Chapter 15

3 2 0
                                    

Years had passed at graduate na ako ng college, nandito ako ngayon sa Office ko. Nagsimula na akong magtrabaho dito sa kompanya namin dahil sabi ni daddy na ako raw ang magmamana nito.

Hindi pa naman gaanong matanda si daddy pero kailangan na sa bahay nalang silang dalawa ni mommy manatili.

Hapon na at pababa na sana ako galing sa itaas ng kompanya para pumuntang Parking Space ng biglang sumakit ang ulo ko.

Biglang may puting liwanag akong nakita kahit nakapikit ako.

"Suotin mo yan palagi ha, huwag mo yang iwawala kahit anong mangyari"

Sabi ng isang batang lalaki sa alaala ko. Nakita ko ang kwentas na ibinigay ng bata na may nakaukit na "Jul" na pangalan.

Iminulat ko ang mga mata ko at biglang may naalala. Yung kwentas na iyon, at yung kwentas na nahulog nung babaeng nangangalang Clarisse ay pareho ang Itsura.

Dali-dali akong sumakay sa sasakayan ko ay mabilis na pinaharurot ito pauwi ng bahay.

Pagkarating ko sa bahay ay dali-dali akong bumaba ng kotse a tumakbo patungong Kwarto para hanapin ang kwentas na kapareho ng nasa alaala ko.

Hinanap ko ito and luckily i found it, tinitigan ko ito and it really looks the same.

Bumaba ako mula sa kwarto habang dala-dala ang kwentas. Plano ko sanang tanungin sila mommy at daddy kung may alam ba sila na may binigyan ako ng kwentas nung bata pa ako. Umupo ako sa upuan na nasa gilid ni mommy.

"Mom, dad, i hava a question to ask." Panimula ko.

Binaling nila ang atensyon nila sakin at tumigil sa pagkain.

"What is it anak?"tanong ni daddy.

"Ahhmm.. Actually, i have been dreaming lately about this girl, and i can't see her face exactly, the only thing that is clear in my dream is a necklace and it has name in it." Sagot ko.

Nagkatingin sila ni mommy at parang may hindi sila sinasabi sakin.

"May binigyan po ba akong tao ng isang kwentas noong hindi pa po ako naaksidente o nung bata pa po ako?" Tanong ko ulit. Hindi ko nalang kinuha ang kwentas sa bulsa ko dahil baka mawala pa ito.

"We dont exactly know anak. Wala kaming alam na may binigay kang kwentas sa isang tao" daddy replied.

I saw mom na parang hindi sa makatingin sa amin o sabihin na nating sakin. Hindi siya nagsasalita at nakatuon lang atensyon sa lamesa.

"Mom? Are you okay?" Tanong ko sabay hagod sa likod niya.

"Ahh.. yeess... i-im F-fine ....ma-may iniisip lang" sagot niya.

Nagpatuloy na kaming kumain nang biglang magsalita sa daddy.

"By the way julius, your already 26 years old, wala ka bang naiibigan o ipapakilala sa amin?" Tanong ni daddy.

"Dad, that's not my priority,this time, i have to focus sa business natin at wala pa akong planong mag asawa" seryoso kong sagot.

"There's a friend of mine kasi na may anak na kasing eded mo, i just want you to take a snap look at her baka magustuhan mo siya"

"Dad please"

"Anak, your mom and i already want a grandchildren. 26 kana at tumatanda na kami. Gusto namin na magka-apo at makita sila habang buhay pa kami." Parang pinapakonsyensya nako sa mga sinasabi niya.

Labag man sa kalooban ko ay pumayag nalang ako. Hindi naman masama kung susubukan ko diba?

Natapos na kaming kumain at dad told me na bukas niya daw ipapakilala ang anak ka-business partner niya. Umakyat na kami sa kanya-kanyang kwarto at natulog.

In Richer & In Poorer (COMPLETED)Where stories live. Discover now