Chapter 13

10 2 4
                                    

6:30 ng magising ako. Dumiretso ako sa banyo para maligo at magbihis dahil ihahatid ako ni mang teban ngayon. Hindi daw makakapunta si Luis dahil May gagawin pa daw siya ay malelate daw siya ng ilang oras.

Bumaba ako para kumain ng agahan. Naabutan ko si daddy na kumakain nadin at si mommy ay tinutulungan si manang mag luto.

Nagpaalam na ako pagkatapos kong kumain at Hinatid ako ni mang teban .

Bumaba ako ng sasakyan at dumiretso sa classroom. Wala pa si Luis , alas 7 palang kaya makakaabot pa siguru yun

8:00 A.M nang dumating si Luis at hingal na hingal habang naglalakad sa patungong upuan niya.

"Bakit ka hinihingal?" Tanong ko

"Syempre tumakbo kaya hiningal ako. Akala ko kasi late na ako" sagot niya.

"San ka ba galing at bakit ngayon kalang?" Tanong ko

"Dyan lang. Sinama kasi ako ni daddy sa kompanya dahil ako daw ang magmamana nun"

"Ahhhh.." tumango naman ako

Dumating na ang teacher namin sa History at nagsimula na siyang nag discuss sa harap. Nakinig nalang kami dahil palaging nagpapa-surprise quiz itong si maam.

"Okay, that is for today, Get a paper, number 1" She Said

Dali-dali namang kumuha ang mga kaklase ko ng papel pati narin si Luis , samantalang ako ay kanina pa naka handa. Alam ko kasi na palaging ganito si maam kaya naghanda nalang ako.

Nagsimula na ang quiz naman and not bad dahil nakakuha ako ng 24/25 na score. 20/25 naman kay Luis at sa ibang kaklase ko ay 20 below na.

Dumating ang lunch time, at sabay ulit kaming pumuntang canteen ni Luis, dating gawi, siya ang bumili at pumila at ako naman ang naghanap ng mauupuan.

Nakaupo na ako at tumingin sa direksyon ni Luis, napansin ko na wala na yung dalawang babae na palaging kausap ni Luis.

Papunta na si Luis si direksyon ko dala-dala ang pagkaing binili niya. Umupo siya sa harap ko at nagsimula na kaming kumain.

"Julius" tawag niya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko

"Malapit na tayo mag grade 8 ,malapit narin birthday mo"

"Oo nga noh? Hindi ko na maalala ,"

"Birthday mo hindi mo maalala?"

"Nakalimutan ko lang, naging seryos kasi ako sa pag aaral kaya nawala sa isip ko" sagot ko.

"So ano plano mo?" Tanong ni Luis

"Anong plano?" Taas kilay kong tanong.

"For your birthday"

"Simple lang. Sila mommy na bahala dun, Kung magpa-party ba sila o hindi" sagot ko.

Tumango naman siya at nagpatuloy sa pagkain. At bumalik sa Classroom pagkatapos.








Months of april natapos ang klase namin at month of may ay enrollment na. Nag bakasyon kami sa Canada in the month of june. Bumalik naman agad kami sa araw bago ang birthday ko dahil gusto ni mommy na dito kami mag celebrate.

Kinaumagahan sa kaarawan ko ay matagal akong nagising. Dumiretso ako sa banyo para mag hilamos at magmumug.

Bumaba ako at napaka busy ng tao sa labas. Si mommy panay ang Decorate sa garden , si manang naman ay panay ang Luto ng mga ulam at ang ibang kasambahay naman ay tumulong kay momny at manang.

Dumiretso ako sa garden para batiin si mommy ng goodmorning.

"Goodmorning mom" bati ko

"Ohhh Baby. Goodmorning, How's your sleep? Happy Birthday!" Sabay yakap niya sa akin.

"Mom could you please stop calling me baby? Im 13 years old na." Reklamo ko

"Ok ok, i wont na" sabay ngiti.

Nagpaalam ako na pumasok para manood ng T.V. umupo ako at binigyan ako ni manang ng Snack. Nagpasalamat naman ako dun.

Bandang ala 4 ng hapon ay marami-rami na ang tao sa garden. Its daddy's Company Employeers, Umakyat naman ako ako taas para magbihis na dahil magsisimula na raw ang party.

Pagkabihis ko ay bumaba naman agad ako at dumiretso sa Garden, marami na ang tao na nagiinuman. Tinawag ako ni mommy at lumalit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

May umakyat sa stage na mukhang siya ang Emcee at nagsimulang mag salita.

The party started, malakas na music, mga taong nagsasayawan, nagsisigawaan at nagtatawanan.

Papasak na sana ako sa Loob ng bahay ng bigla akong tawagin ni Luis. Lumingon ako sa kanya at may binigay siya sa aking Tatlong regalo.

"Bakit tatlo?" Takang tanong ko

"Para I love you" tumawa siya

"Gago ka!bakit nga tatlo?" Tanong ko ulit

"May nagpapabigay lang niyang dalawa"

"Sino naman?"

"Ewan ko! Binigay lang sakin yan ng dalawang babae dyan sa labas dahil may nalimutan daw sila" sagot niya

Tumango naman ako at nagpasalamat kat Luis. Bumalik na siya sa Upuan ng pamilya niya at tuluyan narin akong pumasok sa loob.

Dumiretso ako kusina para dun kumain, Pumasok si manang at may kinuha sa kusina nang napansin niya ako sa kusina.

"Julius?bakit ka nandyan? Ayaw mo ba sa labas?" Tanong niya

"Maingay po kasi sa labas manang kaya dito nalang po ako." Sagot ko

Tumango naman si manang at lumabas na. Sumunod naman si mommy na pumasok para mag cr nang napansin niya naman ako sa kusina na kumakain.

"Anak! Bakit ka nandyan?du tayo sa labas, nandun mga classmates mo"

"Dito lang po ako mommy, maingay po kasi sa labas tsaka bubuksan ko pa po tong mga regalo nila sakin pagkatapos kung kumain."

"O sya sige, lumabas ka lang kung Gusto mo"

Tumango ako at tuluyan nang lumabas si mommy mula sa kusina.

Natapos akong kumain at pumuntang sala para buksan ang mga regalo. Naupo ako sa sofa at nasa harap ko ang mga regalo nila na nakalagay sa paper bag, naka wrapper na may nakalagay na happy birthday.

Una kong binuksan yung mga naka wrapper, merong sapatos, Bag, Relo, Airpod, at kung ano-ano pa na nakalagay sa Box.

Sunod kong binuksan ang naka paper bag, sa oras na ito, binuksan ko ang regalo ni Luis. Isang Hat na may nakalagay na julius at may isang Relo na naka-customize.

Sunod kung binuksan yung dalawang dala niya. Yung binigay daw ng dalawang babae sa labas. Im thinking kung nakarating na ba sila.

Una kong binuksan ang kulay Red na paper bag, dalawang T-shirt ang laman nito na parang pina-customize din at isang sapatos na kulay gray.

Huli kong binuksan ang Color Blue na regalo, lahat ng regalo dito,ito lang ang nag iisang kulay blue which is my favorite color. Binuksan ko ito at nagulat ako dahil isang maliit na box ang laman nito, binuksan ko ang box ang isang Bracelet na nay nakalagay na Heart shaped sa gitna nito. Kanino naman kaya galing ito? Tanong ko sa sarili ko.

Hindi kona pinansin iyon at niligpit ng kalat at dinala sa kwarto ko ang mga laman ng regalo. Nilagay ko ito sa tabi at tinignan ang oras,alas 10 na ng gabi. Humiga ako at tuluyan nang natulog.






















See you in the next chapter!

In Richer & In Poorer (COMPLETED)Where stories live. Discover now