CHAPTER SIX
XIA's POV
Hindi ko na alam anong gagawin. Nagblangko na utak ko sa nangyayare. Ang hirap sa dibdib na nakikita mo ang isang tao na nahihirapan para lang mabuhay.
"MICA!! WALA PA BA SI LT!!?" pasigaw na tanong ko kay Mica, wala ng panahon para tumunganga. Kailangan naming kumilos para maisalba ang buhay ni Angel. Kinakabahan na ako at natataranta na din. Si Mica naman ay tila hindi makakilos sa kinatatayuan niya.
"What happened here?" Napatingin ako sa may pintuan ng may biglang nagsalita, at tila nabawasan ng tinik sa dibdib ng makitang si LT. Guzman iyon
Natigilan sandali si LT bago siya nakakilos. Wala sino man sa aming tatlo ang nag akalang may ganitong mangyayare.
"Nakita po naming duguan si Angel dito mag isa, at ang huling sabi niya bago mawalan ng malay ay 'yung nurse' daw." tarantang sagot ko habang sinasapat ni LT ang pulso ni Angel upang malaman kung ito ba ay buhay pa.
Hindi ko kilala sino ng gumawa nito pero napakawalang puso nya para makagawa ng karumaldumal na pagpatay at pagtangka kay Angel.
Nang matauhan na si LT ay agad niyang binuhat si Angel at dali-daling lumabas, sumunod naman agad kami ni Mica para alalayan si LT na madala si Angel sa ospital.
Napag-alaman naming papunta na si LT dito sa apartment ni Angel para magtanong pa tungkol sa kaso. Kaya nung tumawag si Mica ay mabilis siyang nakarating dahil malapit nalang pala siya. Kung nahuli man siya ng ilang minuto ay maka mas malala pa ang kondisyon ni Angel ngayon.
*****
"Hanggang dito nalang po kayo." yan lang ang narinig ko sa nurse na umalalay sa amin para madala sa ER si Angel.
'Lord, kahit hindi ko po lubos na kilala si Angel sana po ay wag nyo po siya pababayaan. Sana po ay makaligtas siya sa pinagdadaanan nya ngayon. Ikaw lang po ang lubos na makakatulong sa kanya ngayon.' Munting panalangin ko sa utak ko.
"Hindi bat nakakapanghinala ang mga nangyayare? Parang iniisa-isa silang magkakaibigan. Una ay si Viel Reyes na kaibigan at kasama ni Angela Vargas sa apartment. Sumunod si Angela Vargas. Bakit sila ang pinunterya ng killer?" wala sa diwa na nabanggit ni LT Guzman. Sumang ayon naman si Mica sa kanya na hanggang ngayon ay tulala parin sa kawalan, tumingin siya sa amin ni LT at biglang nagsalita
"Ngayon na nabanggit mo, parang nakakapanghinala na talaga. Siguro may nakasagutan sila at gustong maghigante"sabad ni Mica.
"O baka naman may standards ang killer kung sino-sino ang papatayin nya. Diba nabanggit ni Angel na kasama niya sa trabaho si Viel. Puro sila nasa tamang edad at wala pang pamilya. Gusto siguro ng killer na buntisin ang mga ito pero bigo kaya pinatay niya nalang si Viel. At baka ganun din ang nangyare kay Angel pero di nagawa yun dahil nakahingi siya ng tulong"ngayon na naisip ko yun, malaki nga ang tyansa.
"Tama, umaangkop ito sa sinabi ni Angel na lalaki ng killer" dagdag ni LT sa sinabi ko
Naalarma kaming tatlo nung may lumabas na doktor sa ER.
"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?"
"We're not the family po pero kami ang nagdala sa kanya dito." sagot ko sa doktor. Hindi namin alam kung nasaan ng pamilya niya at wala din kaming alam kung nasaan ng kasama niya sa apartment dahil mag isa lang siya ng maabutan namin.
"Hindi naman malala ang mga nakuha niyang hiwa sa katawan pero may iilan na malalim kaya pansamantala muna siyang macoconfined para matest namin at maobserbahan ang kanyang katawan habang nagpapagaling."
Kahit papaano ay nabawasan ang pag aalala ko para sa kanya. Sino kaya ang nagtangka sa kanyang buhay? Iisa lang kaya ang pumatay kay Viel at sa nagtangka kay Angel? Si Arriane ba na pinaghihinalaan ni Mica?
*****
ANGEL's POV
Nagising ako na puro puti ang nasa paligid. Bw*sit, di lang pala isa ang pabida. Kasama din pala ng kaibigan niyang madaldal. Kung hindi dahil sa kanya sana napatay ko na ang Xia'ng yun. Nagpakahirap ako na saktan ng sarili ko para sa planong yun tas mauudlot pa. BW*SITTTTT!!!
Nilibot ko ang mata ko sa buong silid. Wala kong nakitang kasama dito kaya private room siguro ito. Ang sosyal ko naman, may sarili akong silid kahit ako naman ng dahilan ng mga hiwa ko. HAHAHAHAHA. Mga hangal!!! Ang bilis paikutin ng mga taong 'to.
At dahil mga tanga naman sila, mapapabilis pala ng planong kong pagpatay kay Xia. Kukunin ko muna ng tiwala nila at makikipaglapit sa kanila. Pagnakuha ko na ang buong tiwala nila, saka ko naman papatayin si Xia at ipapalabas ulit na aksidente lang lahat. HAHAHA. Ang talino ko talaga.
Nakarinig ako ng parang may papasok kaya I pretended that I just woke up. Pagtingin ko sa pinto, it was the doctor with a nurse. If I'm not mistaken, siya yung nurse na nakitang last pumasok sa kwarto ni Viel na pabida, painosente kung sino-sino namang lalaki ang kasama every saturday night sa hotel.
I just hated those kind of sluts. Yung painosente sa harap ng lahat tas kinakama pala ng mga lalaki. Pure sluts kaya dapat patayin para mabawasan. HAHAHAHA.
"How are you feeling now? May nararamdaman kabang masakit sa katawan mo? Btw, we are here to ask for your personal information para incase na may pamilyang maghanap sayo masasabi agad namin ang exact room number mo. " sabi ng doctor
"Ok na po ako doc, wala po akong nararamdaman na masakit sa katawan ko." peke akong ngumiti sa doctor.
"Nga pala miss, saan mo nakuha ang sugat mo sa paa? It seems like a big cut, imposible siyang makuha sa opisina unless you accidentally step on it sa apartment mo dahil may nabasag."
Bat ang daming satsat ng doctor nato? Ano nga dapat gawin sa mga maingay at may alam? PINAPATAHIMIK. Mukha magkakaroon ako ng susunod na biktima.
"Doc, alam mo ba anong ginagawa ko sa mga maingay, may alam at namimintang? Pinapatahimik ko sila. But don't worry doc, di ako pumapatay."
*****
FIRST PERSON's POV
Bumisita si LT kay Angel para mag imbestiga sa nangyare dito. Ngunit labis ang gulat na bumalot sa kanya ng walang ni isang tao siya naabutan sa silid nito. Hinalughog niya lahat ng parte ng silid. Pati ang cr ay tinignan niya pero wala siyang nakita.
Dali-dali siyang nagtanong sa mga nurse na nakita niya kung nasaan niya mapapanood ang mga footage ng CCTV cameras sa ospital upang tignan kong anong nangyare kay Angel. Laking gulat niya ng makita ang isang babaeng nurse ang lumabas sa silid nito. Ang nurse na nakikita sa lugar kung saan nakita ang patay na katawan ni Viel. Ang nurse ay si Arriane Arandia.
BINABASA MO ANG
UNREVEALED
Mystery / Thriller"We must all suffer one of two things: the pain of discipline or the pain of regret or disappointment." -Jim Rohn