Chapter 29

3 2 0
                                    


"Yun joy oh! Maganda," sabay turo ko sa isang T.V.

Nandito kami ngayon sa mall ng lugar na ito para bumili ng mga gamit pang-bahay.

Sabi ni joy na bibili raw kami ng T.V para hindi daw palaging tahimik sa bahay.

"Saan?" Tanong niya.

"Ayun oh! Tara puntahan natin" hila ko sa kanya papunta sa direksyong tinuro ko.

Narating namin ang sinasabi kong T.V sa kanya. Flat Screen ito at ang presyo ay 8k. Hindi na masama dahil maganda naman at sakto lang sa laki.

"Eto bibilhin natin?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw kung yan ang gusto mo" sagot ko naman sa kanya.

"Sige. Ito nalang." Sang-ayon niya.

Tinawag niya ang nagbabantay at tinesting ang T.V. pagkatapos e testing ay nagbayad na si joy. Pumunta nanaman kami sa nagtitinda ng Ref.

We should spend this money para naman may remembrance ako sa sasakyan ko. That car is daddy's gift nung 26th birthday ko. I treasure it a lot before but now is hindi na dahil sa ginawa ni daddy.

Nakarating na kami sa bahagi ng mall kung saan may mga Refrigerator. Bumili kami ni joy. Maliit lang ang binili namin dahil mura lang. Nasa 7.5k ang maliit kaya ito nalang ang binili namin.

Pumunta na rin kami sa Grocery at bumili pa kami ng kailangan sa bahay. Tanghali ng umuwi at nakarating kami bahay.

Pagkarating namin ay may niluto nang tanghalian si Bea. Kumain naman agad kami dahil aalis ulit kami para maghanap at mag-apply nang trabaho.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaginga muna kami at umalis ulit. Inassemble ko narin ang T.V para may mapanood si Bea habang wala kami.

Naghiwalay kami ni joy para maghanap ng Trabahong ma-aaplayan. Pumunta ako sa isang Fatsfood chain dala-dala ang mga papeles na kinakailangan sa pag-aaply.

"Excuse me po. Nag-hihire po ba kayo ng Crews?" Tanong ko sa manager nila.

"Sorry. Full na ang Slots namin. Try mo sa Coffee shop na yun" turo niya sa isang coffee shop sa tapat..

"Sige po. Salamat" pagpapasalamat ko at umalis na.

Tumungo ako sa coffee shop na sinabi niya at pumasok. Pumunta ako nang counter at tinanong ang cashier ng Shop kung meron pa ba silang as a crew. Tinawag niya muna ang manger nila.

"Hello. Im Allan. Im the manager of this Shop. How can i help you" tanong sa aking ng manager nilang bading.

"Im Julius. I just want to ask if there is an availble slot as a bartender or anything? Naghahanap kasi ako ng trabaho" i answered.

"Ohhh.. your lucky! Meron kaming isang slot." Nakangisi niyang sabi.

"Really?" Para akong nabuhayan sa narinig ko.

"Pero.... marunong kabang magtimpla ng coffee? Not an ordinary coffe but a special coffee" tanong niya.

"Ahmm..hindi po masyado. Pero susubukan ko po. I will try. " maagap kong sagot.

"Okay. Just don't be Clumsy. 4000 ang buwanang sweldo dito. Free ang Lunch at dinner. 10:00 ng gabi ang out at 7:00 ng umaga ang pasok. Is it okay to you?" Tanong niya.

"Yes po. Its super okay to me." I said happily.

"Okay. You can Start tomorrow. Bukas ko nalang ibibigay sayo ang Uniform mo.

"Thank you so much po. I will try my very best tomorrow." I bowed at him. "Una na po ako" paalam ko.

"Okay. See you tomorrow" paalam niya rin. Tuluyan na akong lumabas ng coffee shop.

I don't have any talent on how to make a coffee. Ang alam ko lang is yung ordinaryong kape.

But i think tomorrow is masusubok ang kakayanan ko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko bukas para magtagal ako sa trabaho. Madali naman akong makaintindi at makakuha pagtinuturuan ako kaya kaya ko ito.

