Chapter 22

6 1 0
                                    


Madaling araw na akong nakatulog kagabi kaya matagal akong nagising.

Today is the day para sabihin kay Martha at Luis na bumalik na ang alaala ko.

Tumayo na ako at bumaba.

"Julius? Hindi ka pumasok?" Gulat na tanong ni daddy. Napalingon naman si mommy sa gawi ko at nagulat.

"Akala ko pumasok ka?" Tanong naman ni mommy.

"May lakad po ako kaya hindi ako pumasok." Sagot ko at umupo sa tabi ni mommy.

"San ka pupunta?" Tanong ni daddy.

"Basta dad. You don't have to know" sagot ko.

"Julius! Watch you mouth!" Iritang saad ni daddy

"Sorry" sabi ko at hindi tumingin sa kanya.

"Julius! Is there anything you want to say?" Tanong ni dad sa gitna ng pagkain namin. Tiningnan ko siya at uminon muna ng tubig bago siya sagutin.

"Nothing dad." I smiled. "Ikaw dad? Is there anything you want to tell?" Dagdag ko. Kita ko ang gulat sa mukha ni daddy at mula sa gilid ng aking mata ay kita ko ang paglingon ni mommy sakin.

"Wa-wala na-naman." Putol-putol niyang sabi.

"Okay. If that's the case. Siguraduhin niyo lang po na wala talaga baka meron naman pero ayaw niyo lang sabihin. Excuse me. Aalis na ako" at tumayo na ako. Gulat na gulat sila sa inasal ko.

Lumabas na ako ng bahay at tinawagan si Luis.

"Luis?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Oh julius! Bakit?" Tanong niya.

"Are you busy? Where are you?"

"Nandito sa bahay. Wala naman akong ginagawa. Bakit?"

"Let's meet. Dalhin mo yung Girlfriend mo."

"What? Ngayon na?" Napalakas ang pagkakasabi niya nun.

"Oo. I-tetext ko sayo ang lugar. Bye" at pinutol ko na ang linya. Tinext ko sa kanya ang place kung saan ito.

I drove sa lugar kung san kami magkikita ni Luis at Martha. When i finally arrived at my destination ay bumaba na ako.

Pumasok ako sa isang restaurant, this is the place na tinext ko kay Luis. After a while ay dumating na silang dalawa ni martha.

"Julius!"tawag niya sakin pagkapasok niya ng restaurant. inalalayan niya muna si martha na makaupo bago siya umupo. Napansin ko na martha looks pale. I know na may sakit siya but hindi panaman siguro malala.

"So? Ano yung sasabihin mo?" Tanong ni Luis.

"Before i tell you, let's order first. Gutom na ako. Hindi ako nag lunch.

"Okay." Pagsang-ayon naman niya. Nagsimula na silang mag order at nag order narin ako.

"Pwede mo naman siguro sabihin kahit kumakain tayo diba?" Tanong ni luis habang sumusubo.

"Is that how desperate you are para malaman ang sasabihin ko?" Natatawa kong tanong.

Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita.

"Julius, Yan ang pinunta namin dito. And i don't know kung bakit ko pa kailangang isama si martha. Importante ba yan?"

"Yes, it's important. I think magugulat ka nga eh" sabay iwas ko ng tingin.

"Ano nga ? Sabihin mona kasi." Irita niyang saad.

"Okay" sumeryoso ako. "My memory is back" seryoso kung sabi.

In Richer & In Poorer (COMPLETED)Where stories live. Discover now