CHAPTER TWELVE

1 3 0
                                    

TWELVE

XIA'S POV

Nagising nalang ako ng nakatali na sa isang upuan. Kahit madilim ay may naaaninag akong taong nakatayo sa harap ng medyo may kahabaan na lamesa. Tila ba may hawak siyang dalawang metal na pinagkikiskis niya sa isa't isa, nagbigay ingay iyon sa loob ng silid. Hindi maganda ang kutob ko sa ginagawa niya.

Di ko mapigilan ang sarili ko sa paghikbi ng mahina at mag isip ng mga bagay bagay, di ko mawala sa isip na sana hindi si Mica ito, hindi si Mica ang taong nasa likod nito. Umaasa na ibang tao ang nakita ko kanina. Hindi ako nawawalan ng pag asa na sana ay hindi ito totoo napahikbi ako kasabay ng pag angat ng balikat ko sa mahinang hikbi. Dahilan ng paglapit ng anino ng taong nasa harapan ko kita ko ang paglapit nya habang nakayuko ako.. Ayokong tumingala at makita ang kanyang muka ayokong paniwalain ang sarili ko na maaring totoo ang kalalabasan ng nasa isip ko, ayokong maniwala na matalik kong kaibigan ang makakagawa ng karumaldumal na mga pangyayare.

"Mukhang gising na ang ating munting prinsesa" Napahinto ako sa pag singhot ng sariling sipon at pag pigil ng iyak sa nadinig kong malambing ngunit may sarkasmong boses.. Dahilan para tumingala ako sa kanya habang pinipigilan ang sarili sa pagluha.. 'No! this is not true!!!' Pag sigaw ng utak ko tila ayaw absorbahin ang nakikita ko.. Napaiiling ako ng paulit ulit at di mapigilan ang mata sa pag agos ng luha..

"Mi-—Mica??" garagal na tanong ko nahihirapan ako sa pag banggit ng pangalan nya at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita saka siya ngumiti na parang nagmamalaki .. Mula sa sulok ng aking mata ay may nakita akong nakatayo sa gilid habang nakatali sa kadena.

"Rafael!!!" sigaw ko habang nakayuko ito at wlang malay..

"TANGAA!!!!! Siya pa talaga ang inalala mo kesa sa sarili mo. MALANDI!.. Oops sorry mali pala welcome my dear friend welcome to my home of beauty" namamangaha nyang sambit at nagpa ikot ikot sa tabi ko with grin smile in her small and pretty face. Napa singhap ako saka humugot ng lakas ng loob para magsalita.

"Mica hi--ndi ikaw yan, Please this is just a joke r----"

*PAKK* isang malakas na sampal ng katotohanan ang natanggap ko mula sa palad nya mahapdi kasabay ng pag kirot ng puso ko.

"Are you really nuts dear friend? haha really?? akala ko ba matalino ka.. YOU'RE NOT IN A DEEP SLEEP GIRL!!!" sigaw nito habang nakalapit ang mukha nya sakin na tila gigil na tinititigan ako. Naiiyak ako sa hapdi ng pagkakasampal niya. Hindi ko alam kung anong dahilan o ginawa kong masama para magalit siya ng ganito at napunta sa ganitong pangyayare . Ngayon ko lang nakitang nagalit ng ganito si Mica. At hindi ko na sya makilala sa itsura nya. Oo maganda sya ngunit nawawala ang pag tingin ko sa kagandahan nya dahil sa pinakikita nyang galit sa akin.

"Mi-Mica ba--ba-bakit mo ginagawa ito??" naluluha kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mata nyang galit na galit.. Saka nya ako inirapan at ngumisi ng pagkalawak lawak sa maliit nyang labi.

"Let me tell you every detail kung paano ko pinatay si Anna at lahat ng kilala mong naging biktima ko." sambit niya habang may mala demonyong ngiti na nakapaskil sa kanyang mukha. Naalala ko kung paanong nahirapan ang pamilya ni Anna sa pag hingi ng justice noon para sa kanyang pagkakamatay.

"Alam mo ba kung bakit ko pinatay si Anna? SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGPAKAMATAY SI ANDREW!" patuloy nyang banggit habang nakatingala ako na tila bata na nagmamakaawa.. . "Si Andrew ang unang lalaking minahal ko kahit nakikita ko lang siya sa loob ng kwarto niyang naggigirata. Wala siyang ibang ginawa kundi alayan ng kanta si Anna na pinapangarap ko na 'Sana ako yung kinakantahan niya'. Pero hindi, YUNG ANNA PA ANG NAPILI NIYANG MAHALIN KAHIT ANG DUMI NA NG IMPAKTANG YUN! ILANG BESES NA YUN GINAMIT NG BF NIYANG ADIK! NARIRINIG KO PA MINSAN ANG HALINGHING NI ANNA HABANG NAKASILIP AKO SA KWARTO NA INUUPAHAN NILA PARA MAGKITA SILA NG WALANG KWENTA NIYANG JOWA! Hindi mo yun alam kasi ang kilala mong Anna ay mabait, masayahin at hindi nagsisinungaling. HAHAHAHAH." ma emosyonal nyang kwento saka tumingala upang pigilan ang pag patak ng luha.

UNREVEALEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon