CHAPTER TWO

2 4 0
                                    

TWO

"May gana pa talaga kayong pumasok? Abat ipapaalala ko lang sa inyo na 8 AM ang in natin at hindi 11 AM?" Nakakunot nuong bulyaw sa amin ni Sir Justin, ang boss namin na crush ni Mica.

"Sir sorry po kasi nasira po yung train na sinasakyan namin. Pasensiya na po talaga, di na po mauulit" nakayukong sabi ni Mica, ngunit itong si Sir sa akin lang nakatingin na para bang any time ay hihigupin niya ako.

"Sorry po talaga Sir" Sabi ko habang nakatingin sa kanya, Tinaasan niya lang ako ng kilay at bumaling kay Mica. Phew! Parang bakla talaga itong si Sir.
Hindi naman talaga makakaila na gwapo talaga si Sir Justin, matangos ang ilong, malalim na mga mata at makakapal na mga kilay at mas lalo siyang ga-gwapo kapag ngingiti siya na minsan lang namin makikita. Palagi kasing galit to na para bang pasan niya ang mundo.

"You lost a big client and you expect me to accept your apologies? The two of you will be suspended in 1 week from now"

"Hindi naman namin kasalanan yun Sir, kasalanan ng train" pangatwiran ko.. Napayuko naman ako ng tinignan niya ako ng masama

"Get out"

"Sir?" Si Mica

"I said get out" nagtitimpi niyang sabi

"Bakit mo kasi sinabi yun? Nagalit tuloy" irap sa akin ni Mica, kailan ba yun hindi galit? Psh!
Hindi ko nalang pinansin si Mica at tumuloy na ako sa cubicle ko.

*****

"TAKBO XIA, TAKBO" Naririnig ko ang mala demonyo niyang tawa kaya kahit pagod na pagod at hinihingal na ako sa pagtakbo hindi parin ako huminto. Naninigas na ang aking tuhod ngunit hindi ako pweding huminto. Lumiko ako ng lumiko ngunit nahahabol niya pa din ako.

"Lord, help me" naiiyak kong sambit na kahit nawawalan na ako ng pag-asa pinipilit ko paring tumakbo para lang makalayo sa kanya.

Tumingin ako sa gawi niya ng makitang wala na siya ay huminto na ako at napaupo nalang sa sahig.
Tatayo at tatakbo na sana ako ulit ng paglingon koy

"AHHHHHHHHHHHHH"

Nagising ako dahil sa panaginip na iyon. Hinawakan ko ang aking nuo ng may tumulong tubig galing doon, kinuha ko ang isang face towel malapit sa gilid ko at pinahid sa nuo kong puno ng pawis. Habang nagpupunas hindi ko maiwasang mapaisip, 'Bakit ba palagi ko nalang napapaginipan ang tunnel na iyon? Bakit tila may pinapahiwatig ito sa akin?

Napatingin ako sa damit ko at napailing nalang ng makitang di pa pala ako nakakapag bihis.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umupo ako sa kama at kinuha ang phone ko. 12:56 am na pala ng umaga. Napabuntong hininga na lamang ako at biglang napaisip, bakit ba palagi kong napapaginipan ang tunnel na iyon? Anong pinapahiwatig nito sa akin. Imposible naman yatang coincidence lang ang lahat? O baka naman sanhi lang to ng nangyari kanina. Tama!

Tumingin ako sa bintana kung saan makikita mo ang subway tunnel, mas buhay na buhay ito sa Gabi dahil sa mga ilaw.

Napabuntong hininga ulit ako. Kailangan ko na talagang pumunta sa awtoridad bukas, dahil hindi na ito isang biro o ordinaryong panaginip lamang.. Yung nangyare sa tunnel hindi ko malaman kung totoo nga ba ang mga nakita ko o guni-guni ko lang.

*****

BREAKING NEWS

BABAENG DI UMANO AY HINABOL AT HINAMPAS NG MAKAPAL NA KAHOY SA ULO NG HINDI PA KILALANG SALARIN AY BINAWIAN NA NG BUHAY KANINANG ALAS SINGKO NG UMAGA. PINAGHIHINALAAN DIN ANG ISANG NURSE NA NAKITANG HULING PUMASOK SA SILID NITO. NGUNIT DAHIL SA KAWALAN NG MATIBAY NA EBIDENSYA AY DI SIYA HINULI NG AWTORIDAD AT NASUSPENDE LAMANG NG DALAWANG LINGGO.

UNREVEALEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon