Chapter 5

11 3 0
                                    



Week passed at hindi ko parin malimut-limutan ang sinabi ni joy sakin na gusto niya ako. Dahil sa gulat ko nun ay nayakap ko siya. Hindi naman siya umimik at kalaunan ay nagpaalam na papasok na siya sa loob ng bahay nila.

Nakauwi narin sila mommy at daddy galing canada. Naalala ko ang pangako kay joy na sasabihin ko sa magulang ko na kuning kasambahay ang nanay niya. Pumayag naman sila mommy at daddy sa sinabi ko.

Kinabukasan araw ng sabado, ngayong araw rin ang simula ng trabaho ng nanay ni joy dito sa bahay namin. Tagaluto ang tagalinis sa ng kwarto ang trabaho ni nanay beth. kaya excited ako dahil magkikita nanaman kami ni joy. Hindi na kami masyadong nag-uusap dahil maaga siyang umuuwi dahil magbabantay pa daw siya ng tatay niya sa ospital.

"Jul! Nandito na sila joy at ang nanay niya!" Tawag sakin ni manang auring mula sa baba.

Dali-dali akong bumaba mula sa kwarto ko at agad sinalabong si joy at ang nanay niya sa sala.

Sakto namang pagbaba ko ay ang paglabas nila mama mula sa kwarto nila.

"Welcome to our house Mrs. Pintuan" galak na bati ng nanany ni joy.

"Naku salamat po talaga maam Darlyn na pinayagan niyo po akong magtrabaho dito sa bahay ninyo. Kailangan lang po talaga namin ng pero para sa gastusin sa ospital." Saad ni nanay beth.

"Wala yun, para narin makatulong kami sa inyo kahit papaano. Tsaka alam niyo naman na malakas sa anak namin yang si joy" sabay tingin ni mommy sa akin.

"O sya! Cge na. Magsimula kana. Marami pang mga lilinisin dito sa bahay. Tsaka pakibilisan narin ang paglinis sa kwarto namin ni darlyn." Utos ni daddy kay nanay beth." And by the way, magluto ka narin para sa tanghalian" dagdag niya pa.

Nagulat ako sa trato ni dad kay nanay beth. Hindi naman siya strikto o masungit pero sa pinakita niyang ugali ngayon parang may agwatan sila.

"Opo sir" magalang na sagot ni nanay beth kay daddy.

Tumalikod na si daddy papuntang kusina para mag agahan at sumunod naman si mommy sa kanya. Tumungo narin si nanay beth papuntang kwarto nila mommy para simulan nang linisan ito.

Kami nalang ni joy ang natira banda sa may pintuan.

"Nag-agahan kana?" tanong ko

"Oo, tapos na" ngumiti siya akin

"Tara dun sa sofa, upo tayo dun"

Tumango naman siya at sumunod sakin patungong sofa.

Nagusap kami joy tungkol sa mga assignments, projects at kung ano-ano pang mga bagay tungkol sa pag-aaral. Ilang sandali pa ay umabot na ang pag-uusap namin tungkol kay martha.

"By the way joy, about martha ,are you two friends already?" Tanong ko

"Ahhh , oo.. gusto niya kasing magkaroon ng kaibigan kaya lumapit siya akin. Hindi ko naman matanggihan dahil gusto ko ring magkaroon ng kaibigang babae. Tsaka may sakit din kasi siya katulad ni tatay. Cancer sa atay. Pero sabi niya hindi pa naman daw malala kaya maaari pa daw maagapan" Sagot niya.

"Mabait naman si martha, May gusto nga yun kay Luis eh, yung katabi mong lalaki?" Dagdag pa niya

"Talaga? May gusto si martha dun?" Gulat kong tanong

Tumango si joy at tumawa.

"bakit ka tumawa?" Tanong ko

"Ang bata pa kasi natin pero may nagugustuhan na agad tayo"

"Oo nga eh"

Natahimik kami sandali. Wala na akong maibigay na ibang topic kaya hindi ako makapagsalita.