Naglalakad na ako pauwi dahil hindi naman masyadong malayo ang bahay namin ay hindi narin gaanong mainit.

"Julius!" Tawag sakin mula sa likod. Tiningnan ko kung sino and its joy.

Huminto ako sa paglalakad at hinintay siyang makarating sa pwesto ko.

"Ano? Nakahanap ka ng trabaho?" Tanong niya.

"Ahh. Oo. Dyan sa Coffee shop. Ikaw?" Tanong ko rin.

"Tatawagan lang daw ako kung okay na" malungkot niyang sabi.

"Hey. Bakit ka malungkot? Dahil natatakot ka na baka hindi ka tawagan? Its okay. Lets pray na bukas na bukas ay tatawagan ka na nun" i encourage her. Ngumiti naman siya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad pauwi.

Humiga muna ako sa mahabang upuan at nagpahinga.

"Julius. Kakain na" pag gising sa akin ni Joy. Hindi ko namalayan na Nakatulog pala ako. Gabi na pala.

Bumangon ako at sumunod kay joy sa Kusina. May nakahanda nang pagkain doon. Umupo ako sa tabing upuan ni joy at nagsimula nang kumain.

"7:00 ang pasok ko bukas joy" pagsasalita ko sa gitna ng katahimikan.

"7 ng umaga?" Tanong niya at lumingon sa akin.

"Oo. 10 ng gabi ang out ko." Sabi ko ulit.

"Ganun bah. Okay. Mag ingat ka ha" sabi niya.

Natapos kaming kumain at naglinis ng pinagkainan at pumunta muna sa sala para magpahinga.

Umakyak na kami ni joy ilang sandali. Nag toothbrush at naghilamos narin kami. Humiga na kaming dalawa at pinatay ang ilaw. Tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa silid namin.

"Joy. Anong trabaho ang in-applyan mo?" Tanong ko at humarap sa kanya. Mula sa pagkakatalikod ay humarap rin siya.

"Nag apply ako sa isang agency dito sa palawan model pero sabi tatawagan lang daw nila ako. Tsaka nag apply rin ako sa isang mall at ang sabi rin ay tatawagan nalang daw ako pag may nahanap na silang pwesto." Mahabang sagot niya.

"Ganun ba? Huwag kang mag-alala, may trabaho naman ako. 4000 ang buwanang sahod dun kaya okay na yun" sabi ko sabay haplos sa buhok niya.

"Hindi yun okay noh. Mas mabuti na tayong dalawa ang magta-trabaho para hindi ka mamomoblema sa mga gastuhin sa bahay." Sagot niya.

"Okay na yun. They say na dapat ang babae ay nasa bahay lang at ang lalaki ang kumikita ng pera" saad ko.

"Tumigil ka julius. We are in the year 2021 at 27 years old kana. Lahat ng gawain ng lalaki ay kaya na naming mga babae. Tsaka hindi dapat na ikaw lang ang nagtatrabaho dahil tatlo tayong nandito. Kaya dapat tayong dalawa ang magtrabaho" seryoso niyang sabi.

"Okay okay. Galit ka naman agad. Gusto ko lang na nandito ka sa maliit nating bahay" sabay pindot ko sa ilong niya.

"Ayaw ko. Gusto ko tayong dalawa ang magtrabaho at kikita ng pera" final niyang sagot. Wala naman akong nagawa kundi ang tumango nalang.

"Okay ikaw. Kung yan ang gusto mo." I smiled at her.

"Julius" tawag niya sa akin.

"Hmmm? Bakit?" Nakataas ang kilay ko na parang nagtatanong.

"Kailan mo ako papakasalan?" Tanong niya at pulang pula ang mukha.

"Kung kailan gusto mo" sagot ko naman.

"Ewan. Kung kailan mo ako yayayain" sagot naman niya.

"Okay. Mag iipon muna tayo para sa kasal natin. Just Promise me na huwag kang hahanap ng iba" banta ko sa kanya.

"I wont. Your the only one i will be loving forever." Sabay pindot niya sa ilong ko.

































See you in the next chapter!!

In Richer & In Poorer (COMPLETED)Where stories live. Discover now