"Matagal nang patay ang nanay ko julius" malungkot niyang sabi.Nagulat ako sa sinabing iyon ni Joy. I can't believe na wala na si nanay beth.
"Ano ang ikinamatay niya?" Tanong ko.
"Brain tumor. Inoperahan siya pero hindi kinaya ng katawan niya" umupo siya sa tabi ko.pumunta naman si Bea sa kusina."Actually tumulong naman ang daddy mo. Pero ang pagtulong niyang iyon ay may kapalit." Sabi niya sakin. Nagulat ako dahil sa sinabi niyang tumulong si daddy pero merong kapalit?
"Anong kapalit?" Tanong ko
"Walang-wala kami nung panahong na-ospital si nanany julius. And sa araw din na yun ang nabangga ka. Sinugod ka sa ospital at sumama ako noon. When the doctor said na kailangan kang operahan dahil malaki ang naging epekto sa ulo mo dahil sa aksidente, Sinabi ng daddy mo sa akin na tutulungan nila ako sa pagpapa-opera kay nanay. Pumayag naman ako pero sinabi ng daddy mo na kailangan kitang layuan, na hindi na ako magpapakita sayo at Magpakalayo-layo. Mahabang niyang sabi.
"I remember ma bumisita kapa sakin nung nasa hospital pako. Right?" Tanong ko. Naalala ko nung nasa ospital pa ako na bumisita siya pero hindi ko siya nakilala.
"Yes. Bumisita ako sayo nun. Nagmakaawa ako sa daddy mo na makita ka kahit sa huling sandali at pumayag naman siya. Yun nga lang hindi mo ako nakilala dahil nagka amnesia ka daw" parang natatawang sabi niya.
"Bakit parang natatawa ka?" Takang tanong ko.
"Wala. Naalala ko lang yung panahon hindi mo ako makilala." Tumawa siya." Kaya ayon na nga. Kinabukasan nun ay inilipat namin si nanay ng ospital sa cebu. Daddy mo rin ang gumastos sa pagpapalipat namin dun. Pero dumaan ang ilang araw at Araw na para operahan si nanay pero dineklara ng doctor na wala na siya. Hindi daw niya nakayanan ang operasyon." Malungkot niyang sabi.
"I can't believe na nagawa ni daddy yun. All i can see to him ay para siyang isang anghel pero may kulo din pala sa loob" galit ko sabi.
"Okay lang yun. Kalimutan na natin yun matagal na yun." Sabi niya.
"By the way, pano ka naging scholar sa Sanchez Company?" Tanong ko
"Nag apply agad ako nung nabalitaan kong may nagpapatake ng Scholarship dun sa maynila. At ayun ,nakapasa ako. Naalala mo yung nakita mo akong nakadapa sa School nung grade 10 tayo?"tanong niya.
"Yung sinabihan kang malandi?"
"Oo yun."
"Ahh yes. I remember. Bakit ka tumakbo nun?" Takang tanong ko.
"Kasi nga diba nilalayuan kita? Nahulog pa nga yung kwentas na binigay mo sakin eh"
"Kwentas? Nasa akin ang kwentas. Napulot ko nung nahulog mo yun"
"Talaga? Asan na?" Taranta niyang tanong.
"Ayeee.. hinahanap niya. So ibig sabihin may feelings ka parin sakin no?" Tukso ko sa kanya.
"Porke hinahanap may feelings agad?" Hindi siya makatingin sa akin.
"Sabihin mo na kasi" pilit ko sa kanya.
"Sasabihin ko sayo basta ready na ako. Tara na! Tumayo ka na jan kakain na tayo" tumayo siya at sumonod naman ako sa kanya sa kusina.
Nagsimulan kaming kumain. Adobong manok ang nilutong ulam ni Bea. masarap naman ang niluto ni bea kaya naparami ang kain ko.
"Kuya, ano pong name niyo?" Tanong ni bea habang kumakain kami.
"Julius. Julius Howlard" i smiled at her.
"Boyfriend ka po ni Ate Clarrise?" Tanong niya.
"Hoy bea! Huwag ka ngang tanong ng tanong. Hindi ko yan boyfriend no!" Agad namang sagot ni Joy.
"Ahh. Hindi pa sa ngayon. Pero balang araw ay magiging boyfriend na ako ng ate mo" sagot ko naman sabay kindat kay joy.
"Julius. Baka maniwala yan!" Problemada niyang sabi.
