Natapos ang panghuling subject namin sa hapon ng wala akong naindihan dahil sa lawak ng aking pag iisip. Punong-puno ang aking isipan, lalong-lalo na yung tungkol sa tatay ni joy na si tatay noel.
Tiningnan ko si joy sa gilid ng aking mata at nadatnan ko siyang umiiyak nanaman.
Tumayo ako para lapitan siya at yayaing umuwi na. Sasabayan ko nalang siya pauwi para naman sa ganun ay mayroon siyang kausap habang naglalakad.
Tinawagan ko muna si mang teban para sabihin sa kanya na sasabay nalang ako kay joy maglakad pauwi.nang saganun ay hindi na ako hanapin pa ni mang teban. Oo at may cellphone na ako, sa canada pa ito binili ni daddy kaya sigurado akong mahal ito.
Hindi naman kalayuan ang bahay ni joy sa bahay namin. Kaya nga siya palaging pumupunta sa bahay namin dahil malapit lang naman ito.
"Joy, tara na. Sabay na tayong umuwi" malumanay kong sabi sa kanya.
"Hindi ka ba susunduin ni mang teban? Baka mag alala yun na wala kana dito sa school" gulat niyang sabi
"Tinawagan ko na si mang teban na sasabay na ako sayo maglakad. Hindi naman malayo bahay natin mula dito, kaya tara na" pag-ayaya ko ulit sa kanya.
Kami nalang dalawa ni joy ang natira sa loob ng classroom namin, siguro nagsilabasan na yung mga classmates namin, pati rin yung dalawang transferres ay wala na rin sa loob room .
Nagpalinga-linga si joy at napansin niyang kami nalang dalawa ang natira kaya tumayo na agad siya ay sabay kaming lumabas ng silid.
Habang nasa daan , walang ni isa sa amin ang umimik , napakatahimik at halos huni lang ng ibon ang maririnig mo.
" joy, alam kong iniisip mo si tatay noel sa mga oras na ito, pero sana huwag kang mawalan ng pag-asa, kung kailangan mo ng tulong, nandito ako para tumulong, if its all about financial expenses sa ospital , kakausapin ko si daddy para tumulong. Just please say if there is anything i can help" saad ko habang naglalakad at nakatingin sa kanya.
"Huwag na jul, hindi naman malaki ang bayarin sa ospital, baka maka abala pa kami sa inyo"
" anong abala pinagsasabi mo? Hindi kayo abala sa amin noh, kung gusto mo ganito nalang...... sasabihin ko kay mommy at daddy pag-uwi nila galing canada na kuning kasambahay si nanay beth, nang saganun ay wala kayong iisipin kung pano kami bayaran."
"Talaga?Sige sasabihan ko si nanay na magtatrabaho siya sa bahay ninyo bilang kasambahay" masigla niyang sabi.
Hindi namin namalayan na nakarating na kami sa tapat ng bahay nila joy.
"Salamat jul ha dahil sinamahan mo akong maglakad kahit pwede kanamang sumakay at magpakuha kay mang steban" .
" okay lang , ikaw pa! Malakas ka kaya sa akin" sabi ko sabay kindat.
Kita ko na parang namumula ang mukha ni joy nang kindatan ko siya. ganun naba talaga ako ka-gwapo para kiligin ang isang babae sa isang kindat ko lang?.
YOU ARE READING
In Richer & In Poorer (COMPLETED)
Teen FictionBeing Rich or Being Poor is not a Hindrance To the two human who commit to love each other.