"Magkaibigan narin kayo ni Luis?" Basag niya sa katahimikan

"Ahh.. oo.... Same reason lang din sayo. Gusto ko rin kasing magkaroon ng lalaking kaibigan" sagot ko

Tumango siya.

"Sila kasi ang may-ari ng St.Luis Elementary School dyan sa karatig na Probinya." Dagdag ko pa

"Eh bakit siya lumipat sa Makupa Elementary School?"

"Wala daw kasi siyang natututunan dun sa St. Luis."

Tumango si joy at natahimik nanaman kami.

Mommy called me from the kitchen. I ran towards her and ask why she called me.

"Give this to joy anak" utos ni mommy sabay bigay ng bi-nake niyang cookies.

Kinuha ko ito at bumalik sa sala para ibigay ang cookies kay joy.

Naubos na ni joy ang binigay na cookie at saktong bumaba naman si nanay beth galing sa kwarto ni mommy at dumiretso sa kusina para siguro magluto ng tanghalian dahil pasado alas 11 narin.

Dumating ang tanghalian at kumain na kami. Pinasabay ni mommy sila joy at nanay beth sa tanghalian but daddy refused. I dont know why. Kaya sa huli ay nauna nalang kaming kumain bago sila.

Natapos kami pati sila joy kumain. Makalipas ang ilang oras na trabaho ni nanay beth at pag-uusap namin ni joy ay Umuwi na sila, cause its already 5:30 in the afternoon.

Sunday comes, hindi sumama si joy kay nanay beth sa bahay dahil nagbabantay daw ito kay tatay noel sa ospital.

Nasa kwarto lang ako sa araw na iyon. Bumababa kapag kumakain o nagugutom.

Monday comes at ang aga kong nagising, aside sa dahil may pasukan, excited lang talaga akong makita si joy.

When mang teban and i are on our way to my school, may nakita akong pulubi sa kilid ng kalsada, mang teban stop the car as i said. Bumaba ako at binigyan ng pero ang nanay na pulubi bago bumalik sa sasakyan.

Mang steban continued driving until we reach Makupa Elementary School.

Dali-dali akong bumaba at tumakbo papuntang classroom. Naabutan ko si joy at si martha na nag-uusap.

"Goodmorning joy!" Bati ko sa kanya

"goodmorning din jul" bati niya pabalik.

Lumingon naman sa akin si martha kaya bumati narin ako sa kanya. Hindi naman masama kung makikipag kaibigan ako sa kanya diba? Bumati rin siya sa akin pabalik

Uupo na sana ako nang bigla akong akbayan ni luis, nagulat ako kaya naitulak ko siya, hindi naman gaano kalakas pero tama narin para matumba siya.

"Hala! Pasenya na luis, nagulat lang ako,ikaw kasi eh bigla-bigla ka nalang sumusulpot at nang-aakbay" taranta kong saad at tinulungan siyang tumayo.

"Grabe ka naman magulat julius! Nanunulak talaga?" Natatawa niyang sabi at tuluyan nang nakatayo.

"Im really sorry" paghingi ko ng tawad ulit

"Okay lang, hindi naman masyado masakit ang pagkakatulak mo" sarkastiko niyang sabi.

Kita ko ang paglingon ni martha sa amin pero ang tingin ay na kay luis, umiwas naman agad siya ng tingin ng tumingin ako sa kanya.

Akala mo martha na hindi ko alam na may gusto ka sa kumag na ito?

Dumating ang guro namin ng sunod-sunod na naaayon sa Oras ng klase nila.

Dumating ang recess time at ang lunch time. Gusto sanang makipag sabay ni joy kumain sa akin ng lunch kaya lang nahihiya si martha na maki-join dahil nahihiya daw siya kay luis sabi ni joy sa akin.

Pero sa huli ay wala na siyang nagawa at sumabay nang kumain sa amin. Pasulyap-sulyap si martha kay luis pero parang walang paki ang lalaking katabi ko.








See you in the next chapter!!

In Richer & In Poorer (COMPLETED)Where stories live. Discover now