Nagising ako dahil sa lakas ng katok sa pintuan. Tiningnan ko ang orasan na nasa side table ng kama ko and its still 6:00 am. 8:30 pa ang klase ko at bakit maaga akong ginising ni manang auring.
"Sir julius! Gising na po!"sigaw ni manang auring mula sa labas.
"Opo! Babangon napo!" Sigaw ko pabalik.
Tumayo ako at pumuntang banyo na nasa kwarto ko lang din para maghilamos at magmumog. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at naalala ko ang ginawa ko kay joy kahapon. Ang pagtalikod ko sa kanya at ginawa kong pag amin.
Natulala ako ng ilang sandali dahil sa kakaisip kung paano ako magso-sorry sa kanya. Natauhan lang ako ng biglang kumatok nanaman si manang auring.
Lumabas ako ng banyo at bumababa na.
Pagkababa ko may nakita akong dalawang maleta na nakatayo at nasa gilid ng sofa.
"Son! You're awake! Come here! Breakfast is ready" tawag sakin ni daddy jun.
"Kanino pong mga maleta yun dad?" Tanong ko at umupo sa harap nila mommy at daddy.
"We have an urgent company meeting sa canada anak. Kagabi kasi tumawag si pedro para ibalita na gustong makipag meeting ng ibang investors natin." Mom said.
"1 week kami dun anak kaya si manang auring at mang teban lang muna ang kasama mo dito sa bahay." Dad Also Said.
"Hmmm" I Just nodded.
Sanay naman ako na palaging pumupunta ang parents ko sa canada para sa business namin. Ayawa ko man pero wala naman akong magagawa dahil business yun at para narin iyon sa future ko.
Nagsimula na kaming kumain habang naguusap si mommy at daddy.
Hindi ko nalang pinansin ang pinag-uusapan nila dahil wala naman akong alam dun.
Ilang sandali pa ay natapos na akong kumain at dumiretso sa banyo na nasa kwarto ko para maligo.
Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na agad ang uniporme at sapatos ko.
Bumababa na ako at wala na ang dalawang maleta na nasa gilid ng sofa kanina. Siguro umalis na sila patungong canada.
Nakita ako ni manang auring at tumakbo siya papuntang garahe para tawagin si mang teban at ihatid ako.
Manang auring and mang teban katulong namon dito sa bahay at silang dalawa ay mag-asawa, 56 y.o na si manang auring at 58 y.o naman si mang teban. 30 na taong gulang palang daw sila nang nagsimula na silang magtrabaho dito sa bahay namin kaya malaki ang tiwala ng mga magulang ko sa kanilang dalawa.
After a while, tinawag na ako ni mang teban mula sa pintuan para ihatid sa school. Sumakay naman agad ako pagkarating sa garahe dahil halos pasado alas 7:40 na.
8:16 am nang marating namin ang parking lot ng school. Nagpaalam agad ako kay mang teban at diretsong bumaba sa sasakyan at mabilis na tumakbo papuntang classroom.
Swerte dahil pagkarating ko sa bukana ng room ay wala pa ang guru namin. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si joy na nakatulala sa kanyang upuan.
Grade 3 na kami ni joy at pareho kaming nag aaral sa makupa Elementary school. Classmate kaming dalawa at magkatabi ng upuan.
Pumasok na ako at dumiretso sa upuan na katabi ni joy.

YOU ARE READING
In Richer & In Poorer (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiBeing Rich or Being Poor is not a Hindrance To the two human who commit to love each other.