasing ka." sabi niya at tumingin sakin

"bakit ka pala umiinom ? totoo bang tinaggal ka na no jenny ? gusto mo ba kausapin ko siya ? o kaya dun ka na lang sa mall ko magtrabaho." sunod sunod niyang sabi sakin

so sinabi na pala ni jenny kay sandy

"ah hindi na. " biglang cold kong sabi

nagkaroon kami ng katahimikan sandali

"sana pumunta ka sa -k-kasal k-ko" basag niya sa katahimikan pero dun sa word na kasal ko biglang himina boses niya

"para saan gusto mo ba ko makita dun." tanong ko sakanya at lumapit kinuha ko mga kamay niya

"pupunta lang ako dun kung ako ang ipapakasal sayo. sandy" then i hold her cheeks

nakita kong umiiyak na siya

"louise siguro mag bestfriend lang talaga tayo. lahat sinubukan natin. pero wala eh. siguro kung hindi naging tayo hindi magiging ganito siguro masaya pa rin tayong dalawa." sabi niya at bumitaw sakin

"nagsisisi ka na ba ?" tanong ko sakanya at nag umpisa na rin ako umiyak nakatalikod siya sakin

"siguro louise. hindi ganito kasakit. oo nagsisisi ako. kung pwede ko lang ibalik lahat. kung pwede lang hindi na kita mahalin. kung pwede lang tanggalin sa puso ko yung pagmamahal ko sayo." sabi niya

"wag ka naman ganyan. please...

I LOVE YOU.." sabi ko sakanya at yayakapin sana siya

"no louise. i UNLOVE YOU" at umalis siya

__________________________________________

diyan na po nagtatapos ang UNLOVE YOU. hahahahahahahahaahahahahaha =>

UNLOVE YOU (book 2 of HIY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon