"Hoy! Julius! Tanghali na bumangon kana dyan!" Malakas na sigaw ni joy mula sa labas ng kwarto.
Tiningnan ko ang oras sa Cellphone ko at alas 7 palang ng umaga. Pano naging tanghali ang alas 7?
"Julius! Ililipat pa natin tong gamit natin dyan sa kwarto kaya tulungan mo ako." Sigaw niya ulit.
"Oo na. Lalabas na wait lang!" Sigaw ko naman pabalik. Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
"Ano?" Tanong ko pagkalabas.
"Tupiin mo yang damit para hindi kalat tingnan. Tsaka pumunta yung may ari ng bahay na may Second hand daw na kabinet ang kapitbahay nila na ibinenta. Baka daw gusto nating bilhin." Sabi niya habang nagtutupi.
"Magkano daw?" Tanong ko at umupo.
"2500 ang yung malaki tsaka 100 yung maliit. Ako nalang magbabayad nun."
"Idagdag mo nalang tong 3000 dyan. Tsaka baka ibenta ko yung Sasakyan ko para makabili tayo ng gamit dito bahay." Sabi ko sa kanya at kinuha sa bag ang natitira kong 3000
"Ano? Ibebenta mo yung sasakyan? Sigurado ka?" Gulat niyang tanong.
"Oo. Sigurado ako. Besides hindi ko naman yun magagamit dito kaya mas mabuti pang ibenta nalang kaysa masira" sagot ko.
"Salamat julius." Pagpapasalamat niya sa akin.
"Wala yun. Tayo lang din naman ang makikinabang." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagtutupi.
"Anong oras natin pupuntahan yung kabinet na sinasabi mo?" Tanong ko pagkatapos kong matupi lahat ng damit ko.
"Pwede ring ngayon na. Okay lang?" Tanong niya.
"Sure. Magpapalit lang ako ng damit" paalam ko sa kanya at nagpalit ng damit. Lumabas ako at nakahanda na rin si joy.
"Bea! Aalis muna kami sandali para kunin yung kabinet!" Sigaw niya mula sa loob.
"Ok po ate!" Sigaw naman pabalik ni Bea mula sa kusina. Nagluluto kasi siya ng ulam. Niluto niya yung natirang groceries na binili pa namin sa cebu.
Pumunta kami sa bahay ng may ari at tinuro niya yung sinasabing ibinibenta ang kabinet nila.
"Lola. Kami po sana yung bibili ng kabinet na binibenta ninyo" sabi ni joy sa isang matandang babae.
"Ahh. Kayo ba yung bumili ng bahay dyan?" Tanong niya sabay turo sa bahay na binili namin. Hindi naman kasi ito medyo malayo.
"Opo. Kami po yun" sagot ko naman.
"Ayy. Mabuti naman at meron na kaming bagong kapitbahay" ngumiti si lola sa amin.
"Oo nga po eh" ngumiti rin si joy.
"Taga san ba kayo?" Tanong bigla ni lola.
"Ahhh. Taga cebu po lola." Sagot ko.
"Taga cebu? Bakit kayo napunta dito sa palawan eh ang layo nito sa cebu." Takang tanong niya.
"Ahh. Ano po kasi manang... ahhh..." nag-iisip si joy ng sasabihin. "Gusto na po namin kasing bumukod ng asawa ko kaya kami nandito" sagot ni joy na ikinagulat ko.
"Ahh. Kasal na pala kayo?" Tanong ni lola.
"Ahh. Hindi pa po. Ikakasal pa lang. Pwede na po namin kunin yung kabinet?" Magalang na tanong ni joy.
"Ay. Oo nga pala. Hali kayo. Kunin niyo sa loob" pinapasok kami ni lola sa bahay niya.
Sumunod kami sa kanya. Dumating kami sa isang bahagi ng bahay niya parang bodega.

YOU ARE READING
In Richer & In Poorer (COMPLETED)
Teen FictionBeing Rich or Being Poor is not a Hindrance To the two human who commit to love each other.