Dinala ko si francesca sa isang mamahaling restaurant kasi iyon ang sinabi ni dad. Ayaw ko naman siyang tutulin dahil pera naman niya ang ipinanggastos namin.Hindi ko lang alam kung ano ang mga ginagawa ni daddy. Dahil lang sa desparado na silang dalawa ni mommy na magka-apo kaya niya ginagawa ang mga bagay na iyon? Kaya niya minamadali ang relasyon namin ni Francesca dahil lang gusto na niyang magka-apo?. Anong akala niya sakin, aso na maibibigay agad ang ginugusto niyang anak?
I have a big respect of my dad. Malaki ang respeto ko sa kanya dahil siya ang nagpalaki at nagpapakain sakin. Pero... pero dahil sa mga ginagawa at pinapakita niyang ganun,parang nababawasan ang respeto ko sa kanya. Hindi naman sa galit ako dahil tatay ko siya, galit ako dahil minamadali at pinapakialaman niya ang sa amin ni Francesca.
"Julius? Are you okay?" Natauhan lang ako ng biglang magsalita si Francesca sa harap ko. Nandito pa pala kami sa restaurant na kinainan namin. Hindi ko alam dahil sa paglalayag ng aking isip.
"Ohh. Sorry, may iniisip lang ako" i smiled at her.
"Is it about the thing your dad said earlier? Isn't it?" Tanong niya.
"Sorry about that, hindi ko din alam kung bakit sila nagmamadali eh" sagot ko.
"Its okay , i understand naman" she smiled.
"By the way, bakit ka sumang-ayon sa sinabi ko kanina nung tinanong ka ni dad?" Tanong ko.
"Tama naman yung sinabi mo eh, i just... i just want to agree kung ano alin ang tama" hindi siya makatingin akin
"Hey, are you okay?" Takang tanong ko.
"Ahh yes!... yes, im okay"
"You don't feel comfortable with me? Do you?"
"No, im fine, may naalala lang ako."
"Okay. Just tell me if there is something wrong"
"Sure! Let's eat na" she said na may pilit na ngisi.
Nagsimula na kaming kumain at nagpatuloy parin sa usapan. Tumayo naman kami at lumabas ng reastaurant pagkatapos kumain.
"Where do you want to go next?" Tanong ko habang naglalakad kami sa mall.
"Can we go there? Kahit sandali lang, may bibilhin lang ako" tanong niya sabay turo sa Shop na puro pambabae ang damit.
"Sure" sang-ayon ko naman.
Tumungo kami sa shop na gusto niyang pasukan. Sumama ako sa kanya loob kahit ayaw niya. Pagkapasok namin ay bulong-bulongan agad ang sumalubong samin.
"Ang gwapo naman ng boyfriend niya"
"Sana ako nalang si girl"
"Ang swerte ni girl noh? Nakabingwit ng Kano"
"Bagay naman sila, parehong maganda at gwapo"
nginitian ko nalang sila na parang walang narinig. I glanced at Francesca at parang hindi si komportable dahil sa mga narinig. Lumapit ako sa kany at may binulong.
"Just Ignore them, wala naman tayong mapapala kung pakikinggan natin yang pinagsasabi nila." Saad ko.
Tumingin naman siya akin at ngumiti. "Thank you" sabi niya
"Cge na. Magpatuloy kana" utos ko kanya. Nagpatuloy namin siya sa pamimili ng damit. Makalipas ang ilang oras ay natapos na siya at lumabas na kami ng shop na iyon.
"Dami mong binili ha? Para sayo lahat yan?" Tanong ko
"Ahh.. hindi.. ibibigay ko to kila mommy at sa mga cousin ko." Sagot niya.

YOU ARE READING
In Richer & In Poorer (COMPLETED)
Teen FictionBeing Rich or Being Poor is not a Hindrance To the two human who commit to love each other.