SANDY P.O.Vpag bukas ng pinto nakita ko si misty, kelly at louise na nagtatawanan.
"hii!! fafa louise gising ka na pala. kamusta naman mga panaginip mo ?" pagpasok ni barbie
ngumiti si louise.
ang ganda talaga ng mga ngiti niya.
wala na kong masabi." gaano ba kahaba tinulog ko ? hahaha" takang tanong niya
pero hindi man lang siya tumingin sakin
hindi man lang niya ko napansin
hindi man lang niya ko nakita
gusto kong umiyak
"oy! pinsan dito ka na pala. okay ka na ba nakapag pahinga ka na ba?" tanong ni kelly sakin
tumango lang ako simbolo na okay na ko.
"ehem! kells , misty nagugutom aketch samahan niyo naman ako lumafang dali na!" yaya ni barbie
naintindihan naman nila yung ibig sabihin ni barbie
tumayo na yung dalawa para samahan si barbie
pero hinawakan ni louise yung kamay ni misty para pigilan to
ang sakit sa puso
nasasaktan ako sa nakikita ko
"misty, nagugutom din ako." sabi ni louise
"bibilihan na lang kita ng pagkain ano ba gusto mo ?" sabi ni misty kay louise
ang sakit na dapat sakin niya sinasabi yun.
dapat ako nagtatanong nun.
"kahit ano. balik ka kaagad ha" sabi ni louise at hinigit si misty at hinalikan sa pisnge
ang sakit ng nakita ko
kahit si kelly at barbie nagulat din sa nakita niya
lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni kelly
"ah! pinsan saan ka punta ? pwede ikaw muna magbantay kay louise bibili lang kami ng pagkain." sabi sakin ni kelly
tumingin ako kay louise at nakatingin din siya sakin
wala akong makita sa mata niya wala man lang siyang reaction.
"ah! sorry kelly ang sakit kasi ng ulo ko. nahihilo ako" sabi ko kay kelly
agad naman tumingin sakin si misty at barbie na nag aalala
punyetang misty to. ang landi landi ang plastik mo hayop ka. sa isip isip ko
"hala! nakainom ka na ba ng gamot ? masakit ba ? barbie kayo na lang muna ni misty bumili ng pagkain. sands pacheck up natin yan baka namamaga na naman yung ugat mo sa ulo" pag aalala sabi ni kelly
"nako! baka may namuo dugo na naman diyan sa head mo. samahan na kita girl." exaggerated na sabi ni barbie
lahat sila nag aalala nakatingin sakin
pagtingin ko kay louise nakatingin din siya sakin
"ah! hindi okay lang ako. uwi na lang siguro muna ako." pagtanggi ko sakanila
"magpacheck up ka na bago pa lumala yan." sabi ni louise na hindi na nakatingin sakin at ang lamig ng boses niya
hindi na siya yung louise na ang lambing ng boses

BINABASA MO ANG
UNLOVE YOU (book 2 of HIY)
Romansahi. ito na yung book 2 ng HAPPINESS IS YOU. sabi nila walang forever. magbrebreak din yan. sa fairy tale laging happy ending. kay louise at sandy ba magiging happy ending din ? eh hindi naman sila fairy tale. read and be love.