6:55 ng makarating ako ng coffee shop. Its already open at pumasok ako."Julius, your came at the right time" bungad sa akin ni Sir Allan, ang Manager ng Coffee Shop na ito.
"Akala ko nga po sir late na ako" sagot ko
"Actually 7:30 ang late dito kaya nasa saktong oras ang dating ko. Here, yan ang Uniform mo. Suotin mo na dahil mayamaya ay dadagsa na ang mga costumer." Bigay niya sa Uniform sakin. Pumunta ako ng CR at sinuot ang Uniform.
Lumabas ako at dumiretso sa counter. May lalaking naka destino dun at parang siya ang makakasama ko sa paggawa ng coffee. Nasa 28 na siya sa tingin ko.
"You're julius right?" Tanong niya sa akin.
"Ahh. Yes. Im Julius" sagot ko naman.
"Im Lucas." Sabay lahad niya sa kamay niya at tinanggap ko naman ito. "Ako ang makakasama mo sa paggawa ng coffee at ako rin ang magtuturo sa inyo sa paggawa nito" dagdag niya.
"Okay. So? Should we start?" Tanong ko.
"Sure. Habang wala pang costumer." Sang-ayon naman niya.
Nagsimula na siyang turuan ako starting From the Basic. Unang tinuro ni lucas sa akin ang parating binili ng mga costumer dito which is the Cappucino. Madali naman siyang gawin pero dapat kontrolado mo ang dami ng gatas,asukal at kape.
Sunod niyang tinuro ang ang Latte hanggang sa dumating kami sa part na may design na yung kape. According to Lucas, kung anong gustong design ng costumer ay yun rin ang design na dapat ilagay. I glance at the clock dahil wala akong cellphone na dala dahil hindi ko namab yun in-onn baka ma trace pa kami ni daddy or what.
Its already 8 at nagsimula nang dumami ang tao sa labas. Ilang sandali pa ay may mga tao nang pumapasok sa shop at umorder.
I take the order of my costumers in my front at gumawa agad ang coffee. I make sure na tama lang ang pagkakalagay ko ng sugar,milk at kape.
Dumaan ang oras ay mas dumami ang costumer. Mas naging busy kami ni Lucas sa pag-accomodate sa mga costumer. Habang kinukuha ko ang order ng babaeng costumer ay biglang may costumer na tumawag at hinanap ang manager.
Lumapit naman agad si Sir Allan sa kanya at tinanong siya costumer kung sino ang gumawa ng Coffee niya.
Narinig ko na tinawag ako ni Sir Allan at lumapit naman ako sa kanya.
"Ikaw ba ang gumawa ng Coffee ni Sir Bernardo?" Bulong niya sa akin. Tiningnan ko naman ang Coffee niya at nakompirmang ako ang gumawa nun.
"Yes Sir. Ako po" mahina kong sagot.
"Naku Julius, Regular Costumer yan dito at siya ang may ari ng Coffee shop na ito." Bulong niya na ikinagulat ko.
"P-po?" Gulat kong tanong.
"Ano ba kasi ang ginawa mo sa kap-" hindi natapos ni Sir Allan ang sasabihin niya nang biglang magsalita si Sir Bernardo.
"Allan..Its okay. Im just asking kung sino ang guwama ng coffee ko dahil hindi ito ang lasang nakasanayan ko. The taste of this coffee is more Unique. Balance ang Sweetness niya kaya nagustuhan ko siya." Saad niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa narinig.
"Talaga po sir?" Tanong ni Sir Allan sa kanya.
"Yes. I really like the taste of this coffee" sagot niya. "By the way, what's your name?" Dagdag niya.
"Ahhmm. I-im Julius Howlard po Sir" sagot ko.
"Ahh. Okay. For now i will be observing you para masama ka sa listahan ng mga mapo-promote na Employees. Beside aalis nadin naman itong si Allan and im looking for a Replacement in Advance. Kaya pagbutihan mo para ma-promote ka" saad niya.
"But sir. Bago palang po ako dito." Nahihiya kong sabi.
"It Doesn"t matter kung baguhan ka o hindi. It matters on the Ability you have" sagot naman niya.
