CHAPTER FOUR
SOMEONE'S POV
Lintek nahirapan ako sa babaeng yun kung bakit ba kase may nalaman pa siya eh di sana buhay pa siya kasama pamilya nya tsshh..
"Tao po! Tao po!" dinig kong sigaw sa labas kaya dali dali kong tinakpan ang sugat sa paa ko dahil sa bubog na natapakan ko doon sa tunnel na yun..
"Sino ho sila" pag bungad ko sa kanila agad kong nakilala yung kasama nyang babae na may kasingkitan ang mata at balingkinitan ang katawan.. Isa ito sa nakasakay sa train na iyon na sinadya kong sirain ang kadena sa ilalim ng train upang tumigil mismo sa tunnel na iyon.. Oo planado lahat ng ginawa ko upang sa tunnel na iyon patayin ang mga taong kinaiinisan ko..
"Eherm ahh maam ako ho si Lieutenant Raphael Guzman nag iimbestiga ho ako sa nangyayare sa may tunnel na naging sanhi ng pagkamatay ng isang babae noong nakaraang araw, at nalaman ko din na kaibigan niyo po pala si Viel kaya pasensya na ho sa istorbo kung mamarapatin nyo po ay maari po akong magtanong sa inyo ng iilang mga tanong? " tss inaasahan ko na tong mga tanong na ito
" Ahhhhh sige ho.. pasok ho kayo" pag anyaya ko sa kanilang dalawa sa sala
" Ahmmmm kayo lang ho ba ang nakatira rito??" tanong ng babae. "Ahhhhh pasensya na po ako po pala si Xia sinamahan ko lang ho si LT."
"Ahh haha.. may kasama ako dito nga lang ay wala pa sila may pasok sila sa trabaho tatlo kami rito nakakalungkot na sabihin na ang isa sa aming kasama rito ay namatay jan sa tunnel na yan.. natatakot ako na baka kami ang isunod ng lalaking i--"
" Nakilala nyo ho ang pumatay?? " tanong ni Raphael
" Ang totoo ay hindi namin kilala iyong taong yun ngunit nasisiguro kong lalaki ito dahil sa postura nya ngunit hindi ko nakita ang mukha nya nung nasa tren nung araw na nangyare iyon sa aking kaibigan na si Viel.. " malungkot na sambit ko
" Sorry to hear that,.. " pag yuko nung Xia "b-blood... " sambit nya na nakatitig sa paanan ko.. shit sabi ko sa isip ko.
" Anong nangyare jan? "- Raphael
" Ahh pasensya na na aksidente ako sa opisina kaya't hindi ako nakapasok ngayon naka leave ako " pag papalusot ko.. ngumiti ako sa kanila para takpan ang pagkailang ko 'BWISIT' sigaw ko sa isip ko
Hindi na muli nilang pinansin ang paa ko kaya sigurado ako na di sila maghihinala sakin.. Sinabe ko rin sa kanila na bago lang ako rito sa syudad na ito para hindi kahina hinala.. Masyadong mapuna ang babaeng ito at naiirita ako sa kanyang kilos..
"Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa amin." - Raphael
"Salamat po mag iingat ho kayo ah kung may problema ho tawagan nyo lamang po ako para makatulong sa inyo.."
"Salamat.. ingat kayo" ngiti ko sa kanila
MGA HANGALL BWAHAHAHAH
*****
XIA's POV
Parang pamilyar sakin talaga ang babae na iyon diko matandaan kung saan ko sya nakita eh.. pero nabanggit nya na isa siya sa pasahero ng tren na iyon peroo panong... Ngunit imposible ang amo ng kanyang muka at maliit ang katawan.. Masyado na akong nasisiraan, sinabe na rin nya na lalaki iyon at sigurado sya.. I'm CONFUSE and distracted because of those bad dream.
"ARGHHHH" pag iling ko ng paulit ulit habang nasa sasakyan ni LT. Raphael
"Ano okay ka lang ba Xia? "
"Ahh oo hehe sorry.."
"Bukas ay ako na ang mag iimbestiga tungkol dito wag kanang sumama ipahinga mo sarili mo kaya ko na to"
"Ah eh ano kase--"
"Okay lang.. ako ang may hawak ng kasong ito kaya wag kang mag alala baka ikapahamak mo pa" sabay ngisi nya "Oh narito na pala tayo sa inyo.."
" Ahh sige po maraming salamat Lt. Raphael.. ingat po kayo" tumango lang siya bilang pag papaalam. Tinignan ko muna ang sasakyan niya paalis bago pumasok sa loob ng apartment
"Ano Xia kamusta ang lakad??" pag bungad ni Mica
"Ayun may hint na about doon.. hayss" napaupo ako sa sofa saka pumikit at huminga ng malalim
"Ano sabe? may na interview kayo??"
" Yeah.. and she said it was the man who killed her friend Viel"
"Yung Viel na namatay noong isang araw lang??" pagtataka nya " pero alam mo Xia I have this feeling eh.. I mean si Arriane remember that nurse na kasama ni Dr. Cortez I feel weird ehh sya ang huling nakita sa kwarto kung saan namatay si Viel... "
" That's impossible Mica.. what's her reason to do that? " kalmado pa rin na sambit ko. Umupo ako sa upuan malapit sa akin at pumikit. Ngayon ko lang ata naramdaman ang pagod buong araw.
" Duh my instinct are always true.. baka kasabwat sya nung killer or maybe she's the killer.. nag disguise lang sya or she wear mask para matago ang kanyang identity" sabay upo sa tabe ko na parang nag iisip . Kita mo tong babaeng to, nasobrahan ata to sa panonood ng detective conan.
" You know what your so imaginative Mica" irap ko sa kaniya sabay tayo at naglakad palayo sa kaniya at sigurado magbubunganga nanaman yun.
Imposible na si Arriane yun she's so innocent and I believe that its a Man.. Imposible na babae ang makakagawa ng ganoong bagay at malakas sya base on what I saw last day at the tunnel.
BINABASA MO ANG
UNREVEALED
Mystery / Thriller"We must all suffer one of two things: the pain of discipline or the pain of regret or disappointment." -Jim Rohn