Chapter 6

8 3 1
                                    

Months passed at nagpasalamat ako dahil hindi natupad ang sinabi ng doctor tungkol sa pagtatagal ni tatay noel dito sa mundo. Masaya rin si joy sa nabalitaan niya.

Martha, Luis, Joy, and I are already friends. Hindi nga lang masyadong nakikisalamuha si martha pag-kasama namin si luis. Baka nahihiya pa kaya ayaw makisama.

Month of may and its summer already, habang nasa kwarto ako ay may narinig akong sigaw mula sa baba. I think its dad's voice.

Dumungaw ako mula sa pintuan at narinig ang sinabi ni dad, dahilan para magulat din ako.

"You thief!! Ninakaw mo ang relo ko! Sinuswelduhan ka naman ng sakto namin ha? Bakit kapa nagnakaw?" Dad shouted.

"Sir, hindi ko po alam ang sinansabi ninyo, wala po akong ninakaw na relo" naiiyak na sagot ni nanay beth.

Joy is not with nanay beth at this moment, siguro nandun siya sa ospital para bantayan ang tatay niya.

"Wala kang alam? Eh sino naman ang pwedeng kumuha dun sa kwarto namin eh ikaw lang naman ang naglilinis dun ha!" Daddy shouted again.

"Hindi ko po talaga alam sir, wala po akong nakitang relo dun sa kwarto niyo po" nakayuko at naiiyak na saad ni nanay beth

"Syempre wala kang makikita kasi kinuha mo na!" galit na galit na talaga si daddy

"Hon, Stop it, baka nalagay mo lang sa Isang sulok and you forgot where you put it" pagpigil ni mommy kay daddy.

"No! Umalis ka dito sa pamamahay ko baka pa ako tumawag ng pulis at ipakulong ka!" Hindi pinansin ni daddy ang sinabi ni mommy.

"Sir parang awa niyo na po, kailangan ko po ng trabaho para sa gastusin sa ospital sir" pagmamakaawa ni nanay beth

"Wala akong pake kung mamatay ang Noel nayan! Basta lumayas ka dito bago pa kita ipakulong" sigaw ni dad

Bumaba ako at saktong biglang bumukas ang pintuan at iniluwa dito si joy na umiiyak at hingal na hingal.

Nabaling ang atensyon naming lahat kay joy pati narin ang atensyon nina mommy at daddy, nanay beth at pati narin ako na nasa hagdanan pa.

"Nay....si..... ta...tay nay...." hagul-hul na pagsasalita ni joy.

"Ano anak? Hindi kita maintindihan, Sabihin mong mabuti" Lumapit si nanay Beth sa pwesto ni joy.

"Wa-la na si ta-tay nay" Anunsyo niya

Napaluhod si nanay beth at Humahagol-hul ng iyak. Pati ako hindi rin makapaniwala sa nangyari.

Tiningnan ko si daddy at nakita ko na nagulat rin siya sa narinig.

"Hindi pwede anak, Hindi pa patay ang tatay mo!" Iyak ng iyak si nanay beth habang nakaluhod.

Pilit na itinatayo ni joy ang ina pero hindi niya ito kaya, dahil narin siguru sa bigat.

"Nay, Tara na-napo, dinala na po si tatay sa Morgue" pilit paring tinatayo ni joy si nanay beth.

Tuluyan na ngang tumayo si nanay beth mula sa pagkaka-luhod at lumingon sa banda nila ni daddy at mommy.

Nang tuluyan nang nakatayo si nanay beth, sumeryoso ang kanyang mukha at humakbang ng ilang beses patungo sa direksyon ni daddy.

"Alam kong wala kaming utang na loob sa inyo Sir Howlard, pero ang pagpaparatang ninyo sa akin na magnanakaw ay hindi ko matatanggap. Kahit mahirap lang kami,Hindi ko magagawang magnakaw at kumuha ng bagay na hindi akin." Seryosong Sabi ni nanay beth.

"Anong utang ang pinagsasabi mo?" Mommy asked nanay beth at bumaling kay daddy

"Bakit? Hindi mo alam?"tanong ni nanay beth

"Anong ibig sabihin nito?" Mom curiously asked

"Nakita ko ang yang asawa mo na may kasamang babae sa kainan dyan banda sa may palengke. Namimili ako nun nang nakita ko yang asawa mong hinahalikan sa leeg ang babae niyang kasama" Nagulat si mommy pari narin ako sa narinig.

"Aalis na sana ako pero nakita niya ako. Nasa Ospital na ang asawa ko nung panahong iyon at naghahanap ako ng trabahong maaaring pasukan. Nilapitan ako ni Sir.Howlard at Sinabing Huwag akong Magsusumbong at Kalimutan nalang ang nakita." Dagdag ni nanay beth." Sinabi niyang Gagawin daw niya akong kasambahay dito sa bahay ninyo kapalit ng pagiging tahimik ko. Wala akong ibang choice kundi ang tanggapin ang alok niya, pero habang lumilipas ang panahon maam, nakokonsyensya ako, hindi ako nakakatulog dahil parati akong dinadalaw ng konsiyensya ko maam."

"Ibig sabihin, Plano munang Gawing kasambahay si Beth dito Sa atin? Plano muna ito bago sabihin ng anak natin na papapasukin niya bilang kasambahay si Beth?" Tanong ni mommy kay daddy.

Hindi umimik si daddy kay mommy at mas lalong nagalit si mommy.

"Sagutin mo ako jun!" Sigaw ni mommy

"Hon its not true! Gumagawa laman yan ng kwento para siraan ako" Daddy defended his self.

"Wala akong paki alam kung sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo" Mom slapped dad. Nagulat ako sa ginawa ni mommy. Its my first time that i saw them two fighting like this.

"Maam,Hindi po sa sinisiraan ko po ang asawa o ang pamilya ninyo, pero gusto ko lang po sabihin sa inyo ang nalalaman at nakita ko" sabat ni nanay beth. "Aalis napo kami maam,salamat po sa pag-papapasok sakin dito bilang kasambahay kahit pansamantala lamang. Sana po ay ayusin ninyo yang problema ninyong mag-asawa alang-alang sa anak ninyo" dagdag niya

Tumalikod na sila nanay beth at joy. Lumingon muna sa akin si joy bago sila tuluyang nakalabas ng bahay.

Tulala parin ako dahil sa mga narinig ko. Hindi ko man masyadong maintindihn ang mga sinasabi nila pero naiiyak ako dahil sa itsura nila. Itsurang puno ng hinanakit,galit at poot.

"Hon!!" Nabuhayan lang ako nang biglang sumigaw si dad habang hinahabol si mommy papuntang kwarto nila.

Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nilapitan ako ni manang auring at dinala sa kwarto ko. Dinalhan niya ako ng Tubig mula sa Kusina at ininum ko ito.

"Magbabati rin yung mommy at daddy mo julius, ganyan talaga basta mag asawa, mag away na nagaganap" manang said while putting the glass of water on my side table.

"Anong pong ibig sabihin dun sa sinabi ni nanay beth manang auring?" Tanong ko.

"Hay nakung bata ka, Hindi mo pa pwedeng malaman ang ibig sabihin nun dahil masyado ka pang bata, mararanasan mo rin yan paglaki mo at pag ikinasal kana" sagot niya

" Totoo po bang mayroong kasamang babae si dad manang?" Tanong ko ulit

"Baka empleyado niya lang yun, huwag munang intindihin yun"

"Kung kayo po? Sino po ang paniniwalaan ninyo? Si daddy po or si nanay beth?"

"Hindi ko alam julius, wala naman akong karapatang makisali sa away nila dahil wala naman akong alam sa nangyari. Ang naring ko lang eh yung sinabi ni nanay beth mo na may babae ang tatay mo. Yun lang ang narinig ko at pumunta agad ako sa harden para hindi na makarinig pa."

"Manang auring?"

"Ano yun?"

"Pwede po bang samahan niyo ko bukas na pumunta sa bahay nila joy para sana bumisita sa lamay ni tagay noel" paki usap ko kay nanang auring.

"Bukas na ba agad ang lamay?" Tanong niya

"Opo"

"Magpapaalam muna tayo kay mommy at daddy mo , baka mapagalitan tayo kung hindi tayo magpalaalam"

"Sige po. Salamat po manang auring, matutulog napo ako, matulog na din po kayo" saad ko

Tumango naman si manang auring at nagpaalam na.

Hindi ko rin naman alam kung kailan ang lamay ni tatay noel, gusto ko lang makita at makausap si joy nag saganun ay malaman ko kung okay lang ba siya.

Ilang sandaling katahimikan ay nakatulog na ako.























See you in the next chapter!!

In Richer & In Poorer (COMPLETED)Where stories live. Discover now