"Sige po sir. I will try my very best." Sagot ko at nagpaalam na. Bumalik ako ng counter at nagpatuloy sa trabaho.
Dumating ang Lunch time at Kumain muna kami ni Lucas habang si Sir Allan muna ang Nagbabantay sa Counter.
"Lucas, matagal ka na ba dito?" Tanong ko kay Lucas habang kumakain kami. Tumingin siya sa akin at Tumango.
"Oo. Simula nung nag bukas ang Shop nato, dito na ako nagtatrabaho" sagot niya.
"So ibig sabihin, mas nauna kapa kaysa kay Sir Allan?" Gulat kong tanong.
"Oo. Mas nauna pa ako sa kanya" sagot niya at sumubo.
"Bakit... bakit hindi ka naging manager?" Dahan-dahan kong tanong.
At uminom ng tubig"Pano ako mapo-promote eh Dad ko ang may ari ng Shop na ito" sagot niya na ikinagulat ko nabilaukan ako sa iniinom kong tubig. "Hoy julius! Okay ka lang?" Taranta niyang tanong.
"Ye-yes. Okay lang ako. Nagulat lang ako sa sinabi mo." Natatawa kong sabi. "So daddy mo ang may ari ng shop na ito at ibig sabihin ay sa inyo ito?" tanong ko.
"Oo." Tumango siya.
Napatango nalang ako dahil wala na akong masasabi pa. Iland sandali pa ay bumalik na kami Lucas or should i say na Sir Lucas sa Trabaho.
Nagpatuloy kami sa trabaho at paggawa ng coffee. Masaya naman ang paggawa ng coffee pero nakakatakot baka masobrahan ang paglalagay mo ng Sugar or gatas.
Alas 10 ng gabi ng magsara na ang Shop. Tapos narin kaming maghapunan kaya pagka-uwi ay matutulog nalang diretso.
Lumabas na kami at sinarado ang shop. Umiwi na ako at iland sandali pa ay nakarating na ako ng bahay.
Binuksan ko ang pintuan namin na gawa sa plywood at bumungad sa akin si Joy sa sala na nanood ng T.V.
"Joy? Bakit gising kapa?" Gulat kong tanong at hinubad ang sapatos ko at lumapit sa kanya't binigyan ng halik.
"Hinihintay ka syempre" sagot niya.
"Sus. Eto naman miss agad ako." Tukso ko sa kanya
"Kumain kana?" Tanong niya.
"Oo. Tapos na. Ikaw kumain kana?" Tanong ko rin sa kanya.
"Oo tapos na. Sige na. Magpalit kana ay matutulog na tayo." Tumayo siya at pinatay ang T.V. pumasok siya sa kwarto at sumunod naman ako. Nagbihis na ako at humiga sa tabi niya.
"Kumusta trabaho mo?" Tanong ni joy sa akin.
"Ayon. Nakakapagod. Akala ko nga pagagalitan ako ng manager namin dahil may costumer na tumawag sa kanya. Pinalapit ako dahil ako ang gumawa ng coffee ng costumer na iyon. Imbes pagalitan ako, pinuri pa ako ng costumer. At ang costumer na iyon ay siyang may ari ng Coffee shop na pinagtayrabahuhan ko. He also told me that he will be observing my moves dahil ilalagay daw niya ako listahan ng mga mapo-promote." Kwento ko.
"Talaga? Sana naman ma-promotes ka para magpakasa-" hindi niya tinapos ang sasabihin niya. Natawa naman ako dahil sa ginawa niya.
"Ano? Bakit hindi mo tinuloy? Sana map-promote ako para magpakasala na tayo?" Tanong ko at tumango naman siya na parang bata. "Don't worry joy. Magpapakasal tayo kahit hindi ako ma-promote. Magpapakasal tayo pag-nakaipon na ako" dagdag ko.
"Sige na matulog na tayo. Maaga pa pasok mo bukas" sabi niya and she give me a slight kiss. Natulog na kami na nakayakap sa isat-isa.
See you in the next chapter!!

YOU ARE READING
In Richer & In Poorer (COMPLETED)
Teen FictionBeing Rich or Being Poor is not a Hindrance To the two human who commit to love each other.