"Bakit? Hindi bah? Kaya nga kita pinuntaha dito diba para tuparin ko yung pangako ko na papakasalan ka." Malumanay kong sabi.
"Bahala nga kayo diyang dalawa" tumayo at umalis si joy at pumunta sa sala.
"Bagay po kayo julius. Wala po yang naging boyfriend si ate kasi sabi niya sakin may hinihintay daw siya. Yung kababata daw niya." Tsismis ni Bea sakin.
"Talaga? Wala pang naging boyfriend ang ate Clarrise mo?" Gulat na tanong ko.
"Oo wala pa po kahit isa" sabay taas-baba ng kilay niya. Tumango naman ako at ngumisi.
"Teke lang. Magka ano-ano ba kayong dalawa?" Tanong ko.
"Magpinsan po. Kapatid po ako ni ate Analyn. Wala narin kasi ang nanay at tatay ko tsaka si ate din ay nasa canada kinuha siya ng jowa niyang kano" Sagot niya. Natawa ako dahil sa sinabi niyang kano.
"Ahh. Ganun bah."
"Oo"
"Sige tulungan na kitang magligpit" presenta ko at tinulungan ko siya. Siya ang naghugas ng pinggan at ako ang nagpunas at naglinis ng lamesa.
Pagkatapos namin sa kusina ay pumunta na kami sa sala. Naabutan ko si joy na nanood ng T.V. hindi Flatscreen ang T.V nila. Parang ang lumang brand ng T.V ito dahil may bukol sa likod.
Umupo ako sa tabi niya at nanood rin. Umupo rin si Bea sa kabilang upuang sofa at nanoon. Walang nagsalita sa amin at tahimik kaming tatlo.
"Hindi kapa pala nagkaka boyfriend?" Tanong ko bigla. Napalingon siya sakin at nagulat.
"Huh? Pa-pano mo nalaman?" Takang tanong niya.
"Alam ko lang. Alam ko nga rin na hinihintay mo yung kababata mo dahil yun ang mahal mo" sabi ko habang naka ngisi.
"Hoy Julius! Pano mo nalaman yan? Sinong nagsabi sayo niyan?" Tumingin siya sakin ng seryoso. Binaling niya ang tingin kay bea."ikaw ba nagsabi sa kanya bea?" Tanong niya na may pagbabanta.
"Sorry ate. Hindi ko naman po sinasadyang sabihin eh. Nadulas lang po ang dila ko kaya nasabi ko po" paghingi ng paumanhin ni Bea.
"Walang kasalanan si Bea Joy. Ako ang nagtanong sa kanya kaya sinabi niya."sabi ko sa kanya kahit hindi naman totoo. Baka pagalitan pa niya si joy dahil dun.
"Hayy naku bea. Matulog kana nga! Baka kung ano nanaman ang sabihin mo diyan sa taong to" utos niya kay bea. Sumunod naman si bea sa utos sa joy at pumunta ng kwarto niya.
"So you admit it na mahal mo pa nga ako" saad ko habang nakatitig sa T.V.
"Wala akong sinabing ganun julius" seryoso niyang sabi.
"Eh bakit tinanong mo ako kung bakit ko nalaman? So totoo nga na hinihintay mo yung kababata mo at totoo rin na hindi kapa nagkaka-boyfriend kahit kailan."
"Alam mo napaka tsismoso mo. Hindi ka naman tsismoso nung bata pa tayo ha"
"Matagal na yun joy. Nagbabago ang tao. Tsaka hindi naman ako nakikitsismis ha, gusto ko lang malaman kung may feeling ka paba sakin" tumingin ako sa kanya habang sinasabi iyon.
"Manood nalang tayo T.V jul. Huwag kang tanong ng tanong." Binaling niya ang tingin sa T.V.
"Sabihin mo na ayaw mo lang sagutin ang tanong ko. Oo o Hindi lang naman ang hinihingi kong sagot eh" saad ko
"Okay okay. Oo na! May feelings pa akk sayo! Ano? Masaya kana?" Sabay tayo niya. "Matutulog na ako. Goodnight." At tuluyan niyang sinarado ang pintuan ng kwarto niya.
Pinatay ko ang T.V at humiga sa sofa. Meron namang unan pero ang problema eh walang Kumot. Pero ok nato. Kesa wala akong matutulugan.
See you in the next chapter!!

YOU ARE READING
In Richer & In Poorer (COMPLETED)
Teen FictionBeing Rich or Being Poor is not a Hindrance To the two human who commit to love each other.