CHAPTER ELEVEN

1 3 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

Takte! Di ako makapaniwala sa nakita ko. Dali dali akong tumakbo ng mabilis sa abot ng makakaya ko.

Diko alam gagawin ko. Nagtago lang ako sa isang sulok. Alam kong wala nang makakakita sakin.

Bakit nagkakaganto! Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mukha at pilit siniksik ang sarili sa gilid

Wait! Alam ko na. This is not the first time.

*****

*Flashback*

Hay! Asan na ba kasi si Anna. Kainis naman eh. Siya na nga lang ang bestfriend ko sa school eh.

Kainis naman eh!

Nilakad ko nalang yung daan papauwi sa amin. Nadaanan ko nanaman tong tunnel na toh. Bakit napka creepy nito?

"TULONG!" may narinig akong sigaw mula dun sa loob ng tunnel. Bigla akong kinabahan.

Sumilip ako sandali. May nakita akong babaeng may hawak na kusilyo.

"Kasalanan mo ang lahat ng toh! Kasalanan mo kung bakit siya namatay! Kasalanan mo ang lahat ng toh" sigaw nung babaeng may kustilyo.

"A-Ano bang sinasabi mo?" tanong nung babaeng nakasandal sa pader. Wait! That's Anna!

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagpakamatay si Andrew!" sigaw niya. Andrew? Si Andrew na obssess kay Anna ay yung nagbibigay kay Anna ng lahat pero lagi niyang nirereject?

"Si Andrew?" tanong ni Anna.

"Oo! Gustong gusto ka niya Anna! Alam mo ba yun? Ilang beses niya akong itinaboy para sayo. Pero nag end up lang na binasted mo siya! Alam mo bang nasaktan siya? Ha? Hindi niya natiis yung sakit kaya nagpakamatay siya. Kasalanan mo lahat ng yun! You killed him!" sigaw nung babae.

"Hindi ko naman siya gusto! Tsaka rason ba yun para ganituhin mo ako?"

"OO ANNA! OO! LAGI MO NALANG SIYANG ITINATABOY! NASASAKTAN DIN SIYA! NASAKTAN
MO SIYA ANNA!"

"A-anong, anong gagawin mo?" tanong ni Anna na puno ng takot sa mukha

"DI KO NA HAHAYAANG MAY MASAKTAN KA PA ANNA! NGAYON PALANG TATAPUSIN KO NA ANG PANANAKIT MO SA IBANG TAO! SUMAMA KA NA KAY ANDREW!" sigaw nung babae.

"Anong sinasabi mo?" natatakot na tanong ni Anna.

"I'M GOING TO KILL YOU!" sigaw nung babae tsaka humalakhak siya.

"Baliw ka! Wag! TULONG!!!" sigaw ni Anna.

Gusto kong kumilos. Kaso diko alam kung ano ang gagawin ko. Kung tatakbo ako hahayaan kong mamatay ang kaibigan ko. Kung mag stay ako at magiging witness. Kung tutulong ako baka mapatay ako. Nanginginig ang buong katawan ko.

Napatingin uli ako dun at pinagtataga nung babae si Anna. Napatakip nalang ako sa bibig ko. Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang kaibigan ko, tinataga ng isang babae. Tuloy tuloy lang ang pagsigaw ni Anna. Anong gagawin ko?

Umalis na yung babae dun. Alam kong wala na siya kaya lumapit ako kay Anna.

Diko siya makilala sa itsura niya. Naliligo siya sa sarili niyang dugo habang di mo na makilala ang katawan niya.

J-Jusko!

*End of Flashback*

Napatakip ako sa bibig ko habang inaalala ang mga bagay na yun. Takte! Di ko kaya! Di ko kayang alalahanin lahat ng yun.

Nakarinig ako ng kaluskos galing sa likod at paglingon ko palang ay bigla akong nanginig sa takot

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!

UNREVEALEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon